Chapter 15: Correction

1325 Words

Hinawakan ni Zieke ang braso ni Celine at kinalas ito sa pagkakahawak sa kaniya. Taka naman siyang tinignan ng babae. "Zieke? Bakit? May masakit ba sa iyo?" "Go... away." Malamig at matabang ang pagkakasabi noon ni Zieke. Ganoon naman ito palagi kay Celine kaya naman nasanay na ang dalaga. "No! I'll stay here," matamis na ngiti ni Celine na umupo sa gilid ng kama ni Zieke at nag-de quatro pa ng kaniyang makinis at mapuputing mga hita. "Sabi ni Yael ako na lang daw ang—" "Leave!" tila galit na utos ni Zieke na nagpasinghap kay Celine sa pagkagulat. Nang makita niya ang mga mata ni Zieke ay nakaramdam ito ng pangingilabot. Kahit na ang dalaga ay isa ding propesyunal na mamamaslang tulad ng binata ay hindi niya maikakailang nakakaramdam pa rin ito ng takot kapag si Zieke na ang nagsalita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD