Chapter 2

1276 Words
JACK Patatlong gabi ko na ng paghihintay dito sa opisina pero palagi akong bigo na makita s'ya. Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil hindi naman ako ganito. Ewan kung anong magic meron ang mga mata n'ya at nahuhumaling ako sa kanya. Patatlong pumpon ng bulaklak na ang nabili ko at 'yong dalawa ay matagal na sa basurahan. Ito kayang patatlo? Mukhang wala na naman ang pagbibigyan ko. Have you heard of that saying, third time's a charm? Well, wala na akong pag-asa kanina na darating pa s'ya. Lulugo lugo akong pumunta ng banyo at umihi bago umuwi. Akalain mong pagbukas ko ng pinto ay nasa opisina ko na s'ya at naglilinis. "Hi!" bati ko sa kanya. Narinig ko ang pagsinghap n'ya at bakas ang gulat sa mukha n'ya. Bakit hindi? Malapit ng mag-alas dose ng gabi ay nadatnan pa n'ya ako dito. "Anong ginagawa mo dito?" salubong ang kilay na tanong n'ya. "Hinihintay ka." Inismiran n'ya ako at hindi pinansin ang sinabi ko. "Saglit lang ako dito at hindi naman madumi ang opisina mo. Himala ng mga himala." Napatawa ako sa kanya dahil pinulot ko talaga lahat ng tinapon kong papel kanina para hindi s'ya mahirapang maglinis. Malay ko ba kung kailan s'ya darating ay dalawang araw ko na s'yang hindi nakikita. Tapos ngayon, sinusungitan pa rin ako. "Kumain ka na ba?" Hindi s'ya sumagot. Patuloy lang ang paglilinis. Tinapon n'ya ang basura at pinaltan ng bagong plastic. It took her less than ten minutes to clean my office and she's about to leave now without really talking to me. Dapat ba ginawa ko na lang makalat uli ang opisina ko para mas matagal ko s'yang makasama? Napakamot ako sa ulo ko. "Wait!" Tulak na n'ya ang cleaning cart palabas ng pinto ng abutan ko. Tumigil naman s'ya ng marinig ako pero hindi n'ya ako nilingon kaya ako na mismo ang nagpunta sa harap n'ya. "For you," inabot ko sa kanya ang bulaklak. Kumunot ang noo n'ya. "Para saan 'yan? Kung 'yang bulaklak mo eh kapalit ng isang gabi ko sa kandungan mo, maghunos dili ka at baka makatikim ka na ng sapak sa akin." Napangiwi ako sa sinabi n'ya. Sapak talaga? "Peace offering ko ang bulaklak. Gusto ko lang mag-sorry sa nangyari. Wala akong balak na kahit ano sa 'yo." Saglit n'yang tinitigan ang bulaklak. "Okay na sana 'tong bulaklak at alam kong mahal ang bili mo pero sana, bumili ka na lang ng pagkain. Hindi naman nakakain ang petals nito eh." Hindi ko na napigil ang halakhak ko. God! She's such a breath of fresh air. Ang simple lang n'yang tao at diretsong magsalita. At kung ituring n'ya ako ay parang hindi ako ang may ari ng kumpanya. Well, si Papa pa rin naman pero ako rin naman ang magmamana nito. "Anong nakakatawa?" nakasimangot na ito ulit. "Sorry. Ikaw kasi. Napatawa mo ako sa petals na hindi nakakain." "Totoo naman ah, gusto mong subukan nguyain?" Napailing ako habang natatawa pa rin. "Can we start over. I'm Jack," inabot ko ang kamay ko sa kanya. "Georgia," sagot n'ya sa akin. "Are you hungry? Gusto mong magpadeliver ako ng pagkain? Nagugutom na nga rin ako eh. Pwede mo ba akong saluhan?" "Basta walang gayuma, okay lang sa akin." Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Ililibre ko na nga ng pagkain, problemado pa sa gayuma. Sa totoo lang, aliw na aliw ako sa kanya. "Walang gayuma. Tatawag lang ako sa restaurant at magpapadeliver ako. Anong gusto mo?" "May bukas pa ba? Sasabihin ko sana sa 'yong kumain na lang tayo ng kwek kwek at fishball d'yan sa tapat." "Kwek kwek? Ano 'yon?" Napanganga ito sa akin. "Kwek kwek lang hindi mo pa alam? Akala ko ba sabi nila matalino ka daw?" Hindi ko alam kung saan s'ya kumukuha ng lakas ng loob na sagut sagutin ako. Pero hindi ko rin naman s'ya mapagsabihan. "Kailangan ba ng PhD para malaman kung ano ang kwek kwek?" Umismid ito. "Ang kwek kwek po ay 'yong kulay orange na itlog. Pagamit ng banyo mo saglit ha para makapaghugas ako ng kamay." Tinungo nito ang banyo. Narinig ko ang lagaslas ng tubig at saglit lang ay pinatay na rin ang gripo. Nagpupunas ito ng kamay ng lumabas ng banyo saka itinapon ang paper towel sa gilid ng cart n'ya. Inabot n'ya ang kamay ko at hinila ako palabas. Nakaramdam ako ng kakaibang init ng magdaop ang mga kamay namin. "Tara, papakita ko sa 'yo ang kwek kwek ng close up para alam mo na sa sunod. Nakakain ka na ba ng fish ball?" tanong nito. "Sa bahay ng kaibigan ko, isang beses." "Isang beses lang? Naku, ibig sabihin ba n'yan hindi ka pa nakakakain ng paa ng manok at isaw?" Ano daw? Paa ng manok? Kinakain ba 'yon? At ano ang isaw? "Ano 'yong isaw?" tanong ko sa kanya. Umasim ang mukha nito at umiling iling. Nasa loob na kami ng elevator ngayon. Ang bilis n'ya kasing maglakad, namalayan ko na lang napindot na n'ya ang elevator button at lulan na kami pababa. "Saan ka bang planeta galing at hindi mo alam ang mga street foods dito sa Pilipinas? Ang isaw, bituka." Muntik ng bumaligtad ang sikmura ko ng marinig kung ano ang isaw. Si Georgia naman ay bumunghalit ng tawa. "Eh di ikaw na nga ang mayaman. Huwag kang mag-alala. Fishball na lang ang ipapakain ko sa 'yo. I'm sure kalasa ng kinain mo 'yon dati pero iba kasi ang sawsawan d'yan kay Mang Tino eh. Promise, masarap," nakatawang sabi n'ya. "Pareho naman siguro ang sawsawan," katwiran ko sa kanya. Tumawa ito at labas ang pangmais."Tss. Kapag nalasahan mo, baka ikaw na ang pumakyaw ng tinda n'ya." Naglakad kami palabas ng building at itinuro n'ya sa akin ang halera ng food cart. May mangilan ngilang pang magtitinda ang nandoon. Karamihan ay mga kakanin ang paninda. Nang makarating kami sa food cart ni Mang Tino ay ipinakilala n'ya ako. Bakas ang pagtataka ng matanda sa kanyang mukha. Bakit nga naman ako bibili sa kanya ng naka-suit. Ngumiti na lang ako sa kanya para maging at-ease s'ya sa presensya ko. "Mang Tino, mangandang gabi po. Ay umaga na pala," sabi nito. S'ya rin ang nagtama ng sarili n'ya dahil past midnight na ngayon. "Magandang umaga na nga," natatawang sabi ng matanda. "Boss ko nga pala -- si Sir Jack. Hindi pa daw s'ya nakakain ng street foods." "Ganoon ba? Huwag mo namang tatakutin para bumili s'ya ulit. Fish balls na lang at kikiam, huwag mong pakainin ng paa ng manok at isaw. Hindi 'yan para sa lahat at may mga maseselan." Itinuro n'ya sa akin ang mga sinasabi n'yang pagkain. Inisa isa pa n'ya at madami sa mga 'yon ay kulay orange nga. Kung may makakakita sa akin ngayong oras na ito ay walang maniniwala na ako 'yon. I was wearing a freaking suit while buying kwek kwek and fishballs. "Manong, dalawang kwek kwek, apat na stick ng fishball at anim na kikiam," sabi nito sa matanda. "Ano pa?" "Uhm, kakain sana ako ng isaw pero bukas na lang. Baka masuka si Bossing." "Umorder ka na kung gusto mo ng isaw, okay lang naman," sabi ko sa kanya. "Tss. Baka mamaya sumuka ka, maglilinis na naman ako," nakangising sabi n'ya. "May iba ka pang gusto?" tanong ko sa kanya. "Wala na, okay na ito," sagot n'ya sa akin. "Magkano po lahat, Mang Tino?" "Otsenta lang, Georgie." "Sige, babayaran ko na," bumunot ako ng wallet at akmang kukuha ng limang daan ng pigilan n'ya ako. "Itabi mo na 'yan. Konti lang naman ito. Libre ko na," nakangiting sabi n'ya. Kumindat pa! Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko sa ginawa n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD