PAALIS na ang mga pinsan ni Mattheus. Umakto sila na parang hindi ako hinalikan ng pinsan nila. Kaya ako ay umakto rin na wala lang sa akin iyon kahit kanina pa naghaharumentado ang puso ko. Nasa may front door ako habang pinapanood sina Nevio at Antonello na sumakay sa kanilang mga sasakyan. Naramdaman ko na may tumabi sa aking gilid. Noong una ay akala ko, si Mattheus iyon. Ngunit nang tingnan ko siya at maamoy ko ang ibang pabango, alam ko na hindi ito ang asawa ko. “Remo?” Hindi pa pala siya nakakapasok sa kanyang sasakyan. Akala ko ay nauna pa siyang lumabas sa mga pinsan niya kanina. “Thanks for your hospitality, Maxine.” Tumingin siya sa akin but his expression is unreadable. Tipid siyang ngumiti sa akin. “I hope we can talk sometimes. Take care of yourself.” Umalis na rin si Re