TAURUS TATLONG ARAW NA ang lumipas nang mangyari ang gulo na kinasasangkutan namin nina Aqua, Rius, at Reyessa. Dahil makapangyarihan ang pamilya ni Reyessa, nalusutan nila ito. Hindi man lang naparusahan ang babaeng iyon sa ginagawa niya sa babaeng iniibig ko. Pinakausapan ko naman ang magulang ko na gumawa nang paraan para masuspende ito, pero ayaw na nilang makialam sa gulo. Nakipag-usap na rin kasi ang mga magulang ni Reyessa sa magulang ko. Ang kapalit niyon ay hindi na nila alisin ang shares nila sa kumpanya namin. Alam na rin kasi nila ang nangyari sa amin ni Reyessa dahil agad itong nagsumbong. Dahil sa napagkasunduan ng bawat kampo, nabunutan ng tinik ang magulang ko sa pag-uusap nila kaya napapayag sila sa gusto ng mga ito: ang manahimik at wala ng gawing aksyon para sa nangya