MY BODY IS ACHING. Nang magising ako at magmulat ng mata, ang sakit ng katawan ko ang aking unang naramdaman. Hindi ako makakilos nang maayos dahil sa bawat paggalaw ko, dumadaing ng sakit ang buong katawan ko. I groaned when I felt the pain in my ribs. “Maxine…” Nakakita ako ng anino sa may gilid ko. Nilingon ko siya at tiningnan. Agad kong nakita si Mattheus. Naupo siya sa gilid ng kama ko at pinagmasdan akong mabuti. Ang kakaunting pagbuka ng aking labi ay nagbibigay na sa akin nang matinding kirot, kaya mas minabuti ko na itikom na lang muli ito. Ang tagal na simula nang huli kong maramdaman ang helplessness. Matagal na simula nang hinayaan kong apakan ako ng ibang tao. Simula nang magdesisyon ako na kailangan kong patunayan ang sarili ko, hindi na ako nagpakita ng kahinaan. So