“CONGRATULATIONS, Ate!”
Nilingon ko ang bumati sa akin at nakita ko ang aking nakababatang kapatid na si Aiselle. Hinalikan ko siya sa pisngi.
Napansin ko ang kanyang pag-iyak dahil siguro sa mangyayari ngayong araw. I laughed at her ridiculous reaction. Hindi niya naman kailangang umiyak.
“Don’t cry, Ace! Wala namang dapat ikaiyak sa araw na ito.” At pinalis ko ang luha sa kanyang mga mata.
“But…you’re about to get married! Naiiyak ako sa saya at lungkot.”
Niyakap ko ang kapatid ko dahil sa sinabi niya. I know, she wants the best for me. Kung tutuusin kasi, sa aming apat na magkakapatid, pinakamabait pa itong si Aiselle. Para bang siya ang anghel at kaming tatlo ng mga kapatid kong lalaki ang demonyo. Nakuha niya siguro ang ugali kay Mommy habang kami naman ay kay Dad.
“Are you happy, Ate Maxine?” tanong ni Aiselle sa akin sa gitna ng yakap.
Natigilan ako roon pero hindi ko pinahalata. Hindi ako kumawala sa pagkakayakap dahil alam kong mababasa ni Aiselle ang aking ekspresyon.
“Yes…” I lied.
Turth it, nothing to be happy and ecstatic about this wedding. Magpapakasal ako para sa sarili ko at para tigilan ako ng ibang lalaki sa alok nila ng kasal sa akin.
Fuck every one of them who thinks they can put a leash on me, and they can cage me when I get married to them. Bukod sa interes nilang makapasok sa pamilya ko, alam ko rin na gagawin lamang nila akong trophy wife. Ang iba namang next in line boss na halos mga kasing edaran ko ay kung hindi kokontrolin ang buhay ko, baka abusuhin lang ako. Hell no. My life, my rules.
Hindi rin naman mahilig si Dad sa arranged marriage pero…naiisip ko minsan na sa gaganda ng offer ng ibang pamilya para lang makuha ang kamay ko, baka makumbinsi nila si Dad kaya gumawa na ako ng hakbang para hindi mangyari iyon. I just want to be free, at kapag nagpakasal ako sa lalaking hindi ako ang pumili, alam kong isang buhay na pagsisisihan ko ang nag-aabang sa akin.
Kaya bilang isang mabuting anak, naghanap ako ng lalaking pakakasalan ko, pagpapanggapin kong boyfriend ko at papayag na magpalit ng apelyido just to please my father. I found him naman—Dylan.
He’s nice and kind—a perfect toy for my married life. Pakiramdam ko, kung anong gusto ko, susundin niya naman. Iyon ang mahalaga sa akin—that I will always rule my life and no one, even the man that I’m going to marry, will take it away from me.
“That’s good. Kung masaya ka, I’m happy for you.”
Walang alam ang pamilya ko na I am not romantically attached to my soon-to-be husband. Ang alam nila nagmamahalan kami at willing ang boyfriend ko na magpalit ng apelyido para sa akin. Ako lang at si Dylan ang tunay na nakakaalam ng kalokohan ko. I don’t know how I made him agreed with me. Maybe because my offer is a good one, na tutulungan ko ang pamilya niyang nasa Pilipinas sa lahat ng kakailanganin nito sa buhay or he’s actually stupidly in love with me.
Yuck! Don’t even want to think about that.
“Aalis na ako, Ate, para makapag-ayos ka na. I love you!” At muli niya akong niyakap.
After years, bumalik kami ng Pilipinas dahil dito gagawin ang aking kasal. Gusto kasi ni Dylan na makasama ang pamilya niya at makapunta sila sa kasal. I remember telling him this is not something they should celebrate pero ang sabi niya ay minsan lang daw siyang ikasal at gusto niyang naandoon ang kanyang pamilya. Pinagbigyan ko na lang din.
Inayusan na ako ng artist na kinuha ko. Hindi naman sila nahirapan dahil natural na akong maganda.
May gown is also elegant at maganda. Ako mismo ang nagbigay ng mga detalye sa gown ko.
Everything seems to be perfect that day. Na siguro kung may nararamdaman siguro akong pagmamahal para kay Dylan, maiiyak ako sa araw na ito.
I can’t deny the fact that I am somehow attached to him. Sa matagal-tagal na pinagsamahan namin, he gained my respect and trust. Kaya siguro ang kahilingan niyang magpakasal kami sa Pilipinas ay pinagbigyan ko.
Dylan is part of the few people I cherish—not romantically. He somehow digs his place in me as my friend. Siguro, darating din iyong oras na baka nga…posibile sa akin ang mahalin siya. He’s a good guy, after all. Even sa s*x, hindi niya ako pinipilit gawin iyon. For me, wala naman sanang kaso kung may mangyari sa amin, but he respects me as a woman. That’s one commendable thing about him. Kaya ngayon, magpapakasal ako na virgin.
Mahilig man akong gumimik, hindi ko naman basta-basta ibinibigay kung kanino ang aking dignidad. If I think a man doesn’t deserve me, hindi ko ibibigay sa kanya iyon. Nakikipag-make-out ako pero hanggang hawak-hawak lang sa balat ko at hindi sila nakakalampas sa lugar na iyon.
Nasa labas na ako ng venue ng kasal at naghihintay na lamang sa senyas sa akin para pumasok. I still don’t get why we have to go through all this cringey stuff! Puwede namang magpakasal na lang agad. But oh well, naandito na rin naman.
Bumukas ang malaking pinto at narinig ko ang musika para sa pagpasok ko. I plastered a force smile and walked on the aisle of the venue.
Nakatingin sa akin ang mga bisita. May ilan na hindi ko kilala at ang ilan ay kilala ko naman.
Nanlalamig ang kamay ko habang hawak ang bulaklak. Ang dami pala talagang seremonyas bago ikasal. Kung tutuusin, sa papel ko lang naman gustong maikasal. I just want to secure my freedom…but what the heck is this, though?
I secretly rolled my eyes. Wala naman sigurong makakakita na umiirap ako dahil sa belo na nakataklob sa mukha ko.
Malapit na ako sa altar. Natatanaw ko na ang mga kapatid kong lalaki kasama si Dylan. Nakita ko rin si Aiselle na nakangiti sa akin. Kahit papaano, ang pagmamaldita ko sa sarili ay naglaho. Kailangan ko na lang matapos ito.
Tiningnan ko ulit si Dylan. Nakita ko na nakangiti siya sa akin. Napangiwi nga lang ako at halos matawa nang makita ko siyang umiiyak.
The hell! Bakit umiiyak ang lalaking ito? Kung puwede lang talagang tumawa nang malakas ay ginawa ko na pero kailangan kong kalmahin ang sarili ko.
I hide my smile. This guy, kahit kailan talaga ay naiiyak siya sa mga maliliit na bagay. But I do appreciate him. He has something I lack—emotions.
Hindi naman sa wala akong literal na emosyon. I am not like my brother—Silver—who’s an unfeeling bastard na mukhang walang pakealam sa mundo at mahihiya ang North Pole sa lamig ng ugali niya. I am not like my other brother—Yvo—who’s like a psychopath na walang pakealam sa tama o mali at mas natutuwa kapag nagkakagulo ang lahat habang siya ay nanunuod sa kanyang trono. Maybe I am just in between o siguro may emosyon ako ngunit mas pinipili kong paganahin ang mga rason at utak ko kaysa emosyon at puso ko.
Malapit na ako sa altar at siya naman ay pinapalis ang mga luha. Napailing ako. Dylan is surely become someone na nakakapagpangiti sa akin. Hindi rin naman maipagkakaila na mabuting tao si Dylan. That is why, habang kasal kami, I will protect him kahit dapat ay siya ang magpoprotekta sa akin.
Napangiti ako sa sarili pero agad ko iyong inalis nang mapagtanto na napapangiti ako.
When I was about to take another step closer to him…bigla akong nakarinig nang malakas na pagbaril at tumama ang bala kay…Dylan.
Agad na nawalan ng buhay si Dylan at bumagsak ang kanyang katawan sa sahig. Natigil ako sa paglalakad habang nakatingin kay Dylan at sa dugo niyang dumanadanak sa sahig mula sa ulo niya.
Nakabukas pa ang kanyang mga mata dahil sa biglaang pagkamatay.
Nagsisigawan at nagkakagulo ang ilang bisita. Ang mga kapatid ko ay agad na pinahanap ang bumaril habang ako ay nanatiling nakatayo roon at nakatitig kay Dylan na tila ba kahit walang buhay ay nakatitig pa rin sa akin.
“Ate!” May humawak sa akin na siyang nagpabalik sa aking ulirat.
Napasinghap ako at ang panlalamig ay napalitan ng galit. Iniwasan ko ang wala nang buhay na katawan ni Dylan. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng simbahan—and I found a shadow.
Sa pangalawang palapag ng hall ay may nakita akong lalaki. Nakatingin siya sa akin na para bang hindi natatakot na makita ko kung sino siya.
Nanginig ang laman ko dahil sa kanya. Hindi ako maaaring magkamali kung sino ito.
Mattheus De Crescenzo, the next in line boss of the De Crescenzo family. Sa lahat ng tinanggihan kong offer ng kasal, sa kanya ata ang pinakamalala. I didn’t just refuse their offer, I even humiliated him in front of my family and his.
The man who’s like a shadow, lurking in the dark and obsessing over me for years now.