NANGINGINIG siya habang pinapanood ang video ng brutal na pagpatay sa kaniyang pamangkin. Hindi niya inaasahang muli ay mapapanood iyon. Demonyo lamang ang mga taong makakagawa ng ganoon sa batang walang kamuwang-muwang. Tumaas baba ang dibdib sa labis na galit na umahon sa kaniya. Hindi na niya magawang tapusin ang video na iyon dahil mas lalo lamang siyang nagihirapan. Kaya minabuting maghanap muna ng ilang lead na mag-uugnay sa lalaki sa ganoong gawain. Muli pang naghalungkat siya hanggang sa makita ang isang CCTV footage. Pinagana ang utak sa nakikitang date noon. Six years ago iyon at kita ang pagpasok ng dalawang pulis sa isang restaurant kasunod ng isang lalaki na may hawak ng isang bata at mas lalo siyang nagimbal ng mapagsino ang batang kasama ng isang lalaki na nakasunod sa dal