Chapter 1
GEORGIA
Nakakapagod ang maging isang working student. Ang pumasok sa eskwela sa araw at magtrabaho sa gabi ay sobrang hirap. Pero mas lalong mahirap kung hindi ko igagapang ang sarili ko para makapagtapos. Ayaw kong maging tagalinis habambuhay. Walang masama sa pagiging housekeeper. Marangal itong trabaho pero may ambisyon ako.
Pangarap kong maging CEO balang araw. Sa Unibersidad ng Santo Tomas ko piniling mag-aral. Pinalad akong makapasa at ngayon ay nasa huling taon na ako. Hindi ko pinoproblema ang tuition dahil scholar ako. May kaunting naiwan sa akin si Nanay kaya hindi ako masyadong problemado sa tirahan. Maliit lang ang bahay at may dalawang kwarto pero at least, sa amin ito. Taxes na lang taon taon ang binabayaran ko at s'yempre ang ilang repairs kapag may nasisira.
Gusto mo bang malaman ang routine ko araw araw? Mula alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon ay may klase ako. Pagsapit ng alas dos y media ng hapon hanggang alas sais y media ng gabi ay student assistant naman ako. Akala mo ba uuwi na ako pagkatapos? Hindi. Kakain lang ako sa karinderya ni Aling Mameng malapit dito sa unibersidad at diretso na ako sa trabaho.
Mula alas otso hanggang alas dose ng madaling araw ay maglilinis ako sa KGI or Knight Group of Companies. Pangarap kong makapagtrabaho dito balang araw. Kahit Vice President okay na sa akin. Mahina akong napatawa sa sarili ko. Sa sobrang taas ng pangarap ko, pati ako hindi ko na matanaw. Malabo naman kasi akong maging CEO ng KGI dahil may dalawang anak ang may-ari nito. Syempre bago magpromote ng ibang tao, ang tagapagmana muna.
Nakita ko na ang litrato ng panganay na anak nina Mr. Knight. Ito ang kasalukuyang Vice President ng KGI. Sa sobrang haba ng pangalan n'ya, Jasper lang ang natandaan ko. Pero ang tawag sa kanya ng mga tao dito sa opisina ay ---
"Are you here to keep me company?"
Jack. Mas pogi pala s'ya sa personal at walang sinabi ang picture n'ya. Ang totoo n'yan ay crush ko s'ya. Ang mukha n'ya kasi ay hindi nakakakasawang tingnan at parang gusto mong mabungaran tuwing umaga. Sayang nga kasi pang-gabi ako. Wala na sila dito sa office kapag dumarating ako para mag-linis.
Sa sobrang pagod ko kanina, naupo ako saglit sa visitor's chair at hindi pa nag-iinit ang pwet ko ay nakarinig na ako ng mapang-akit na boses ng isang lalake. Pagtunghay ko ay si Bossing pala. Tama, opisina n'ya itong lilinisin ko ngayon eh. Kaya lang, hindi ko masyadong naintindihan ang tanong n'ya. He's a little red too. Nakainom ba s'ya?
Agad akong napatayo. "Sir?"
Niluwagan n'ya ang kurbata at saka tuluyang inalis. Pakiramdam ko sa kanya ay sakal na sakal at kinailangan pang tanggalin ang unang dalawang butones ng long sleeves n'ya. His eyes didn't leave my face. Patuloy pa rin ang pagtitig n'ya at kulang na lang ay matunaw ako sa paraan ng pagkakatingin n'ya sa akin. Para bang gusto n'ya akong lunukin ng buo. Shems! Parang Christian Grey lang ang peg -- igagapos n'ya na ba ako? Ah letse! Ano ba itong naiisip kong mga kabalbalan?
"Do you want to spend the night with me? Madali naman akong kausap. Hindi kita tatanggihan. Besides, you're --"
Napanganga ako saglit nang mawawaan ko ang sinabi n'ya at nang makabawi ay sinupalpal ko s'ya. Wala akong pakialam kung masisante ako sa trabaho ko pero hindi ako mapapayag na pagsalitaan n'ya ng ganito. Na para bang isa akong bayarang babae. Bwiset na 'to, akala mo kung sinong anak ng Diyos! Tingin naman n'ya lahat ng babae magkakandarapa sa atensyon n'ya. Hindi ko s'ya pinatapos sa sinasabi n'ya at agad s'yang pinasadahan ng isang madiin diin. Oo nga at crush ko s'ya, pero wala pa rin s'yang karapatan na tratuhin akong ganito.
"You're an asshole. Akala mo ba lahat ng babae ay makukuha mo sa isang kumpas ng kamay mo? Pwes, Mr. Knight -- ibahin mo ako. Oo nga at hindi ako kasingyaman mo o kasing sopistikada ng mga babaeng dumaan sa kamay mo -- pero hindi ako easy to get. Magmumog ka muna ng holy water at baka sakaling mahulasan ka d'yan sa sinasabi mo. Or better yet, inumin mo na para pati loob ng katawan mo luminis. Mabawasan naman 'yang kayabangan mo. Good night!"
Kabwiset! Pagod na nga ako sa school tapos ganito pa ang aabutan ko. Ang gulo gulo kaya ng opisina n'ya. At ang mga ginusot na papel kung saan nagkalat. Akala mo naman basurahan ang buong sahig. Kung saan saan ko nilimot. Hinagip ko ang cleaning cart ko at hindi na itinuloy ang paglilinis ng opisina n'ya. Bahala s'ya sa buhay n'ya. Tingnan ko kung makapagtrabaho s'ya sa dami ng natirang kalat n'ya. Iniwan ko s'yang nakatulala sa gitna ng opisina n'ya.
***
JACK
Who is that girl? Ngayon ko lang s'ya nakita dito sa opisina. Okay, hindi naman talaga ako nagpapagabi at bago sumapit ang alas singko ay nakaalis na ako sa KGI. I saw her sitting on one of the visitor's chair when I came in at hindi n'ya namalayan ang pagdating ko. Mukhang pagod pero hindi man lang nakabawas sa ganda n'ya. Her eyes are mesmerizing at para akong dinadala kung saan. Hindi nga mesmerizing -- more like hypnotizing. Kasi, kahit ano yatang ipagawa n'ya sa akin ngayon ay susundin ko kung ang kapalit ay makasama ko s'ya ngayong gabi. Iba talaga ang dating n'ya sa akin.
But then she called me an asshole.. and no one has dared to call me that before. At gusto pa n'ya akong uminom ng holy water! Hindi ko maiwasang mapatawa at mapailing, Bago pa ako nakahuma ay nakalayas na s'ya. But what the f*ck, bakit n'ya tulak tulak ang cleaning cart? Saka ko lang napagtanto, she's one of the housekeepers here in KGI! Naupo ako sa swivel chair at saka binuksan ang laptop ko. I searched our database and looked for all the files in the housekeeping department. There's only eight of them at sa gabi ay iisa lang dahil four hours lang naman ang shift. Sa umaga at hapon ang mas madami. Ang iba ay nakatoka sa washroom, alternating sa offices and common areas.
And there she is.. Georgia Carmina Galvez. She is only twenty one and.. a working student. Apat na taon lang pala ang tanda ko sa kanya. She goes to University of Sto. Tomas and a dean's lister. Impressive. Business Management ang kurso n'ya. May future kami. Natawa ako sa iniisip ko. Future huh? Future with an asshole like me. She looked really pissed earlier.
The truth is I was out for dinner with Kelly earlier and we were in the middle of dinner ng maalala ko ang dokumento kaya nagmamadali akong bumalik sa opisina. Drinking liquor was never a problem dahil may driver naman ako. I don't drink and drive. But then, it fueled my desire to have Georgia earlier. My f*cking friend down here stirred with just the sight of her. Katulad ngayon, hindi pa rin s'ya mawala sa isip ko. I don't believe in love at first sight at sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, hindi ako nakaramdam ng katulad nito sa kahit sino sa kanila. Totoo yata ang sinabi ni Donna sa isang kanta n'ya.
Kapag tumibok ang puso..
Wala ka ng magagagawa kung hindi sundin ito.
Damn.. I think I'm in love with my housekeeper.