chapter 1

1369 Words
Tagaktak ang pawis ko habang inaayos ang mga gamit ko, kakalipat ko lang sa sarili kong condo I have decided to live on my own. Si dad ay busy din naman sa pagiging lawyer niya halos hindi nadin kami nag kikita. Lumipat ako sa quezon city ni recommend sakin ng friend ni daddy ang condo na ito. Hinaplos ko ang picture ni mommy na nasa bedside table ko family picture namin 'yon kitang kita ang saya namin sa kuha na iyon. "I miss you mommy, I wish you were here." Ibinaba kong muli ang picture at iginala ang tingin sa kabuuan ng bago kong kwarto. Satingin ko ay ayos naman na ang lahat, tumayo ako at lumabas ng kwarto para mag tungo sa kusina para mag luto na ng kakainin ko. Matapos kong kumain ng pananghalian ay bumalik ako sa kwarto para maligo at matulog, matutulog na lang ako mag hapon tutal wala naman akong gagawin ngayon. Bukas nadin ako pupunta ng cafe napagod ako sa pag lilipat kaya mag papahinga nalang ako. Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko inabot ko iyon mula sa bedside table tiningnan ko kung sino ang tumatawag akala ko si marco pero si daddy pala 'yon. "daddy?" "sweetheart you need to come home." "why? kakalipat ko lang daddy tapos papauwiin mo agad ako." himutok ko hindi ko alam kung ano na naman ang tumatakbo sa isip ni daddy, kakaalis ko lang papauwiin agad ako. "This is urgent matter sweetheart, umuwi ka ng mansyon bukas na bukas din." he said before ending the call. hindi niya manlang ako hinintay sumagot, inis kong binalik ang cellphone sa bedside table pero agad ko din kinuha ng maalala ko si marco. Hindi niya manlang ako naisip tawagan hapon na pero wala manlang ako nakuhang tawag mula sakaniya. Agad kong pinaring ang cellphone niya ilang sandali lang ay sinagot niya naman ang tawag ko. "uhmmmmmmm," rinig ko sa kabilang linya, nang tingnan ko ang cellphone ko ay napakunot ang nuo ko ng makitang nag end call 'yon. Muli kong pinaring ang cellphone niya at ngayon ay malinaw ko ng narinig ang boses niya. "hello babe, sorry may lakad kasi ako tatawagan kita mamaya bye," hindi na ako nakasagot pa dahil pinatay na ni marco ang tawag. Binalewala ko na lamang ang narinig kong 'yon baka mali lang ako ng dinig. Si jella naman ang naisipan kong tawagan gusto ko siyang imbitahan sa bago kong condo at mag movie marathon kami, ilang linggo nadin kaming hindi nag kikita dahil kapwa kaming busy sa mga ganap namin sa buhay. Nakailang ring na ako sa cellphone ni jella pero hindi niya 'yon sinasagot, nag tipa nalang ako ng message dahil baka nag didrive siya o naka silent ang phone niya kaya hindi niya nasagot ang tawag ko. beb punta ka dito sa condo ko mag movie marathon tayo at mag foodtrip. Nilagyan ko pa iyon ng heart heart imoji napapangiti ako habang nagtitipa. babangon na sana ako at mula sa pagkakahiga ng tumunog ang message alert tone ko ng buksan ko iyon ay mula kay jella ang text na natanggap ko. busy ako beb nexttime nalang. excited pa naman ako at nakangiti pero ng buksan ko ang message niya ay nalungkot ako sa reply niya. Sana all busy, napabuntong hininga ako at lumabas ng kwarto binuksan ko nalang ang tv at nanood ng netflix, ilang minuto na akong nag bobrowse sa netflix wala akong mapili at parang wala akong gana. Gusto kong mag tampo kay marco at jella ni isa sakanila ay hindi manlang ako mabigyan ng kahit konting oras, parang wala kaming pinag samahan. Bago ko maging boyfriend si marco ay bestfriend ko naman siya pati si jella bestfriend ko madalas kaming mag bonding tatlo pero simula ng maging mag boyfriend kami parang nag kawatak watak nadin ang friendship namin hindi na kami madalas mag sama samang tatlo pag magbobonding. Napakagat nalang ako ng ibabang labi at nag isip ng pwedeng gawin. Naalala kong wala pala akong stock ng pagkain, pumasok ako sa kwarto at nag bihis. Nag suot lang ako ng simpleng legings at hoody jacket. Nag drive ako papunta sa pinaka malapit na grocery store, mabuti nalang at hindi traffic nakadating agad ako sa grocery store at namili ng mga kakailanganin ko na pagkain kahit papaano ay marunong naman ako mag luto. Madalas ako nuon manood kay mommy sa kusina habang nag luluto siya, Sana kasing galing din ako ni mommy sa pagluluto. Hindi ko na nagawa nuon na mag paturo sakaniya mag luto dahil nag kasakit siya at kinuha nadin siya saamin ni daddy. Alam ko masaya na ngayon si mommy sa heaven pero nakakalungkot padin pakiramdam ko ay mag isa nalang ako. Matapos makapamili ng mga kailangan ko na pagkain ay dinala ko na iyon sa sasakyan, Napakunot ang nuo ko ng makitang may maliit na papel sa may windshield ko. Inilagay ko muna ang pinamili ko sa backseat saka kinuha ang maliit na sobre at binuksan ang laman ng iyon, akala ko pa nang una ay mga nang hihingi ng donasyon. Pero nanlamig ang kamay ko ng makita ang ilang stolen pictures ko lahat iyon ay may red dot sa nuo ko. Bigla akong napalingon sa paligid at hinanap kung sino ang nag lagay nuon palinga linga ako habang nanginginig sa takot. Agad akong nag drive pauwi at nilock ng mabuti ang unit ko pati ang mga bintana sa kwarto ko ay sinigurado kong nakalock. Wala akong gana kumain o kumilos manlang nag lock lang ako sa kwarto at pilit kinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog kagabi, nagising na lang ako dahil sa liwanang ng kwarto dahil sa sikat ng araw. Ni hindi ko na nagawang mag palit ng damit nakatulog na lang akong suot padin ang suot ko nung nag grocery ako. Naligo nalang ako at nag bihis kailangan ko munang umuwi ng mansyon para itanong si daddy kung anong nangyayari. Mabilis lang ako nag ayos ng sarili hindi naman ako mahilig mag make up natural naman na mapupula ang labi at ang pisngi ko madaming nag sasabi na kamukha ko si mommy, pero hindi ako naniniwala sobrang ganda ni mommy ang sexy niya samantalang ako ay malaman. Pag dating ko sa mansyon ay tahimik dumeretso lang ako sa kusina para batiin si manang, naabutan ko siyang nag luluto. "Hello favorite kong nanny, namiss kita," lambing ko at niyakap siya sa likuran. "hay nakung bata ka! natural na ako ang magiging paborito mo dahil nag iisa lang naman ako dito na nanny mo sa mansyon na ito," I just giggled, hinigpitan ko ang yakap ko sakaniya tinapik tapik naman niya ang braso ko na nakapulupot sa bewang niya. "isama nalang kaya kita nanny," matagal na siyang naninilbihan sa pamilya namin baby palang ako ay katuwang na siya ni mommy sa pag aalaga sa'kin kaya malapit ang loob ko sakaniya sya din ang naging sandalan ko ng nawala si mommy, "ang akala ko ba ay gusto mong maranasan ang mamuhay mag isa," reklamo niya at inalis ang braso ko na nakapulupot sa bewang niya. I sighed, totoo naman 'yon hindi ko na lamang sinagot at tinanong kung nasaan si daddy. Sinabi niyang nasa office ito at may kausap, paakyat na sana ako ng makasalubong ko si daddy. "Thank God you're here," saad ni daddy na parang nakahinga siya ng maluwag. Mukha siyang nag aalala ngayon ko nalang uli siya nakitang ganito, simula ng mawala si mommy ay madalas na siyang wala at hindi na kami nakakapag usap. "daddy ano bang pag uusapan?" naisip ko na wag nalang ipaalam kay daddy ang nakita ko na papel sa kotse ko mukhang death threat 'yon ayoko din siyang mag alala hihingi nalang ako ng tulong kay marco kung ano ang pwede kong gawin. "let's go to my office," wala akong nagawa kundi sundan siya papuntang office niya. Pag pasok ko sa office ay may nadatnan akong lalaking nakatayo ng tuwid at nakatalikod saamin, mukhang tinintingnan niya ang mga pictures sa wall ni daddy. Tumikhim si daddy dahilan para mapaawang ang labi ko ng makita ko kung anong itsura niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD