I AM AVODING HIM. After what happened in the hotel at naramdaman kong abnormal ang puso ko pagdating kay Mattheus, I started to avoid him. Though, I didn’t forget the reason why I am here. Kaya nang oras na umalis si Mattheus ay pumasok ako sa home office niya at naghanap ng mga maaaring kong magamit laban sa kanya. I disabled the cameras surrounding the area. Nahirapan akong i-hack iyon but thanks to my skills, nagawa ko pa rin naman. Sa pamilya namin, lahat kami magaling sa hacking but I am one of the best. Sina Yvo at Silver? Natuto lang naman sila dahil sa akin. I shared my knowledge to them. Napasabunot ako sa sarili ko nang mapansin ko na tanging fingerprint lamang ni Mattheus ang makakapagbukas ng mga drawer at cabinets kung saan nakalagay ang mga mahahalagang dokumento nila. I