Chapter 2: Galit at Pagnanasa

1053 Words
Sa pagdilim ng bulwagang kanina pa sinisilip at sa pagtutok ng spotlight sa gitna ng entablado ay hudyat na iyon para ihanda ni Angelic ang sarili sa kaniyang kauna-unahang pagtatanghal. Ito na ang gabing pinakahihintay niya ang makapasok sa mundo ng dalawang lalaking nagmamay-ari ng club na kinaroroonan. Kanina pa niya nasipat ang kinauupuan ng mga ito, tumitindi ang galit sa dibdib habang nakikita ang pagmumukha ng dalawang lalaki. Guwapo ang mga ito at hindi 'yon mapasusubalian ng mga nakikitang hitsura ng mga ito. Ngunit sa likod ng mga guwapo nilang mukha ay ang kabulukan ng kanilang pagkatao. Mabilis na naghanda si Angelic nang marinig ang tinig ng emcee na siyang nagpakilala sa kaniya. Matapos ang maiksing pagpapakilala sa kaniya ay nakita ang pagtama ng spotlight sa kaniya dahilan upang matuon ang lahat ng mata ng mga lalaking naroroon maging ang dalawang lalaking kanina pa minamanmanan. 'Humanda ka, Onofre Montelibano,' hiyaw ng kanyang isipan habang mabilis na ipinaskil sa mga labi ng matamis na ngiti patungo sa entablado. Mabilis siyang kumaway sa mga parokyano sabay talikod at nagsimulang umindayog ang kanyang balakang kasunod ng hiyawan ng mga kalalakihan. Naiiling si Angelic sa kanyang ginagawa, never niyang naisip na gagawin niyang mang-akit ng mga lalaki pero para sa hustisya sa mga mahal sa buhay ay gagawin niya. 'Humanda kayo sa aking bagsik,' aniya sa isipan saka mabilis na humarap sa mga ito. Naging magaslaw at maharot ang tugtog, bumuka-buka rin siya habang gumigiling. Mas lalong nahalina ang ilang mga lalaki sa kanya. "Ohhh!" hindi mapigilang sigaw ng mga ito. Naging mas mapang-akit pa ang ginawang paggiling ni Angelic at sa gilid ng mga mata ay nakitang tuon ang tingin ni Onofre sa kanya. "Ganyan nga, Onofre, mahalina ka sa aking alindog. Kay tagal kong hinintay ang ating pagkikitang muli," usal niya sa sarili. Kitang-kita niya ang nabubuhay na paghanga sa mukha ng lalaki. Iyon na ang hudyat kaya isang mapang-akit na haplos mula sa kaniyang daliri sa paa hanggang sa kaniyang binti kasunod ng pag-unat patayo ay ang pag-indayog ng bilugang balakang. Sa unang paggiling pa lang niya ay halos magwala na ang mga kalalalakihang naroroon. At sa kaniyang pagharap ay nahagip ng mata niyang matamang nanonood din ang dalawang lalaki. Nakita niyang tila naging interesado ni si Onofre Montelibano dahil kanina habang sinisilip ay wala itong pakialam kahit maghubad na ang mga babae sa entablado. 'Sige lang, mahumaling kayo dahil ang alindog kong ito ang mismong papatay sa inyo,' ngitngit ng kalooban. Patapos na ang tugtog kaya mabilis na isang striking pose ang ginawa at nagpakawala ng isang pilyang ngiti sabay ng isang makakamatay na flying kiss sa lahat ng mga naroroon. "Ohhh! More! More!" sigaw ng mga parokyano. Pasimpleng napatingin siya sa kinaroroonan nina Onofre at Randy, bakas sa mukha nitong gusto pa nilang makita siyang sumayaw kaya pagbibigyan niya ang kahilingan ng mga ito. Mabilis siyang sumenyas sa DJ at nagpatugtog muli kasabay ng paghawak niya sa pole na nasa gitna. Isang nakakahalinang indayog ng balakang niya bago siya umakyat ng pole. Bihasa na ang kaniyang mga galaw. Dalawang buwan din niyang sinanay ang sarili sa pole dancing at halos araw-araw niya itong ginagawa para lang sa misyon niyang 'yon. Pinaghandaan niya talaga ang pagpasok sa club na iyon at handa siyang gawin ang lahat makakuha lamang ng sapat na ebidensya. Ebidensiyang pagdidiin kay Onofre Montelibano. Muling bumalik sa alaala ang kaniyang pamangkin, kaya mas lalong naghulagpos ang galit mula sa dibdib. 'Huwag kang mag-alala Angel dahil kahit dangal ko isusugal ko mabigyan ka lamang ng hustisya. Kung buhay ang inutang nila buhay din ang kapalit!' aniya pa niya sa sarili. Nang makarating sa itaas ng pole ay agad siyang nagmuwestra ng isang pose. Nakabukaka siya at sigawan naman ng mga lalaking gumon sa tawag ng laman. Sa nga mata ng mga ito nagniningning ang pagnanasa sa kaniyang maalindog na katawan. "Pare-pareho kayong mga lalaki kayo. Mga baboy! Manyak!" bulong sa sarili habang patuloy ang kaniyang pagtatanghal. Sa isipin ay pinagmumura niya ang mga ito, nakapaskil man ang ngiti sa labi pero nagngingitngit ang kanyang kalooban. Dahil sa mga tulad nilang mga lalaki na tanging tawag ng laman ang pinapairal, kaya maraming kabataan ang napapahamak tulad ng kanyang pamangkin. Ang inosenteng si Angel. Muling dumapo ang paningin sa kinaroroonan nina Randy Mortiz at Onofre Montelibano at ganoon na lamang ang gulat niya ng makitang nakatitig pala ito sa kaniya. "Sh*t!" mura niya dahil mukhang nahalata ng lalaking galit siya rito. Samantala, tila nasisilihan sa puwet si Onofre habang nanunood ng pagtatanghal ng bagong dancer sa club. Ngayon lang ulit siya nagkainterest sa babae mula ng magkahiwalay sila ni Cheska. Napansin naman agad iyon ng kaibigang si Randy. "'Tol, type mo ba? Ibabalato ko na lang sa 'yo. Type ko rin pero sagana ako sa babae kaya ibabalato ko na sa 'yo dahil minsan ka lang magkagusto," nakangiting saad ng kaibigan. Nakadalawang buyo na ang kaibihan sa bago nitong dancer. Sa totoo lang ay malapit na siyang pumayag sa pagrereto nito ngunit napigil pa rin ang sarili. Hindi niya pinatulan ang sinabing iyon ng kaibigan. Tutok pa rin ang mga mata sa entablado at sa bawat galaw ng babaeng nagtatanghal. "'Tol! Oy!" untag pa ni Randy sa kanya. Doon ay bumaling siya rito. "Sabi ko kung type mo balato ko sa 'yo. For sure tigang na tigang na iyan si junior. Mula kasi ng umuwi ka from America, eh gabi-gabi ka na rito. Kaya for sure tatlong buwan ng bakante iyang cobra mo," lang-aalaska pa lala ni Randy sa kaniya. Ngumisi siya sa sinabing iyon ng kaibigan kasunod ng pagtungga niya sa hawak na beer. Tama ang kaibigan. Mula ng iwan niya si Cheska ay wala na siyang babaeng naikama. Masyado siyang nagluksa sa sinapit ng kanilang pagmamahalan. Muli siyang tumitig sa babaeng nagpo-pole dancing. Nakatitig siya rito ng biglang mapatitig din ito sa kaniya. Ngunit ganoon na lamang ang pagsikdo ng kaniyang damdaman. Nakakapaso ang titig nito. Nagliliyab! Hindi ng pag-aakit kundi galit. Ano ang meron sa mga titig nito. Napalunok siya. Alam niya galit ang nakita sa mata ng dancer, hindi tuloy niya maiwasang mapailing at inisip na namamalikmata lamang ng makitang galit itong nakatitig sa kanya dahil nang balikan ito ay nakitang nakapasikil ang ngiti sa labi nito. Mga labing nangingintab sa pula, na tila nang-aakit na halikan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD