Tuliro at tulala ako dahil sa mga nabasa ko online. Kaya pala kabilin-bilinan niya na huwag akong mag-aksaya ng oras para lang magbasa ng balita tungkol sa kanya.
“I’m sorry for your loss, Vawn-ssi,” wala akong enerhiya para lingunin pa si Dohyun.
I am now in our company’s pantry, tinatanaw ko ang mga maliliit na sasakyan mula sa ibaba.
“Here,” napatingin ako sa ice cream na nilapag niya sa harapan ko. Hindi pa siya nakuntento dahil tinitigan ko lang iyon, kaya binuksan niya at inilagay sa kamay ko.
“I don’t know your comfort food so I just picked the usual,”
Wala sa sariling kinain ko ang ice cream na binigay niya. Sayang naman kasi ang effort niya.
“Sunbae…” I called out.
“Hmm?”
This time, nilingon ko siya, “do you suffer privately whenever you see a bad comment about you, online?”
“I wouldn’t say that I am suffering. But sometimes those comments are affecting me. Before entering the industry I had myself ready about bashing. Now, it is up to us how we are going to handle it. It might inspire or drag you down if you let your emotions drive you.”
Napaisip ako sa sinabi niya. May punto siya, noon naiisip ko na rin iyon. Pero ngayon na nawalan ako ng kapatid dahil sa pamba-bash ng mga tao sa kanya, hindi ko mapigilan na magalit at gusto kong kasuhan isa-isa ang mga nagsabi sa kanya ng masama online.
Hindi ako nakapag salita pa. Bumalik ang tingin ko sa kawalan.
“People online are cruel,” tiim bagang kong sabi.
“I couldn’t agree more,”
“It costs $0 to be nice!” Halata sa boses ko ang iritasyon.
“What?” Tanong ko dahil inabot niya sa akin ang phone niya.
“Put your address there,” lito ko pa rin siyang tiningnan, “your Philippine address.” Nang ma-gets ko ay nagtaka pa rin ako.
“Why?” Hindi ko maiwasan na mag tanong.
“I’ll visit the wake of your sister.” Napasinghap ako.
“Don’t you have a hectic sched? Your group just released a new MV. You still have a nonstop stage performance.” I told him.
“Just jot it down, Vawn.” Bumuntong hininga ako at nilagay ang permanent address namin sa Pinas. Tiyak ay roon ibuburol si ate. Kung hindi man ay icha-chat ko na lang kay Dohyun ang address since we added each other on KakaoTalk.
“Thanks, my break is over. You should rest,” ipinatong niya saglit sa ulo ko ang kamay niya bago tuluyang umalis.
Maaga ang flight ko pabalik ng Pinas kinabukasan. Pagkalapag na pagkalapag ko sa NAIA ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin. 4:33 AM, sinipat ko ang paligid, madilim pa. It’s been a long time, Pilipinas. Since I left for Korea, I didn’t have the time to comeback. Si ate lang ang dumadalaw sa akin sa Korea kapag may time siya.
Mag-isa akong umuwi dahil wala naman akong kasamang kamag-anak sa Korea at sa dorm ng company naman ako tumutuloy. I was just wearing a faded jeans and white hoodie jacket. Hindi rin marami ang dinala kong mga gamit.
Hindi ako nahirapan na hanapin ang manager ni ate.
“Shiyo…” bumeso siya sa akin.
“Ate Jina,” tawag ko sa pangalan niya. “S-saan po si ate naka burol?”
“Sa bahay niyo sa Batangas,” as I have expected.
Tahimik ako buong byahe, tulala lang kagaya kagabi. Surprisingly, hindi ako umiyak magdamag dahil nangingibabaw sa akin ang galit. Hindi ganoon kahaba ang byahe namin dahil madaling araw pa lang. Walang traffic.
May liwanag na nang makarating kami sa bahay. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang matanaw ang labas ng bahay namin na puno ng mga bulaklak. Ito na ‘yon, this is the reality- wala na talaga si ate.
Walang sumalubong sa akin. Mayroong mga tao ngunit walang nag lakas ng loob na salubungin ako. Maybe because I was away for a long time, they can barely remember me.
I saw my mother in front of the coffin, tulala. Nakaupo siya sa monoblock chair sa gilid ng kabaong ni ate.
“Ma,” sambit ko. Nilingon niya lang ako sandali tapos agad na ibinalik ang mga mata niya kay ate. I felt a pang in my chest, hindi niya pa rin ako kayang tingnan.
“Shiyo…ikaw na ba ‘yan?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. It was my auntie. Marahan akong tumango.
“Ikaw nga!” Niyakap niya ako ng mahigpit. Siya ang nag-iisang kapatid ni mama.
Iginaya niya ako palapit sa kabaong ni ate. There, I saw her face. She looked like an angel, peacefully sleeping. I touched the glass of her coffin…at nag-unahan na nga sa pag tulo ang luha ko.
“A-ate…” hindi ko maiwasan na yakapin ang kabaong niya. Hindi ko alam na sa susunod na yakapan namin ay kabaong na pala niya ang mayayakap ko. Naramdaman ko naman ang hagod ni auntie Louria sa likuran ko.
I cried silently. Dahil alam ko sa sarili ko na kahit mag lumpasay ako rito ay wala akong mapapala kundi pagod.
Bye. I love you.
I love you too, ate. Pero mukhang hindi enough ang pagmamahal ko para manatili ka sa mundong ito, mukhang hindi sapat ang buong pagmamahal ni mama para manatili ka sa mundong ito.
I told you to wait until I make it on top, pero hindi pa man ako nakahahakbang ay mukhang bababa na ako. Without her, I couldn’t make my mother look at me. So, what’s the point of being on top?
Simula nang mamatay si ate ay hindi pa ako kinakausap ni mama. She didn’t even inform me, maybe she forgot about me the moment my sister died.
Kung kanina ay ang ina ko lang ang tulala sa harapan ng kabaong ni ate, ngayon ay dalawa na kami. I didn’t even bother to eat anything nor go to my room to take a rest.
“Shiyo!” Napalingon ako ulit sa tumawag ng pangalan ko, si Paige pala. Ang kaibigan ko na tumawag sa akin to inform me about what happened to my sister.
Niyakap niya ako, ni-hindi ko siya mayakap pabalik dahil nanghihina ako at wala akong gana.
“K-kumain ka muna. Magpahinga ka, please lang Shiyo.” Hinayaan ko siya na hilahin ako. Dinala niya ako sa dining area namin. Nasa sala kasi naka burol si ate.
“Eat, sasabayan kita.” Pero tiningnan ko lang ang pagkain. Narinig ko ang buntong hininga niya.
“Tiningnan ko ang mga bali-balita tungkol kay ate online,” panimula ko.
“You should not have done that.” Mariin niyang sabi.
“They are so cruel,” tiim bagang kong sabi.
“That Heather girl, huwag siyang magkakamali na magpakita rito,” hindi ko maiwasan ipakita ang pagka-irita ko just by mentioning her name.
Siya ang kaibigan kuno ni ate, nag-away sila recently lang. People are saying that my sister is playing the victim card, when in fact ay si Heather daw talaga ang biktima. They even called that b*tch a high class just because she didn’t say anything about the issue and kept her mouth shut. Pero ang pamilya niya ang nagsasalita for her. Habang ang ate ko ay pinagtatanggol naman ang sarili niya. Pero siya pa ang nasabihan na eskwater just because she revealed her side of the story.
“Shiyo, huwag mo muna silang intindihin. Please lang, magpahinga at kumain ka muna,”
“No, I will make them pay for what they did to my sister!” Tuluyan ko nang inilayo sa akin ang pagkain.
“Ano namang gagawin mo? You’re gonna sue every single person online who bashed your sister? ‘Yong mga nanalikod sa kanya sa showbiz ay kakasuhin mo rin? Makukulong ba sila? Of course not!” I hate the fact the she is right. Mga troll account naman ang madalas ginagamit ng mga l*cheng basher na ‘yan!
“Artista ang ate mo, Shiyo. Kasama sa pag-aartista ang ma-bash. Hindi naman nauubos ang mga basher eh. Nasa tao na lang kung paano niya i-handle ‘yon.”
Inis akong napatingin sa kanya, “Are you saying that my sister is weak?”
“It wasn’t like that!”
Wala kaming gaanong bisita na tinanggap. I could say that my sister’s wake is private. Malalapit na kamag-anak lang ang pinayagan namin na pumunta.
Pumasok ako sa kwarto ni ate. Yumakap sa akin ang amoy niya, I closed my eyes as I tried to imagine that she is here. Napangiti ako nang sumagi sa isip ko ang naka busangot niyang mukha habang tinitingnan ako at ay wari ay nagtatampo dahil ngayon lang ako umuwi. Kasunod ng matamis kong ngiti ang pag patak ng mga luha ko.
I’m sorry, ate… hindi kita napag-bigyan sa lahat ng pamimilit mo noon.
I’m home now but you are gone. Gone forever.
Tiningnan ko ang bulletin board niya, mayroong mga notes doon at pictures. Binasa ko ang iilan sa mga notes, galing iyon sa mga fans niya yata. Habang nag-init naman ang ulo ko sa nahagip kong iilan na litrato. Kasama kasi roon ang BEST FRIEND niya kuno. Sa paraan ng pagki-keep ni ate ng mga litratong ito ay nagpapatunay na itinuring niya talagang kaibigan ang Heather na iyon, na pinahalagahan siya ng ate ko kahit ganoon ang nangyari sa kanila.
Hindi ko kayang tingnan ang iba pang laman ng kwarto niya, parang nasu-suffocate ako kaya minabuti kong lumabas muna at pumunta sa kwarto ko. My room is still the same, kung paano ko siya iniwan noon. Pero kaamoy nito ang ate ko, biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako kung sino.
“Ma…” it was my mother.
“Bakit nandito ka?” I was stunned. “Huwag mong istorbohin dito ang ate mo!” Literal akong napa nganga.
“Ate!” Si Auntie Louria, kaagad niyang hinawakan si mama.
“Tell this kid to get out! Magpapahinga kami ng ate niya!” Lito kong tiningnan si auntie.
“A-auntie…ano ho ang ibig niyang sabihin?” Tanong ko.
“Get out!” Hinila ako ni auntie palabas ng kwarto ko.
It’s my room!
“Auntie, what is happening?” Iginaya muna ako ni auntie sa isang bakanteng kwarto.
Narinig ko ang buntong hininga niya.
“Is there something that I should know about po?” Dahil hindi ko maintindihan.
“Sa k-kwarto mo…kasi…” hindi niya maituloytuloy ang sasabihin niya. But I just urged her to talk.
“Sa kwarto mo, d-doon kasi nagpakamatay si Azzura…”
WHAT?
“The news says she was found dead inside her apartment!” I didn’t get to talk to my mother so I just believed what’s on the news.
Of all places, why in my room?