NAAYOS nila ang problema. Hindi ko alam kung paano nila yon nagawa pero iyon ang ibinalita sa akin nina Mattheus. Hindi naibalik ang pera pero kahit papaano ay nakagawa sila ng paraan para mapagtakpan ang pagkawala nito. But if we’re reckless, someone will know what happened. Iyon ang iniiwasan namin kaya nag-iingat pa rin kami. “Parang may mali,” sabi ko kay Mattheus matapos mag-sink in sa akin lahat ng mga impormasyong sinabi niya. “What do you mean?” Tumingin ako sa kanya. Malalim pa rin ang iniisip ko. “Pakiramdam ko, hindi lang sila ang nasa likod nito. Pakiramdam ko, there’s a bigger person behind this. Hindi basta-basta makakapagnakaw ang kung sino lamang sa pera ng organisasyon. Someone helped them for sure.” Napaisip din doon si Mattheus bago sumang-ayon sa akin. “Kung sino