“So, what’s the tea?” I asked as soon as we settled at our table. Tapos na ang evaluation kaya nandito kami ngayon sa starbucks, same building lang ito kung nasaan ang TalentFuse pero sa bandang likuran ito.
“Si Rein kinu-kwento sa amin na ikaw raw ang dahilan ng official break-up ni sir Dwayne at ate niya. Naiinis ako sa kanya!” Kamuntikan ko nang maibuga ang Milk Tea ko, what did she just say?
“H-ha?” Pinilig ko pa ang ulo ko, paano?
“Ang kwento niya ay nahuli raw kayo ni sir Dwayne na magka-date. She even said her sister slapped you!” Kahibangan, ang kaninang matamis kong Milk Tea ay tila naglasang purong kape. Was she just making up stories or her sister told her that?
“Did you believe her?” Parang tinakasan ako ng dugo sa katawan. Ganito pala ang pakiramdam, so my sister has been enduring this kind of feeling? I want to get angry but I couldn’t since I am taking care of my image.
“Of course not! You would never.” Kung kanina ay nanlamig ako, ngayon naman ay pakiramdam ko nag-iinit ako dahil sa tuwa, ganito ba ang naramdaman ni ate noon din? Naging ganito rin kaya si Heather sa kanya?
I wonder if Valentina would ever betray me.
“Good,” sumimsim akong muli sa Milk Tea ko. “We are friends…hindi ka ba maaapektuhan?” The least that I want to happen is seeing Valentina hurt because of me.
Don’t worry, I will clear my name.
“Nope,” tsaka siya ngumisi nang malapad.
I thought hindi magiging big deal ang lahat dahil lilinisin ko ang pangalan ko bago magkagulo pero huli na pala ako. Masyado akong naging kampante.
“Vawn, bakit ka naman nakipagkita kay sir Dwayne nang walang kasama?” Agad na tanong sa akin ni Mickey. Nasa van kami ngayon at papunta sana sa event but we have to cancel it because of the rumors swirling around.
Hindi ako nakasagot. Hindi naman kasi niya alam ang tungkol sa deal namin ni Dwayne.
“Sorry, mem.” In the end, I just apologized.
“Vawn, maging honest ka nga sa akin. May namamagitan ba sa inyo ni sir Dwayne?” My eyes widened.
“What? No!” Tumaas pa ang boses ko nang dahil sa gulat. Dwayne and I? Impossible!
“If no feelings involved…are you guys fvck buddy? You can be honest with me so I can help you,”
“What the– of course not!” Depensa ko, dahil hindi naman talaga.
Masuri akong tiningnan ni Mickey, “I'm a virgin! We can go to the hospital right now and have me checked.”
“Fine, hindi na kita kukulitin. Hija, ako na magsasabi sa iyo, ha? Kahit responsable iyang si sir Dwayne ay matinik ‘yan sa babae at maraming model at artista na ‘yang naikama. Huwag ka nang maki-belong pang bata ka.”
“No way, he was from a long term relationship,” unless…
“Oh, kita mo na. Interested ka?”
“I am not, mem. I just heard, okay? Stop overreacting. Walang namamagitan sa amin,”
“Sige, sabi mo eh.” Pero nanunuya pa rin ang mga tingin niya na ikinairita ko, “maglalabas tayo ng statement– denying the issue. Hindi na ako magpapaliwanag, basta idedeny natin.”
“Okay…I’m sorry.”
“Don’t be, hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari, but I’m wondering who started this,” I think I know who but I do not want to put Valentina in trouble. Dapat sa iba manggaling.
Pinauwi at pinagpahinga ako ni Mickey kaya ngayon ay nakikipag eye to eye ako sa kisame ng kwarto ko.
“Oh, oppa?” Wala akong ginagawa kaya mabilis kong nasagot ang tawag ni Dohyun.
“Vawn-ah. Are you busy?” He asked over the phone.
“Nope, I’m on rest day.”
“We’ll be coming to Cebu for our meet and greet since we have accepted a brand from the Philippines.” I could hear the excitement in his voice. “Let’s meet!”
I was about to say no, but I can disguise myself as a fan. Tutal ay pumunta rin naman ako nung nag concert sila rito sa Pinas, naka-post iyon sa IG ko.
“Sure,”
Ang akala ko ay magtatanong pa siya, baka lang naman kasi nasagap niya ang balita. But he did not ask me anything so I guess he doesn’t have any idea about the rumors going on about me.
Damon, Kirby, Vaughn, and the other cast of the movie messaged me. Asking if I was okay, isa-isa ko naman silang nireplyan.
“I’m really fine,” sagot ko kay Damon. Hindi pa kasi siya nakuntento at tumawag pa talaga. “And I’m sorry, our movie might be affected,” I sighed.
“Hindi ‘yan,” kalmado niyang sagot.
“Paanong hindi?” Umupo ako sa vanity ko at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.
“Basta, I think it’s good nga eh. Timing sa paparating na movie premiere natin,” I heard his chuckle from the other line.
“Aren’t you afraid it’ll flop because of my issue?” I put a toner on my face, kaya naka-loudspeaker ang cellphone ko ngayon.
“Umiingay ang pangalan mo, ibig sabihin sumisikat ka na. Kaya, sure ako na hindi magpa-flop ang movie.”
Is this how it really is in showbiz? Ang chaotic.
The movie premiere has come, so I prepared very well. Ayon kasi ang bilin ni Mickey eh. I was wearing a formal evening gown. At dahil kami ni Damon ang bida ay magkatabi kami ngayon, this isn’t the first time na pinanood ko ang sarili ko but this hits different since I showed different kind of emotions in this movie.
“You slayed that crying scene though,” bumulong si Damon sa akin. Showing on the screen right now the vulnerable side of my character. Pati ako ay napanganga sa sarili ko, I did not know I was really crying so hard.
“I bet this will be a trend tomorrow,” bumulong ulit si Damon sa akin. “Do you have anger issues or something? You slayed that scene too,” mayroon kasi roon na galit na galit ang character ko sa pamilya niya. Wala si Damon sa eksena na ‘yon kaya ngayon niya lang nakita.
“Didn’t know you’re this talkative,” I told him. He just shrugged.
“CONGRATULATIONS, SHIYO KO!” Muntikan na akong mabingi nang sagutin ko ang tawag ni Valentina. I am currently in my dressing room right now, preparing for Damon and I’s evening show guest appearance.
“Easy, girl. Thank you!” Bahagya akong napatawa.
“Ilang beses mo akong pinaiyak sa mga scenes mo! I hate you but I love you,” if I didn’t know Valentina’s personality– I would think she was crazy.
Hindi nagtagal ang usapan namin dahil kailangan ko nang magpaalam.
“Good evening, pipol! Now, let’s welcome our guests for tonight. Live na live! Siobhán Fabroa and the one and only Damon Natividad!” Inalalayan ako ni Damon paakyat ng stage. May mga live audience rin itong show na ‘to.
Damon and I’s outfit are somehow the same, pareho kaming naka-denim. I was wearing a denim midi skirt, white knitted long sleeve that hugged my body, a denim crop top jacket, and plain white shoes. Si Damon naman ay naka maong pants, plain white t-shirt, at puting sapatos din. Ang simpleng tingnan pero malakas ang dating niya.
“Wow! Couple yarn?” Pagbibiro ng host, hilaw naman kaming napatawa ni Damon. “Have a seat,”
Nagbeso muna kami kay Jeyda– ang host sa show na ito bago umupo sa couch na katapat ng upuan niya. Jeyda is a comedian but at the same time she is really good at hosting kaya deserve niya ang spot sa show na ‘to.
“So, kumusta naman? Nice to meet you pala, Vawn. First time kitang makita in person, ang ganda mo pala talagang bata ka? Itong si Damon ay hayaan na natin siya, ilang beses ko na siya nakita.” Bahagya naman kaming tumawa, pati ang mga audience. “Hindi ba guys? Tingnan niyo naman, kay gandang bata!” Medyo nahiya pa ako because no one openly told me those words.
“Nahihiya po siya, ate.” Saad ni Damon, siniko ko nga.
“Uy, uy, uy! May pasiko si ate mo gurl!” I then become stiff. Narinig ko naman ang tawa ni Damon kaya minumura ko siya ngayon sa isipan ko.
“Ito na nga, so– kumusta naman kayo?” Napatingin ako kay Damon, I want him to take the lead since nakapag guest na siya sa ibang show habang ako ay first time ko talaga ito at live pa.
“Ladies first,” gusto ko talagang murahin itong si Damon. Hindi ba niya nakikita na gusto ko na siya ang mag lead? Argh.
“In general, I’m okay naman po.” I smiled.
“Pa-showbiz ka talaga Vawn, ito na nga— elaborate ko na. Kumusta ang taping niyo tapos first movie mo ito na ikaw ang bida hindi ba?”
“Uhm…magandang gabi po pala sa lahat.” Napakamot ako sa batok ko dahil late na ang pagbati ko na ikinatawa ni Jeyda. “Sa taping po ay ayos naman. The casts were all kind and of course– ang aming direktor din po ay talaga namang mababait. And yes, first movie ko po na bida rin ako.”
“Gusto ko yung bumati ka pa talaga muna, ha.” Jeyda laughs. “Marami pa akong itatanong kaso mapapahaba ka na, balikan muna natin itong si Damon, nagtatampo na eh.”
“Wow, ate ha. Hindi ako magtatampo, basta ikaw.” Damon winked. Naghiyawan naman ang audience, I think dahil sa pakindat ni Damon.
“Naku, naku, naku talaga itong batang ‘to. O siya, kumusta naman? Bilisan mo ha, gusto ko nang balikan si Vawn. Actually…doon ka kaya muna sa backstage?” Napahawak si Damon sa dibdib niya dramatically.
“Ayan ang nakakatampo. Ouch, sakit ate ha. Anyway, okay naman. Kagaya nga ng sabi ni Vawn, mababait po talaga ang mga katrabaho namin– lalo na sila Direk. At hindi naman mahirap katrabaho si Vawn.” Tinapunan ako ng tingin ni Damon.
“I heard close raw kayo?” May panunuya sa boses ni Jeyda.
Close kami?
“I would say,” sagot ni Damon.
So, close nga kami?! Kailan pa?
Narinig ko naman ang tawa ni Jeyda kaya napatingin ako sa kanya, “direk pa replay nga ng itsura ni Vawn. Pwede na ba?” Humalakhak si Jeyda, kumunot tuloy ang noo ko.
“Ayan, ayan! Tingnan niyo kasi.” Mas humalakhak pa siya. Tumingin ako sa background monitor, nung sinabi ni Jeyda na she heard Damon and I are close, bahagyang tumaas ang kilay ko. Tapos nung sumagot si Damon ay parang gulat na gulat ako and I did not know I side eyed…Damon?! Biglang tumunog sa background ang “Bombastic side eye.”
“Mukhang nagsisinungaling ka, Damon.” Ngayon ay pati ang audiene ay tawang-tawa.
“Grabe ka, Vawn!” Pinanlalakihan ako ngayon ni Damon ng mata.
“What? I was just surprised?” I just shrugged, hiding my embarrassment.
“Yeah, sure.” Sarkastiko niyang sabi.
“Ganyan talaga kayo sa set? Nag-aaway?” Normal na ang pananalita ni Jeyda pero halata mong nagpipigil siya ng tawa.
“No po, I think first time ito.” I answered.
“Oo nga, ‘no?” Nang mapagtanto ni Damon. Sa set kasi ay seryoso kaming pareho, ngayon nga lang kami nagbangayan yata. Is this a sign that we really are close without me noticing it?
“Yung totoo, nag-uusap ba kayo? Parang gulat kayo sa isat-isa, ha.” Sabi ni Jeyda na ikinatawa ng audience.
“Moving on, ano ang struggles niyo sa movie niyo?”
This time ay si Damon na ang nauna.
“For me, I think whenever I had to show affection and pain at the same time bilang Dylan to Aella.” Tumango-tango pa si Damon habang nagsasalita.
“Ako naman po sa kissing scenes,” narinig ko namang naghiyawan ang audience I could feel Damon’s gaze too.
“Scenes? So…lahat ng kissing scenes? Hindi lang yung first kissing scene?” May panunuya sa boses ni Jeyda.
“Opo, luckily Damon was good at it so he saved me. I guess,” I pursed my lips.
Nagkasalubong nanaman ang kilay ko nang marinig ko ang halakhak ni Jeyda, napatingin ako kay Damon pero nakayuko siya– tapos bigla siyang tumayo.
“Sa manager po ni Vawn, nananawagan ako…pakisundo na ho.” Humarap sa camera si Damon. Wala ngayon si Mickey, si Eliza lang ang kasama ko na ngayon ay natatanaw ko rin tumatawa sa gilid ng stage.
“What…?” I asked. Ano bang ginawa ko?
“What’s funny…” halos pabulong kong sabi.
“Pinapasaya mo ako, hija.” Sabi ni Jeyda, halata nga. Tawang-tawa siya eh.
“Okay…sorry, Vawn. Mabalik tayo,” pero natatawa pa rin siya, “nahirapan ka sa kissing scenes niyo…bakit?”
“Kasi wala naman pong practice na ganon sa workshop.” Ngayon ay sabay-sabay yata ang lahat na humalakhak.
Seriously, what’s funny?
“S-sorry…so…kung meron ba ay magpapractice ka?” Tanong ulit ni Jeyda habang nakangisi.
“Well, I think so. Practice makes progress at para naman ‘yon sa career ko rin,” I shrugged.
“Wala ka bang napag-praktisan noon?” Malapad pa rin ang ngisi ni Jeyda.
“Huh?”
“She was asking if you’ve never kiss your exes before,” si Damon na ang naglinaw sa akin.
“Huh? I never had a boyfriend.” I answered.
“I…was your first kiss?” Laglag pangang tanong ni Damon. Marahan naman akong tumango.
“AAAAAAAAHHH!” Tili mula sa audience.
“Woah, woah, woah! At magbabalik ang– A NIGHT TALK WITH JEYDA!” Kahit off live kami ay tawang-tawa pa rin si Jeyda.
Umakyat naman ang make-up artist ko para i-retouch ang make-up ko. Nang maglive na ulit ay umayos na ako ng upo.
“If there were a song that Dylan would sing for Aella, what would it be? Can you sing us that song, Damon?” I glanced at Damon then back to Jeyda.
“I wanna say dangerously by Charlie Puth but there’s this song kasi na may lyrics na sa tingin ko ay mas kakantahin ni Dylan para kay Aella,” saglit na huminto si Damon, “Acapella na lang siguro, baka hindi ako makasabay sa music.” Napakamot pa si Damon sa batok niya.
“Okay, birahin mo na. Tayo kayo sa gitna ni Vawn, dali! Bigyan naman natin ng Aella and Dylan moment na live ang ating mga audience,”
Kusa na akong tumayo bago pa maglahad ng kamay si Damon, pumwesto kami sa gitna ng stage. We were both facing the audience.
“Violins playin' and the angels cryin',” panimula ni Damon, I was surprised. Hindi pang-singer ang boses niya pero nasa tono siya kaya magandang pakinggan.
“When the stars align, then I'll be there,” humarap sa akin si Damon, we were both staring at each other’s eyes.
“No, I don't care about them all,” umiling si Damon at hinawakan ang kamay ko.
“‘Cause all I want is to be loved,” binitawan niya ang kamay ko at binalik niya ang mga mata niya saglit sa audience.
“And all I care about is you,” he reached for my nape as he caressed my cheek.
“You're stuck on me like a tattoo,” Ibinaba niya ang kamay niya sa mga palad ko. I just let him because right now ay siya si Dylan at ako naman si Aella.
“No, I don't care about the pain,” ibinalik niya sa akin ang paningin niya.
“I'll walk through fire and through rain,” he was intimately looking at me as if we were still in the movie.
“Just to get closer to you,” he now put his hand around my shoulder.
“You're stuck on me like a tattoo,” he flashed a smile as he ended his song.
“OH MY GOOOOOOSH!” It was from the audience.
“WAAAAAH!” Tila kinikilig pa rin ang iba. I just smiled at them as we sat back on our seats.
“Wow, busog na busog naman ang tainga ng mga hija sa baba, ay!” Pagtukoy ni Jeyda sa audience, “para kay Vaw– ay, Aella pala, iyon mga ateng!” I just chuckled.
“Oh siya, hindi pwedeng ang mga hija lang natin ang masiyahan, dapat ang mga hijo rin. Tama ba?” Naghiyawan naman ang iilang lalaki mula sa audience, pero may mga babae rin na tumili.
“That was a good song, Damon. Palakpakan naman natin ulit si Damon, guys.” I also clapped my hands dahil talaga namang maganda sa pandinig ang pagkakanta ni Damon.
“Hala, hala, hala. May hiya ka pala?” Natatawang sabi ni Jeyda kay Damon.
“Hindi man halata, pero– oo ‘no, tsk tsk,” bahagya naman akong napatawa. Damon was always confident, this is the first time I’ve ever seen him shy.
“Alright, bago pa maging kamatis itong si Damon ay tumayo na ulit kayong dalawa. Vawn, if there’s a song that you think Aella would sing for Dylan, go ahead and sing it now.” Inilahad na niya ang gitna ng stage sa amin.
Bahagya pa akong nag-alangan dahil wala naman ito sa briefing but this kind of situation happens naman siguro talaga.
“You can say no if you can’t sing,” bulong sa akin ni Damon. I just gave him a smile, reassuring him that I can handle it.
“I know that this song is for him,” I was talking about Jesus, “but I know for sure that Aella would sing this song for Dylan.”
Humarap ako kay Damon, humugot muna ako ng hininga bago tuluyang nag-umpisa.
“And I can't turn back now,” I used a deep voice in these lyrics. Damon stiffs while staring at me.
“'Cause you've brought me too far,” I looked into his eyes as Aella, as I was reaching the tune.
“I need you like water,” Saglit akong yumuko at dinama ang kanta.
“Like breath, like rain,” Saglit akong tumingin ulit kay Damon bago pumikit.
“I need you like mercy,” Nang idilat ko ang mga mata ko ay hindi pa rin nagbabago ang tingin sa akin ni Damon. Ganyan siya kagaling umarte, kayang-kaya niyang maging fully Dylan live.
“From Heaven's gate,”
“There's a freedom in your arms,” Tumingin ako sa audience habang pasimple kong isinukbit ang isang kamay ko sa braso ni Damon.
“That carries me through,”
“I need you…Ooh, yes I do, oh,” I also smile at the audience just like how Damon smiled at them earlier.
I was caught off guard when some of the audience stood up and clapped their hands. Kanina ay wala akong narinig sa kanila kahit kaluskos nung kumakanta ako. Acapella ang ginawa ko, kaya kung may kaluskos man ay maririnig ko.
“W-wow…” I heard Jeyda gasp.