NAPAPANGITI NA lamang si Onofre habang sinisilip sa side mirror ang babaeng galit na galit na iniwan. Ngunit napalis din ang ngiti ng maalalang mukhang dalubhasa nga ang babae lalo na at armado rin ito ng baril. "Sino ka bang talaga Angelika dela Torre.." aniya habang mabilis na tinugpa ang daan papunta sa opisina niya. Mas lalo siyang napamura ng masipat ang orasang pambisig kasabay ng pagvibrate ng cellphone na alam niyang ang kaibigang alkalde ang tumatawag. Panay ang vibrate ng cellphone niya kaya mas lalong binilisan ang pagpapatakbo at nang tila napagod na ang kaibigan ay nakarating na rin sa wakas. Halos hindi maipinta ang mukha ng kaibigan pagpasok niya sa kaniyang opisina. "God! Where have you been? Bakit ang tagal moo!" Gigil na wika ng kaibigan. "Pasensiya na. May sinundan