"...work for me! You idi0t!" Napatanga si Rhian nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin sa kaniya ni Zieke. "H-Ha? A-At bakit naman ako magtatrabaho sa 'yo? Okay naman ang trabaho ko dito sa ospital at—" "I'll double your salary!" Natigilan si Rhian sa alok ng binata. "Sinabi mong maliit lang ang sahod mo dito, hindi ba? Dodoblehin ko." Marahang binitawan ni Zieke si Rhian at medyo gulantang na tumayo ang dalaga. Hindi niya alam kung pinagloloko lang ba siya nito. Napapaisip siya kung bakit naman iyon gagawin ng binata at kung bakit siya, gayong tila naiimbyerna naman ito sa tuwing makikita siya nito. "A-At ano naman ang magiging trabaho ko sa 'yo?" "Siguro naman ay alam mo na ang kondisyon ko, hindi ba?" Binalingan ni Zieke ang kaniyang mga paa na nakaunat pa din sa kama. "Half of