Nag-angat ng tingin si Akiko ng maramdaman niya na may nakatayo sa may pintuan ng kwarto niya. At hindi nga siya nagkamali dahil nakatayo doon ang walang emosyo na si Heaven habang nakatingin sa kanya. Napabuntong-hininga si Akiko, alam niyang narinig nito ang kakatapos lang na press conference ni Hunter, dahil hindi naman siya nakasuot ng earphones at nakatodo din ang volume ng laptop niya. Tiniklop niya ang laptop at muling tumingin sa kaibigan. Nakita niya ang pagkurap nito at pagbuntong-hininga. "Heaven..." "Tell that jerk that he's ready too late. I don't want to hear his sorry and alibis, anymore..." Walang emosyon na wika nito saka lumabas ng kwarto niya. Muling napabuntong-hininga na lamang si Akiko at saka lumabas na rin sa kanyang kwarto. Mabilis na bumalik si Heaven sa ka