CHAPTER 3

1305 Words
Tulalang napatingin si Livia sa harap ng wine glass na tila nag-iisip sa susunod na hakbang niya dahil naiinip na siya sa mabagal na usad nang plano ng kanyang Ama. Gusto niya nang makita si Mortem ngunit pinipigilan siya ng lahat kaya wala siyang magawa kundi ang manatili muna sa kanilang lugar lalo na’t hindi pa tamang oras para lumusob. “What’s with that face? You look like a potato,” bungad na salita sa kanya ni Brendan. “We’re twins, Brother. Kung potato ako, potato ka rin,” at inirapan niya ito. Natawa na lamang si Brendan at tuluyan nang napaupo sa sofa paharap kay Livia. “Are you bored?” tanong niya nang mapansin ang pag-iinarte ng kapatid. “Hindi ba halata? Gusto ko sanang makipagkita ngayon kay Mistress pero may pinuntahan sila,” aniya at napatingin na lang sa wall clock. “What about you?” dagdag niya bago pa makasagot si Brendan. “Done working. I’m always faster than you.” “Yabang,” at muli itong napairap. Napalitan na lamang ng seryosong ekspresyon ang mukha ni Livia nang lumapit na si Brendan sa kanya, may nilabas itong brown envelope na tila naglalaman ng importanteng impormasyon. Pag-abot ni Brendan ng envelope sa kanyang kapatid ay napaupo na lamang ito sa table. Livia just glared at her and open the envelope. Habang binabasa na ni Livia ang nakasulat sa papel ay kinuha naman ni Brendan ang baso na walang laman sa harap ni Livia at nilagyan ito ng wine na nasa tabi niya lang, hinihintay niyang magsalita si Livia habang nainom ng wine. “Hindi pa rin talaga nagbabago si Amira, hindi talaga siya karapat-dapat na maupo sa trono!” hindi makapaniwalang sabi ni Livia. “What a bunch of weaklings!” at napahalakhak ito, nagbabaga na naman ang nararamdaman niya sa kanyang puso na makuha ang Isla. “We can start with that, Livia. Ibang Mafia muna ang gagalaw para mapatalsik si Amira sa trono.” “How are you going to do that, huh?” “I can talk to them,” at muli itong sumimsim sa baso. “Don’t get me wrong, hindi ako gagawa ng gera. It will be just a petty fight between the Mafias. Binibigyan ko lang kayo ng oras ni Ama para sa mga plano n’yo lalo na’t kasama na ang Gem Mafia.” “Hindi na kailangan niyan! We’re powerful enough!” “Sigurado ka ba?” tumaas ang isang kilay nito. “Alam mo ba na hindi alam ni Amira ang bali-balita na madaming nagrereklamo sa kanya dahil kay Mortem Davies?” “What?” nanlaki ang mga mata nito. “Si Mortem ang dahilan kung bakit nananahimik ang mga Mafia kapag nakaharap na sila kay Amira. Kinakatakutan pa rin nila si Mortem kaya payapa pa rin sa loob ng MI.” “f**k,” napamura na lamang si Livia. “That’s why I’ll be the one to stop Mortem.” “Seriously? You can do that? May gusto ka pa—” natigilan na lang si Livia nang samaan na siya ng tingin ni Brendan. Napababa na si Brendan sa lamesa at inubos na ang wine sa baso. “Kung ayaw mong manlamig na naman ang pakikitungo ko sa’yo, tigilan mo na ‘yan dahil hindi nakakatuwa, Livia.” “You still love her…” hindi pa rin natinag si Livia. “Livia—” “You love her more than me! That’s why you’re so f*****g cold towards me! You hate me because I hate Amira so much!” “No—” “You’re so f*****g stupid, Brother!” Napasinghap na lamang si Brendan nang magdabog na si Livia sa harap niya. Madami na namang basag sa harapan niya. Hindi na lang siya nagsalita, tuluyan niya nang iniwan si Livia. “Magkaiba lang tayo ng plano…” nasa isip na lamang ni Brendan. Pagsapit ng gabi saka lang dumating si Elizabeth at Ken sa dalampasigan mula sa Spain upang makipagkita kay Mitra. Pagbaba nila sa helicopter ay nilapitan na sila ni Mitra na kanina pa naghihintay sa kanila. “Mistress,” ani Mitra at saka tumungo. “Pasensya ka na at ginabi kami. Alam mo naman na bawal tayong mahuli,” nakangiting sabi nito. “No problem, Mistress. Nakahanda na sa cabin ang mga kailangan ninyo.” Nagtungo na sila sa barko, sa loob ng cabin upang kunin ang mga impormasyon tungkol sa Mafia Island. Doon sila nag-usap para hindi sila mahuli, habang si Ken ay nagbabantay sa labas kasama ang ilang tauhan ni Mitra. “Salamat, Mitra. Malaking tulong ang ginagawa mo para sa amin.” “Walang anuman, Mistress. Dahil naman ‘yan kay Daem, naaayon lahat sa plano mo. Sigurado akong magtatagumpay ka.” “I guess their fate is on my hands now.” Napangisi na lamang si Mitra, alam niyang magaling si Elizabeth. Makakamit ni Elizabeth ang gusto niyang mangyari sa mundo ng Mafia lalo na’t nagbabalik siya bilang Mistress ng Mafia World. Halos lahat ng Mafia ay hawak niya na sa leeg. “Be careful, Mitra,” paalala naman ni Elizabeth bago sila umalis. “I will, Mistress.” Makalipas ang ilang oras, nakabalik na sila sa mansyon. Kaagad namang niyakap ni Ken si Elizabeth pagpasok nila sa kwarto. “You did well,” aniya matapos halikan sa gilid ng ulo si Elizabeth. “Malapit na, Ken…Malapit ko ng makita si Amira.” “Yeah,” pagtango ni Ken habang hinahaplos na ang likod ni Elizabeth.    Mayamaya pa ay naisipan na nilang magpahinga nang bigla na lang may kumatok sa pinto. Napabangon si Ken habang si Elizabeth ay nakatingin lamang kay Ken. “Is that important?” pasigaw na tanong nito upang marinig ng tao sa labas. “Yes, Boss. Nasa baba si Livia Imperial, nais makausap si Mistress.” Tuluyan nang napabangon si Elizabeth nang marinig ang pangalan ni Livia. Humalik muna siya kay Ken bago bumaba sa kama at sinuot na ang robe upang ipangtakip sa katawan niyang hubo’t hubad. “Matulog ka na, kakausapin ko muna si Livia.” Napabuntong-hininga naman si Ken. “Bilisan mo,” aniya at pinanood ang likuran ni Elizabeth palabas sa kwarto. Pagbaba ni Elizabeth ay nagtungo siya sa hardin kung saan doon naghihintay si Livia. Kaagad na napatayo si Livia nang makita na si Elizabeth, tumungo muna siya bago umupo ulit. “I’m sorry, Mistress.” “It’s okay, dear. What’s the matter?” aniya matapos maupo sa upuan. “I want to go to Mafia Island. Papayagan mo naman ako, hindi ba? If you’ll let me, promise I’ll behave. I just want to see Mortem.” “Dear, you know that it’s still dangerous. Besides, you’re going to meet Mortem? He’s from the Death Gang, he’s one of the dangerous Mafiusu out there.” “But, you said, I’ve always been obedient to you. And…I’m strong now! I can handle myself.” Napabuntong-hininga ito. “Fine, just be careful. Hindi pa tamang oras para gumawa ka ng masama, Livia. Masisira ang plano natin kung magmamadali ka.” Kumislap ang mga mata ni Livia. “Yes! I understand, Mistress!” napatayo pa siya at lumapit kay Elizabeth upang yakapin ito. “Thank you, Mistress. Ikaw na lang talaga ang kakampi ko.” “Anything for my dear.” Mayamaya pa ay nagpaalam na si Livia. Pag-alis ni Livia sa harapan ni Elizabeth ay napangiti na lamang ito. Sabik na siyang makita at makausap si Mortem.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD