Isang maharot at mapanuksong tugtog. Umiindayog ang bawat balakang ng mga babaeng sumasayaw sa entablado. Mga babaeng walang habas kung magpakita ng alindog sa mga lalaking gumon sa makamundong pagnanasa.
Palalim na ng gabi, papaiksi na rin ang saplot ng mga babaeng nasa entablado. Handang sambahin ng mga lalaking nagniningning ang mga mata sa tawag ng laman. Ngunit para sa isang lalaki gaya ni Onofre Montelibano, naroroon siya hindi upang maghanap ng babaeng pupuno sa pangangailangang pisikal pero naroroon siya upang ipagluksa ang kasawiang natamo dahil sa pag-ibig.
Hindi pa rin siya makapag-move on sa ginawang pang-iiwan ng kasintahang si Cheska. Kaya nang maalala ito ay hindi niya maiwasang mapasigaw sa galit sa babae at sa sarili.
"Bakit Cheska! Bakit?" nakakabinging sigaw niya sa sulok na kinaroroonan sa maingay na bulwagang iyon.
Wala siyang pakialam kung kaladkarin man siya palabas sa establisyimentong iyon pero alam niyang hindi mangyayari iyon dahil kaibigan niya si Randy ang may-ari noon.
Kilala na rin siya ng mga tauhan nito kaya batid na nila ang kanyang problemang pinagdadaanan. Hindi lang maiwasan na may ilang parokyano ang napapatingin sa kanya sa tuwing isisigaw niya ang pangalan ng dating kasintahan.
"Cheska'vakit mo nagawa ito sa akin. Ang sakit! Ang sakit-sakit!" saad niya sakay laklak sa bote ng beer na nasa harap.
Naiinis siya dahil nakadalawang bucket na siya ng beer ay hindi pa siya tinatamblan. Gusto niyang magpakalango sa alak upang mamanhid na ang buong katawan upang hindi na maramdaman ang sakit na dulot ng kasintahang labis na sinamba.
Si Cheska ang babaeng pinangarap niyang makasama habang-buhay. Babaeng nais maging ina ng magiging mga anak. Iniwan niya ang propesyon niya alang-alamg dito. Sinundan niya ito sa Amerika dahil iyon ang gusto ng babae. Pinaghintay siya ng dalawang taon dahil gusto raw nitong kunin ang oportunidad sa modeling career nito pero tatlong taon na ang nakakalipas ay tila walang balak itong tuparin ang pangako sa kaniya. Isang pangakong napako.
"Buwisit!" anas pa niya sa labis na prustrasyon niya. Mas lalong nainis nang hindi mapigilang maluha dahil naaalala ang masasayang sandali na kasama ito. Ito lamang ang babaeng nagpaiyak sa kanya.
Kasabay ng pamumula ng mga mata dahil sa alak at ang pag-ulap nito dahil sa pag-iyak. Muli ay napahikbi siya sabay tungga ng hawak na beer.
"Sus! Ano na naman ito Onofre?" isang tinig buhat sa kaniyang likuran.
Agad siyang lumingon at nakita ang mukha ng kaibigang si Randy.
"O, pare, come and join me," aniya sabay abot ng bote ng beer na kinuha mula sa bucket na nasa harapan.
"Tama na iyan pare, gabi-gabi kang ganyan buhat ng umuwi ka. Baka alak na ang dumadaloy sa dugo mo," sita nito na kinatawa niya.
"Pare, nakikita mo namang buhay pa ako, 'di ba? Kaya I'm fine," sinok na sagot niya kay Randy.
Biglang tumigil ang malakas na tugtog kasabay ng pagdilim ng paligid. Agad na nagtaka si Onofre, nagtataka tuloy siya, kala niya ay brown out ngunit bigla rin namang unti-unting lumiwanag.
"Browout! Ano'ng meron?" naguguluhang tanong sa kaibigan.
"May bago kaming star dancer, ngayon ang unang gabi!" wika nito bagay na kinamaang niya.
"Star dancer?" maang. Alam niyang may show sa club na 'yon ng kaibigan pero hindi niya akalain ganoong kabongga.
Kasunod ng pagtutok ng spot light sa entablado at nasumpungan doon ang isang pole.
Napangisi si Onofre, mukhang may bagong pakulo ang star dancer na sinasabi ng kaibigan kaya 'di niya maiwasang mapatingin sa entablado at hintayin ang paglabas ng dancer na sinasabi nito.
"Gentlemen, lets welcome the new dancer. Ang babaeng hinulog buhat sa langit, ang anghel ng mga anghel sa alindog. Lets welcome Angel," malakas na wika ng tinig buhat sa speaker at doon at gumalaw ang speaker at tumama sa isang babaeng may kaliitan ngunit bakas ang taglay na alindog. Perpekto ang hugis ng dibdib and baywang at balakang.
Hindi aakalain ni Onofre na makukuha ng babaeng 'yon ang kanyang buong atensyon. Bigla ay tila nawala sa isipan ang ginawang panloloko at pang-iiwan ng kasintahan sa kaniya. Nakatulala siyang nakatitig lamang sa gumigiling na babae sa entablado.
"What do you think?" untag ni Randy sa kaniya. Mabilis na ibinaling ang tingin rito bago pa nito mapansing nakuha ng bago nitong dancer ang pansin.
Hindi agad siya nakapagsalita bagay na kinatawa nito ng malakas.
"Sinabi ko sa 'yong makukuha niya ang atensyon mo. Huwag ka nang mag-emote d'yan dahil ipapakilala ko sa Angel sa 'yo," palatak ni Randy na nakatawa pa rin.
Naiiling na lamang si Onofre saka ibinalik ang tingin sa entablado at doon ay nakitang patapos na ang babae sa pagtatanghal nito.
Isang masigabong palakpakan at sigawan ng mga kalalakihang naroroon. "More! More!" sigaw ng mga ito na tila nabitin sa ginawang pagtatanghal ng babaeng tila tuwang-tuwa sa paghangang binibigay ng mga lalaki roon.
Ngumiti ang babae dahilan upang matigilan si Onofre. Mukhang nais nitong pagbigyan ang kahilingan ng mga manunuod nito.
Maging si Onofre ay hindi matanggal ang titig sa babae lalo na ng magsimulang maglakad patungo sa pole na nasa gitna ng entablado.
Bawat hakbang ng babae ay tila magnetong humahatak sa kaniya upang titigan pa lalo. Dalawang lunok ang sunod na ginawa nang makitang umakyat ang babae sa pole kasunod ng pagbukaka nito at pagdausdos roon.
"Ohhh!" hiyaw ng lahat sa paghanga sa ginawang 'yon ng babae.
"Hindi ba't nakakahanga ang tulad niya, siguro ay magaling 'yan sa kama," tahasang turan ng kaibigan na nanunuod rin sa pagtatanghal ni Angel.
Hindi siya sumagot.
"Kung tipo mo siya ay ibabalato ko na siya sa 'yo, baka sakaling makalimutan mo ang taksil mong ex," deretsahang turan ni Randy kasunod ng nakabibingi nitong tawa.
Hindi pa rin siya umiimik sa kabila ng mga sinasabi ng kaibigan. Kita pa niyang mabilis na tumaas muli ang babae sa pole. Ilang stroke ang ginawa nito sa itaas ng pole dahilan upang maghiyawan muli ang mga kalalakihan dala ng pagsamba sa babaeng nasa entablado.
Dumausdos ito pababa at mabilis na nag-pose ng isang seductive pose na umaakit sa lahat ng mga lalaking parokyano. Ngumiti ito ng matamis saka nagpakawala ng isang flying kiss.
Nang aksidenteng mabaling ang tingin nito sa kinaroroonan nila ni Randy ay nakitang lumawak pa ang ngiti ng babae. Bahagyang namula si Onofre dahil ngayon lang may babaeng ngumiti sa kanya ng ganoon. Ngunit nang malingunan ang kaibigan ay nakitang kumaway pa sa bago nitong dancer. Doon niya lang napagtantong ang kaibigan ang nginingitian ng babae. Bigla ay nahiya na lamang si Onofre sa sarili at mabilis na itinungga ang hawak na beer.
He never felt that feeling before. Ngayon lang ulit may bumuhay sa kaniyang p*********i at iyon ay ang babaeng nasa entablado.