“BAKIT ka naman magseselos?” Hindi ako tanga, okay? Alam ko kung bakit nagseselos ang isang tao. Pero maraming factors na dapat i-consider. Dalawa sa maaaring maging factors nito ay emosyon o pride. Kagaya ng sinabi ko noon, Mattheus is a prideful man. Ang mga kagaya niya ay hindi natutuwa kung may ibang umaaligid sa babae o bagay na tinuturing nilang kanila. “I am possessive, Maxine. I don’t like sharing; I don’t want to share you.” Sumandal ako sa kinauupuan ko. “Madamot din ako, Mattheus. Kung anong akin, sa akin lang dapat. Ayoko na may kahati ako.” Humalukipkip ako habang mataray na nakatingin kay Mattheus. I wasn’t expecting him to smile pero iyon ang ibinigay niya sa akin. “I’m glad you are. Gusto ko ring ipagdamot mo ako.” Mariin kong kinakagat ang aking labi, to the point n