TAURUS “GANYAN NA PALA kayo ka close?” Nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig. Hindi ako makapagsalita. Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip? Matagal-tagal ko na ring hindi narinig ang boses niya. Nang nilingon ko ito, hindi ko mapigilang mapangiti nang malapad. Bumungad kasi sa harapan ko ang taong pinakamamahal ko. “K-Kuya?” sambit ko. “Long time no see, Tau,” sabi ni Kuya Virgo. Tiningnan niya si Aqua. “So you must be my baby brother’s friend? Tama nga si Taurus. You are gorgeous.” “Hey, Kuya Virgo! Wala akong sinabi, ah! Sapakin kita riyan!” inis kong sabi. Tumawa si Kuya. “Fine. Wala na lang.” Umupo siya sa harapan namin. “How’s your date?” “Hindi ito date, ah. Kadiri. Tsk! Pero bakit ka ba nandito? Parang ang bilis. Wala man lang pasabi,” sabi ko. Nakapagtataka lang.