AQUARIUS “TAUI, LILIPAT NA ako ng kuwarto. Nandito na naman ang Kuya mo. Nakahihiya rin kasi kung doon pa rin ako matutulog,” sabi ko kay Taurus na nasa harapan ng laptop niya. Nandito ako sa higaan niya at nagtutupi ng kanyang mga damit. Noong una, ayaw niyang gawin ko ito. Pero bilang personal maid niya, nagpupumilit ako hanggang sa mapapayag ko siya. Ayaw ko kasing maging palamunin lang dito sa bahay nila. “Dito lang si Kuya V sa kuwarto ko. Pero kung magmamatigas ka sa gusto mo, papipiliin kita na lang kita Magkatabi kami ni Kuya o katabi kita?” Napabuntonghininga siya. “Fine. Ano ba ang ginagawa mo riyan?” “Assignments natin. Tapos ka na ba nito?” “Hindi pa.” “Gawan na lang kita para makapagpahinga ka na after diyan.” Napangiti ako sa sinabi niya. Gusto ko iyong ideya niya pe