"Z-Ziel, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo!" galit na sigaw ni Fionah sa akin nang makita niyang umandar na ang sasakyan ko at palabas na kami ng Hanzford University. "Please, stop the car! Hindi ako sasama sa 'yo," naiinis niyang sigaw. Sinubukan niyang pindutin muli ang mga button ng sasakyan ko ngunit walang bumukas na pintuan kahit isa. "Hindi rin ako nakikipagbiruan sa 'yo, Fionah. Mag-uusap lang naman tayo so please stop screaming. Naririndi na ako sa iyo at baka kung ano ang magawa ko kapag hindi ka tumigil," pagalit na banta ko. Kunwari lang naman iyon dahil gusto ko lang kumalma siya. Wala naman akong gagawin na iba sa kanya dahil gusto ko lang naman mag-usap kami. I can't take it anymore. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko sa kanila ni Xenon. I was there when Xenon kissed