“Hoy!” bulalas ni Jasper nang makarating sa sala.
Nagbabasa ng tahimik si Visca at Anna nang maingayan sila kay Jasper. Si Aeron at Simon naman ay pinasadahan lang nang tingin si Jasper na kaagad ding ibinaling ang atensyon sa hawak nilang gadgets. Habang si Philip ay napakunot na lamang ang noo dahil sa presensya ni Jasper, ngunit nanatili pa rin ang mga mata niya sa hawak niyang dagger. Masyado siyang abala sa paglilinis nito.
“Hoy, may sasabihin nga ako!”
“Ano ba ‘yon?” tuluyan nang nagsalita si Aeron.
Ibinaba rin nila ang hawak nila upang makinig na kay Jasper. Pagkaupo nito sa couch ay nagsimula na siyang magkwernto.
“Nabalitaan ko na ilang araw na lang ay mapapasabak na tayo sa misyon!”
“Makakapunta na tayo sa ibang bansa?” tanong naman ni Anna, excited ito.
“Oo!” tugon ni Jasper.
“H’wag n’yong kakalimutan na may exam pa tayo,” paalala ni Simon.
“Final exam,” dagdag naman ni Aeron.
“Doon din malalaman kung karapat-dapat ba tayong tawagin na Mafiusu o Mafiusa,” sabi pa ni Visca na nagpakaba naman kay Anna dahil sa malungkot nitong ekspresyon.
“Hindi pa nga ako makapasa sa shooting, exam na naman?” nakapalumbaba nang sabi ni Anna.
“Kayo talaga, napaka-negative n’yo,” sabad ni Jasper at tumayo na. “Tara na at mag-training ulit para sure win!”
“Pahinga ngayon,” sabi naman ni Aeron. Tinatamad itong umalis sa pwesto niya lalo na’t hindi niya pa tapos ang pinapanood niya.
“Ayoko rin,” ani Simon at bumalik sa pagkakasandal sa upuan.
“Ano ba ‘yan, puro kayo phone!”
“As if, magagalit sila?” sabi pa ni Aeron.
Hindi naging mahigpit sila Amira sa mga bata, may oras din sila upang magpahinga kaya gano’n na lamang ang naging sagot ni Aeron. Noon pa man habang nag-aaral sila ay malaki na ang utang na loob nila kay Amira at sa mga Mafia Boss kaya kung ano man ang sabihin sa kanila ay kaagad nila ‘tong sinusunod na parang tinuturing na nila itong mga magulang lalo na’t kinupkop sila nito at binigyan ng magandang buhay kahit na alam nila ang katotohanan sa mundo ng Mafia.
Hinayaan na lamang sila ni Jasper. “Eh, kayo? Nasa training ground pa rin si Iza at Demone, nag-eensayo,” saad niya kay Visca at Anna.
“M-matutulog na lang muna ako,” kaagad na tumayo si Anna at umakyat na para makatakas.
Natawa na lamang si Philip.
“Ikaw ba Philip? Puro ka na naman kutsilyo, ilan na ba ang nalinis mo, ha?”
“Pass,” tanging sinabi ni Philip.
Napabuntong-hininga na lamang si Japer, wala siyang nagawa kundi hayaan ang tatlo.
“Let’s go,” ani Visca kaya sumunod na si Jasper sa kanya patungo sa basement.
Tuluyang bumagsak si Iza nang masipa siya ni Demone sa tagiliran nito. “s**t,” hinihingal nang sabi ni Iza. Nanatili pa siyang nakahiga, hindi man lang pinansin ang kamay ni Demone na handa siyang alalayan.
Napatikhim na lamang si Demone at bumaba na sa boxing ring. “We’ve been doing this a lot of times, sumuko ka na. Hindi mo ako matatalo,” aniya sabay inom nang tubig.
Tuluyan nang napaupo si Iza. “Matatalo lang ako kapag sumuko na ako, Demone.”
Napangisi na lamang si Demone.
Mayamaya pa ay dumating na si Visca at Jasper upang sabayan silang mag-ensayo. Tahimik lamang sila sa kanilang ginagawa. Si Demone na nagpahinga muna sa gilid, si Iza na patuloy sa pag-ensayo sa harap ng punching bag, si Visca at Jasper naman ay nagtatagisan ng galing sa paghawak ng dagger.
Sa ilang buwan na nagdaan kahit kailan hindi nila naisip na ituring ang isa’t isa na pamilya. Magkakasama lamang sila sa bahay, walang ibang ginawa kundi ang mag-ensayo, magpahinga, kumain, at mag-aral sa MU. Iyon lang ang nasa isip nila.
They only treat each other as acquaintances.
“Hey,” natigilan na lang ang apat nang bumungad si Philip sa kanila. “Kailangan tayo ngayon sa lab ni Dr. Orata, another check-up.”
“Ngayon na ba?” tanong pa ni Jasper.
“Ay, hindi. Tanga ka ba? Kakasabi ko lang,” sarkastikong sabi nito.
Bago pa maka-react si Jasper ay sinarado na ni Philip ang pinto. “Luh,” napakamot na lamang ito sa ulo.
“Gantihan mo na lang mamaya,” ani Demone matapos tapikin ang balikat niya.
Napanguso na lang si Jasper at sumunod na kay Demone palabas sa basement. Gano’n din si Visca at Iza na nagkatinginan lamang.
Bago sila magtungo sa laboratory ni Dr. Orata na malapit lang din naman dahil nakatira lang din sila sa loob ng Viner ay nagbihis muna sila ng puting suit para sa check-up nila. Dahil sa nangyari noon kung saan naapektuhan ang utak nila sa eksperimentong ginawa ni Dr. Orata ay mini-maintain pa rin ang kalagayan nila sa pamamagitan nang daily check-up. Kailangan bago sila isabak sa misyon, maayos din ang kalagayan nila.
“Nandito na ba lahat?” ani Dr. Mike, ang sumalubong sa kanila sa hall. “Anna,” tawag niya na nakita niya naman agad nang tumaas ito ng kamay. “Visca, Demone…Jasper, Philip, Aeron…Simon, at Iza,” banggit niya sa mga pangalan nila bago paakyatin sa lab.
Kumpleto silang walo kaya pinasakay na sila sa elevator. Pagpasok nila sa loob ay bumungad kaagad sa kanila si Dr. Orata na may ngiti sa labi.
“Good afternoon, children!” bati niya.
“Good afternoon, Doc.”
“Let’s start! Unahin ko na si Anna,” masiglang sabi nito.
Pagtawag kay Anna ay lumabas na ang pito. Napatungo na si Anna at pinaglaruan ang kamay, muli siyang nakaramdam nang kaba dahil ipapasok na naman siya sa loob nang puting container na parihaba kung saan siya hihiga upang i-scan ang buong katawan niya.
“You’re still the Tina that we know, Anna,” napa-kwento pa si Dr. Orata na hindi naman maintindihan ni Anna dahil sa alaala nitong nabura. “H’wag ka mag-alala, hindi na mangyayari ang nakaraan,” dagdag niya at inalalayan na si Anna patungo sa loob.
Napahinga na lamang nang malalim si Anna bago ipikit ang mga mata.
Matapos tignan si Anna ay pinapasok na agad ni Dr. Orata si Visca. Kasunod sila Jasper, Philip, Aeron, Demone at Simon.
“Kumusta ang nararamdaman mo, Simon? Sumasakit pa ba ang ulo mo?” tanong nito matapos bumaba ni Simon mula sa container.
“Minsan na lang kapag may naaalala ako,” sagot niya.
“I see, bukod sa pangalan mo dati, ano pa ang natatandaan mo?”
“Leo…” bahagya niyang pagbanggit sa pangalan niya noon. “At…Sila—mga kasama ko sa lab.”
“What about your family?”
Umiling na lamang si Simon.
“Okay, drink this formula.”
Kinuha naman agad ni Simon ang maliit na boteng iinumin niya tuwing gabi.
“Makakatulong ‘yan sa’yo kung gusto mo ng kalimutan ang nakaraan. Maiibsan din niyan ang pagsakit ng ulo mo.”
“Salamat,” aniya at lumabas na.
Nagkatinginan naman sila ni Iza na huling titignan ni Dr. Orata. “Nasa field sila,” ani Iza bago pumasok sa loob. Napatango na lamang si Simon at tinago niya na ang bote sa loob ng bulsa niya bago magtungo sa field kung saan sila madalas tumambay o maglaro.
“There you are, Iza Nash! Kumusta ka?” bungad ni Dr. Orata nang makita na si Iza sa likuran niya.
“I am fine,” tugon nito.
He crossed his fingers while staring at Iza’s face. “Kung gano’n hindi na kita i-examine,” nakangiti pa ring sabi nito. Nanatiling nakatingin sa kanya si Iza, nang tumayo ang doktor ay napatungo na lamang siya.
Nilapitan niya na si Iza at hinawakan sa magkabilang-balikat. “Don’t forget your duty as their child,” naglaho na lamang ang ngiti sa labi ni Dr. Orata. “Bumalik ka na sa pamamahay nila,” mariin niyang sabi na parang inuutusan niya ito na sundin siya.
Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang matuklasan ni Dr. Orata na lumipat ng bahay si Iza, hindi niya ‘yon nagustuhan lalo na’t inampon na ni Fairoze at Ryker si Iza bilang kasapi ng pamilya. Ayaw niyang mapalayo si Iza sa puder ng Nash.
“Alam ko,” tugon niya matapos hawiin ang kamay ni Dr. Orata.
Wala siyang magagawa kundi ang sumunod kahit na ayaw niya ng bumalik sa mansyon ng tinuturing niyang Ama at Ina dahil sa pakikitungo sa kanya ni Roze, ang tunay na anak ni Fairoze at Ryker Nash.
“Mabuti,” aniya at pinalabas na si Iza.
Bago pa man makaupo si Dr. Orata sa kanyang swivel chair ay pumasok na si Dr. Mike upang ibalita ang plantasyon. Napahalakhak na lang siya nang magbunga na naman ang mga drogang ginagawa niya para sa Mafia.
“Madami-daming pera na naman ito, doc,” ani Dr. Mike.
“Kailan kaya sila darating?” wala sa sariling nasambit niya kasabay nang pagtunog ng phone niya kung saan tumatawag na si Mortem.
Napabuntong-hininga na lang si Iza nang makita muli si Demone na mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno. Ang nag-iisang puno na lang na natira sa field, napaupo na lamang siya sa tabi niya kasabay nang hangin na sumalubong sa kanya. Ikinabit niya ang ilang hibla ng buhok niya na natangay sa likod ng tainga para hindi na ‘to liparin. Napadako naman ang paningin niya sa mga kasama niyang naghahabulan.
Hindi na sila bata pero iyon pa rin ang nakikita niya, naghahangad din nang pagmamahal na kailanman hindi niya mararamdaman sa tunay na mga magulang niya. Kahit na kinupkop siya, hindi pa rin magbabago na utusan lang siya at may responsibilidad siyang dapat gawin.
“You’re overthinking again.”
Naibaling naman ni Iza ang paningin kay Demone na ngayon ay nakamulat na ang mga mata. “Hindi ko alam kung may third eye ka ba o ano, bakit gan’yan ka kung mag-isip?”
“Why? May mali ba sa sinabi ko?” napabangon na si Demone.
Napailing na lamang si Iza at ibinalik ang tingin sa iba, hindi niya matagalan si Demone lalo na’t kapag nag-uusap sila ay nakatingin mismo si Demone sa kanyang mga mata na para bang nakikita niya na ang repleksyon niya.
Tuluyan nang tumayo si Demone at nagtungo sa harapan ni Iza. “Come on,” aniya habang nakalahad na ang kamay.
“Aanhin ko ‘yang kamay mo?”
Napangisi naman si Demone, siya na mismo ang kumuha sa kamay ni Iza upang patayuin siya. “Let’s play,” aniya matapos alalayan si Iza.
“Hindi na tayo bata, Demone,” nakakunot ang noo na tugon ni Iza.
“For once, just let yourself have some fun, okay? This won’t hurt you. We won’t hurt you so, let me do these things with you.”
Walang nagawa si Iza kundi ang tumango na lamang, napatitig pa siya sa kamay ni Demone. She always felt the gentleness in his hands.