HINDI ako makapag-focus sa mga dapat kong gawin sa araw na iyon. Matapos kong matanggap ang bulaklak at mapagtanto na maaaring kay Sante iyon galing, umalis ako ng restaurant. Hindi ko itinapon ang bulaklak dahil baka may lead akong makuha tungkol kay Sante. Hindi ko rin mapigilan ang sarili na alalahanin ang gabi that he tried to assault me. Nakatakas ako dahil sinipa ko siya sa kanyang p*********i and I made him ingest an amaryllis bulb which made him to vomit and salivate. Ito ba ang gusto niyang iparating sa akin ngayon? He’s here for revenge, right? Nakalaya ba siya sa kulungan? Mukhang may ginawa na ang kanyang pamilya para makawala siya. Lalo na’t hindi naman hawak nina Dad ang kaso na ito dahil hindi ko ipinaalam sa kanila ang nangyari sa akin. Napaigtad ako nang tumunog ang ce