"Pinapunta mo ako para lang dito?"
"Kuya, anong para lang dito? ni hindi ka man lang ba nag aalala kay Azra?"
"Maayos naman siya hindi ba? ni hindi naman siya nasaktan o ano."
"Kung nakita mo lang kung gaano katakot si Azra kanina, Kuya. Paano kung bumabalik na pala ang trauma niya noong bata pa siya?"
"Hindi 'yan, kaya 'yan ni Azra. Pinalaki ko siyang matapang."
"Kahit gaano katapang ang tao, puwede pa rin na dumanas ng anxiety at depression."
Napaupo ako mula sa pagka-kahiga ko. Nandito kami ngayon sa ospital, wala na akong maalala sa nangyari kanina matapos kong mawalan ng malay.
Nasa kabila lamang sina Coach at si Papa. Tanging kurtina lamang ang pagitan namin. Hindi siguro alam na gising na ako at naririnig ko ang usapan nilang dalawa.
"Hindi kita maintindihan, Kuya. Kung bakit ka ganiyan pag dating kay Azra. Mabait naman iyong bata, wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ka at sundin ang gusto mo para lamang matanggap mo siya."
"Iyon naman ang dapat niyang gawin, kapalit ng pag ampon ko sa kaniya."
"Hindi mo dapat na sinusumbat sa bata ang pag ampon mo sa kaniya."
"Joseph, puwede ba? wag mo akong pakialaman."
"Bakit hindi mo na lamang ilipat sa akin ang custody ni Azra? baka mas kaya kong maging Tatay para sa kaniya kaysa sayo."
"Wag kang mag magaling masyado. Ni hindi mo na nga alam kung paano mo tutustusan ang mag Ina mo dahil mahina na ang kinikita mo bilang coach ng training school. At isa pa, kailangan ko si Azra sa mga plano ko."
"Iyan ang huwag mong gagawin, Kuya. Dahil makikialam talaga ako kapag nangyari 'yon."
"Pinsan lamang kita, Joseph. At kayang kaya ko gawin ang lahat kapag hinadlangan mo ang mga plano ko. Masyado na akong maraming ipinundar at isinakripisyo para kay Azra."
Kahit nanlalata ako ay pinilit ko na maka-tayo at lumapit sa kanila. Nagkaka-initan na kasi sa usapan nila at isa pa, kailangan kong malaman kung ano ang planong tinutukoy ni Papa.
"Azra, bakit ka tumayo? mahiga ka nga muli. Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Coach nang makita ako.
"Ayos na po ako. Wag niyo na po akong alalahanin."
"Mabuti naman. May pasok ka pa at may pag sasanay pa tayo mamaya. Hindi ka puwedeng lumiban." Sambit ni Papa.
"Opo, Papa. Pero matanong ko lang, ano po ba ang plano na tinutukoy niyo kanina?" Nagka-tinginan sila ni Coach sa sinabi kong iyon.
"W-wala iyon, Azra. Plano lamang iyon ng Papa mo sa future mo, para maging maayos ang buhay mo. Iyong makapag-tapos ka at maka-hanap ng maayos na trabaho." Sambit ni Coach pero tila hindi ako kumbinsido doon.
"Malalaman mo rin ang lahat ng iyon, Azra." Seryosong sambit ni Papa.
"Kuya, ano ba." Kontra pa rito ni Coach.
"Halika na, ako na ang mag hahatid sa iyo sa eskwelahan mo." Sambit ni Papa na hindi man lamang pinansin ang sinabi ni coach. Nauna na itong lumabas ng kuwarto.
"Mauuna na po ako, Coach. Maraming salamat po sa pag dala sa akin dito sa ospital."
"Sigurado ka ba na kaya mo na, Azra? parang namumutla ka pa eh."
"Ayos na po ako, Coach. Pangako."
"O sige, tawagan mo na lamang ako kapag may problema ha? wag kang mahihiyang mag sabi sa akin."
Ngumiti ako ng napaka-lawak at niyakap siya ng mahigpit. "Maraming salamat po sa lahat, Coach. Maraming maraming salamat po."
Ang mga bagay na hindi ko naranasan kay Papa ay siyang pinunan ni Coach. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pagmamalasakit nito sa akin.
"Basta't palagi kang mag iingat ha? huwag mong pababayaan ang sarili mo. Lalo na sa pagkain, kumain ka ng kumain ng marami. Nangangayayat ka na." Kinuha nito ang wallet sa bulsa ng pantalon niya at inabutan ako ng pera. "Baon mo, bumili ka ng mga pagkain na gusto mo."
"Huwag na po, Coach. May allowance pa naman po ako galing kay Mama."
"Tanggapin mo na, idagdag mo na lang sa pera mo." Pag pupumilit pa nito.
Ayoko sanang tanggapin iyon dahil narinig ko na mahina na ang kita nito sa training school kaya't ayoko na gumastos pa siya. Pero pinilit nito na iipit ang pera sa kamay ko kaya't wala na akong nagawa pa.
"Halika na sa labas, baka mapagalitan ka na naman ng Papa mo dahil natagalan ka pa." Sambit ni Coach at sabay na kami na lumabas sa ospital.
Naabutan namin na naninigarilyo sa labas si Papa. Doon sa may parking lot at naka-sandal sa motor niya.
"Napaka-tagal mo." Bungad nito sa akin ng makalapit ako sa kaniya.
"Sorry po." Iniabot nito sa akin ang isang helmet at isinuot ko iyon. Tinapon na rin naman nito ang sigarilyo niyang ubos na.
Sumakay naman na si Coach sa kotse niya. Bumusina pa ito at kumaway sa amin bago naunang umalis.
"Anong oras nga ang labas mo mamaya?" Tanong ni Papa."
"6:30 pm po ang tapos ng huling subject ko."
"Dumiretso ka na lang doon pag tapos ng klase mo. Huwag mo kong pag antayin ng matagal."
"Opo, Pa."
Sa may abandonadong bahay malapit sa lugar namin ang tinutukoy niya. Kung saan niya ako sinasanay na humawak at gumamit ng baril. Wala kasing gaanong tao sa lugar na iyon kaya't walang makakarinig sa bawat pag putok ng baril.
Sumakay na sa motor si Papa kaya't umangkas na ako sa likod.
"Kumapit kang mabuti. Bibilisan ko ang takbo dahil anong oras na at male-late ka na sa klase mo." Tumango ako kahit hindi naman ako nito nakikita dahil nasa likuran niya ako.
Katulad ng sinabi ni Papa ay kumapit ako. Kumapit ako sa baywang niya at bahagya na isinandal ko ang ulo ko sa likuran niya.
"Ano ba ang ginagawa mo? nag-tatama ang helmet natin na dalawa." Inis na sambit nito.
Gusto ko lang naman siyang yakapin. Iyon kasi ang bagay na hindi ko pa nagagawa. Ang yakapin ang Papa ko.
Sa ganitong paraan man lamang ay maiparamdam ko sa kaniya ang pagmamahal ko at ang pagpapasalamat ko sa pag ampon at pag aalaga niya sa akin.
Kahit kailan kasi ay hindi kami nagkaroon ng lambingan na mag Ama. Ang tanging bonding lamang namin ay kapag nag eensayo ako kung saan siya ang nagtuturo.
Hindi ko man lang magawa na mayakap siya, mahalikan, maka-kuwentuhan at masabihan man lang kung gaano ko siya mahal na mahal.
Bumitaw na lamang ako sa pagkakayakap ko sa kaniya bago pa ito mas lalo na mainis sa akin. At sa halip ay sa likod na lamang na parte ng motor ako humawak.
"Sandali lang, ano nga pala ang nangyari sa iyo kanina at para dalhin ka pa ni Joseph rito sa ospital?"
"Po?" Sambit ko. Hindi ko kasi sigurado kung tama ba ang narinig ko dahil pareho kami na nakasuot ng helmet ni Papa. "Naalala ko na naman po kasi iyong nasa panaginip ko."
"Panaginip?"
"Opo. Iyong panaginip ko tungkol sa nasusunog na sasakyan, sa mga taong nagkakagulo pati na rin iyong batang umiiyak."
"Azra." Madiin na sambit nito.
"Bakit po, Pa?"
"Hindi totoo iyong panaginip mo. Kaya't huwag mo iyon isipin nang isipin dahil alam mo naman ang dating kundisyon mo. Hindi 'yan makaka-tulong."
Bahagya akong napangiti at tila napanatag ako dahil sa sinabi niyang iyon. Kahit papaano ay concern pa rin pala sa akin ang Papa ko.
Hindi man niya palaging mapakita, pero siguro naman ay mahal na mahal niya pa rin ako kahit na hindi niya ako kadugo o tunay na anak.
"I love you, Papa." Bulong ko kasabay ng pag start nito ng motor at mabilis na nagpatakbo.