Lunok. Kurap. ‘Yan lang ang tanging nagawa ni Alexa habang binabayo ng sobra-sobrang kaba ang kanyang dibdib dahil sa mataray na komento ni Sophie kay Json. Pinandilatan siya ng mga mata ni Sophie. Humigpit naman ang paghapit ni Json sa kanyang beywang. Nanunuyo na ang lalamunan niya. Ang mga braincells niya nagpapanic na rin. Paano naman kasi, ayaw na niya sanang ungkatin pa ang nakaraan. Isinapuso, isip, at kagandahan na niya ‘yang pagmo-move on na yan, kaya kung ano man ang nagawa niya or nagawa ni Json sa kanya noon, deadmatology na dapat! Basta ang importante mahal nila ni Json ang isa't-isa ngayon. Ito naman kasing si Sophie, birada ng birada e! Lihim siyang napailing. Alanganin siyang ngumit, para hindi halata na nagtatamblingan na ang lahat ng braincells niya para lan