Chapter 2

1279 Words
"Taasan mo pa ang sipa, Azra! ano? hanggang d'yan lang ba ang kaya mo?!" Katulad ng sabi ni Papa ay mas tinaasan ko pa ang pag sipa ko. "Taasan mo pa! napaka-baba pa niyan!" Pero hindi inaasahan na tila na-out of balance ako kaya't napa-bagsak ako sa sahig. Medyo malakas ang pagkaka-bagsak ko pero hindi ko iyon pinansin o ininda man lang. "Ilang taon kang nag aral ng taekwondo at ganiyan lang ang ipapakita mo sa akin ngayon?!" Sigaw ni Papa at hinila ako patayo mula sa taekwondo uniform na suot ko. "Black belter ka pero napaka hina mo! ang hina hina mo!" Mas hinigpitan pa nito ang pagkaka-hawak sa uniporme ko. "S-sorry, Pa. Susubukan ko na lang po ulit, sisiguraduhin ko pong magagawa ko na ng maayos ang pag sipa ko." "Hindi na! sayang lang ang oras ko sa 'yo! kahit kailan ay wala kang nagawa ng ayos!" Dagdag pa nito at bigla na binitawan ako kaya't napa-bagsak ako at napaupo. "Sa mga pinapkita mo, pinatutunayan mo lalo sa akin na hindi ka na namin dapat kinupkop pa." Madiin na sambit nito bago tuluyang umalis. Masakit ang sinabing iyon ni Papa pero masyado na akong manhid, sanay na sanay na ako sa mga masasakit na salitang galing sa bibig niya. Iniisip ko na lamang iyon bilang paraan niya upang lagi kong galingan sa lahat ng mga ginagawa ko. Imbes na damdamin ko ang mga sinasabi niya ay ginagawa ko itong motivation. Nang maipon ko ang lakas ko ay tumayo ako at nag practice muli. Kailangan kong magawa ng mahusay at maayos ang pag sipa ng mataas. Kailangan ko na mai-perfect iyon katulad ng kagustuhan ni Papa. "Huwag mong pilitin ang sarili mo, baka mapagod ka ng sobra niyan. May klase ka pa mamaya, hindi ba?" Sa gitna ng pagpa-practice ko ay dumating si Coach. "May isang oras pa naman po bago ang klase ko." "Huwag mong bugbugin ang sarili mo sa ensayo dahil lamang sa mga sinabi ng Papa mo." Sambit nito habang papalapit sa akin. Napahinto ako sa pag eensayo at napangisi. "Narinig mo na naman po pala ang pagalit sa akin ni Papa." Inabutan ako ni Coach ng bottled water at naupo na muna ako dahil medyo pagod na rin ako at hingal na hingal dahil sa kanina pa ako nagpa-practice. Tumabi din naman sa akin si ito. "Azra, isa ka sa pinaka-magaling kong naging studyante, at alam kong alam mo iyon sa sarili mo." Uminom na muna ako ng tubig bago mag salita. "Pero hindi iyon ang nakikita ni Papa, Coach. Kaya't mas kailangan ko pa na lalong galingan." "Ewan ko ba naman kasi diyan kay Kuya, kung ano pa bang galing ang gusto niya na makita. Baka gusto niya na magkaroon ka ng super powers?" Biro nito at bahagya akong napangiti. "Oh 'yan, nakangiti ka na. Huwag mong intindihin ang Papa mo, Azra. Tumatanda na kasi si Kuya kaya palaging galit." "Sanay naman na po ako, Coach." Pinsan ni Coach si Papa sa mother side niya. Kaya't sa kaniya ako pinaturuan ni Papa sa larangan ng taekwondo. Ito ang kabuhayan ni Coach, ang pag tuturo ng taekwondo. Ayaw ni Papa na tinatawag ko itong uncle kapag nasa training kami, kaya't mas nasanay akong coach ang itawag sa kaniya kaysa sa uncle. Kahit wala na kami sa training at nasa bahay kami ay Coach pa rin ang tawag ko dito. "Dahil d'yan, ice cream?" Aya nito at kaagad naman kong sumang ayon. Sino ba naman ang aayaw sa ice cream? iyon kaya ang comfort food ko. Kaagad akong tumayo at lumabas na kami ni Coach upang bumili ng ice cream sa convenience store malapit rito sa training school namin. Noon pa lamang ay naka-gawian na namin ito ni Coach. Inililibre niya ako ng ice cream kapag maganda ang performance ko sa training at maging kapag pinagagalitan ako ni Papa sa training school mismo. Para bang ito ang paraan niya upang pagaanin ang loob ko, katulad lamang ngayon. "Good morning! welcome to our store." Bati ng isa sa staff ng convenience store nang maka-pasok kami sa loob. Kaagad kaming nag tungo sa area kung saan nandoon ang mga ice cream nila. Kumuha si Coach ng vanilla ice cream para sa kaniya at mint chocolate ice cream naman para sa akin. Iyon ang favorite flavor namin. "May iba ka pa ba na gustong kainin?" Tanong nito nang nag babayad na kami sa cashier. "Wala na po, coach." Sambit ko. Matapos mag bayad ay naupo kami ni Coach sa labas ng convenience store. Sa palagi naming pinu-pwestuhan ni Coach noon pa man. "Thank you po, Coach." Sambit ko ng iabot nito sa akin ang ice cream ko. Kaagad kong binuksan iyon at kaagad rin ako na kumain. Napaka-sarap talaga ng mint chocolate, pinaka the best talaga ito na flavor ng ice cream. "May schedule ka ngayon sa pag aaral mo ng baril?" Tanong ni Coach sa gitna ng pag kain namin ng ice cream. "Opo, pag tapos po ng klase ko." "Hindi ba't gabi na ang tapos ng klase mo ngayong araw?" Tumango ako. "Hindi naman puwede na ipag-paliban ko po iyon." Si Papa ang nag-tuturo sa akin ng pag gamit ng baril. Magaling humawak at gumamit ng baril si Papa. Hindi ito pulis, sundalo o kung ano man na may koneksyon sa pag gamit no'n. Sadyang iyon lamang daw ang kinahiligan niya kaya't gusto niya rin na matutunan ko iyon. Ganoon ang sinasabi ni Papa, na balang araw ay magagamit ko daw ang kaalaman ko sa baril maging ang kaalaman ko sa taekwondo. Siguro ay dahil sa babae ako at kung sakali na mapahamak ako ay maipag-tatanggol ko ang sarili ko. "Hindi ko lang maintindihan kay Kuya kung bakit ba masyado ka niyang sinusubsob sa pagte-training ng taekwondo at sa pag gamit ng baril. Alam ko naman na hindi ikaw ang may gusto no'n, kung hindi siya." "Ayoko po noong una, pero kinalaunan ay na-enjoy ko na rin naman po ang pag gamit ng baril, pati na ang pag aaral ng taekwondo, napaka-galing ba naman po ng coach ko eh." "Nang uuto ka pa. Ano, ice cream pa ulit?" Natatawa na umiling ako. "Okay na po ako sa isa, Coach. Baka ubuhin na naman ako ulit." Sambit ko. Pareho kaming nagulat ni coach ng biglang may bumangga na kotse sa poste ng kalsada. Sa harap lamang namin ito mismo kaya't kitang kita namin ang pinsala at kung gaano ka-basag at ka-sira ang sasakyan dahil sa pag salpok nito. Kaagad na pinag-kaguluhan iyon ng mga taong nakakita. Ang mga sasakyan naman ay nag kumpulan na dahil sa traffic. Maya maya pa ay nakarinig kami ng pag sabog. Nag takbuhan at nag sigawan naman ang mga tao. Napatayo kami ni Coach at hinila ako nito bahagya paatras dahil lumiyab na ang sasakyan. Tila naestatwa ako ng makita ang apoy na lumalamon sa kotse na iyon. Biglang pumasok ang alaala katulad ng nasa panaginip ko. Nasusunog na kotse, nag sisigawan na mga tao, ingay ng mga sasakyan at muli, narinig ko ang iyak ng batang iyon, ang malakas na iyak at hagulgol nito. Napapikit ako at pilit na iwinawaksi iyon sa isip ko. Bakit ganito? bakit ganito ang nangyayari sa akin? Tila para na akong nababaliw, hindi ko na ma-kontrol pa ang tumatakbo sa isip ko. Naramdaman ko na nanghina ang tuhod ko. Nabitawan ko ang ice cream na hawak ko at napaluhod ako. "Azra!" Rinig ko pang sambit ni Coach at nilapitan ako. Inalalayan ako nito patayo pero pumiglas ako. Pinalo ko ng pinalo ang ulo ko gamit ang mga sarili kong kamay. "Tama na! tama na!" Sigaw ko pero tila ayaw ako lubayan ng panaginip ko na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD