SAGITTARIUS “IKAW ANG G*GO!” sagot ko kay Taurus sabay suntok sa mukha niya. Wala akong pakialam kung dumurugo na ito. Kulang pa iyan sa ginawa niya sa akin. I trusted him. “Fernando and Alta Monte, itigil niyo ’yan!” sigaw ng professor namin, pero wala akong pakialam doon. Gusto ko pang bugbugin ang kaibigan kong ito nang matauhan siya. “Tau, tulong,” mahinang sambit ni Aqua habang nakahawak sa balakang niya. Napalingon ako sa babaeng mahal ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita siyang natumba. Tutulungan ko na sana pero itinulak ako ni Taurus nang bumangon ito para lapitan si Aqua. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at parang dinurog ang puso ko. Nasasaktan ako. Nilingon ako ni Taurus. Makikita sa mga mata niya ang galit sa akin. Mahal nga niya talaga si Aqua. Hindi nama