The Lozanos

1943 Words
Alam kong narinig niya ang pagsigaw ko dahil hindi pa siya nakakalayo sakin pero hindi man lang siya humarap. Hindi ko inalis ang pagkakatitig sa kanya assuming that he will look back at me pero niwalang tingging bumalik sakin mula sa kanya. "Akala ko ba susunduin niya ako?" bulong ko sa sarili ko. "Nahopia ka no" Iyah and Aubrey teased me while they are looking to my dumb face. "Whatever, I will do my best to capture his attention, just wait girls." I said it confidently but Iyah and Aubrey are still laughing. Nung binalik ko ang atensyon ko sa kanya dumiretso siya don sa katabi naming building I guess pupunta siya sa kapatid niya na si Roja which is currently Grade 9. May inabot siyang maliit na box at wala akong pakielam na alamin 'yon. "Hindi pa ba tayo pupunta sa court, 7:15 na oh." halumbaba ni Aubrey sa armchair. "Wait lang kasi, kaunting minuto na lang." pagrarason ko. We waited almost half an hour pero walang anino ni Rocco ang nakita ko sa room namin. May lumapit saming babaeng Senior High School at naka free style siya mukhang part rin siya ng preparation sa Intramurals. "Excuse nga po kay Deanna." silip niya sa pinto. Hindi ba niya ako nakikilala, nasa labas lang naman ako ng pinto ah halos nasa likod niya nga lang kaming tatlo. Akala ko ba kilala na ako ng lahat dahil sa pagkapanalo ko last week. "Ako yon bakit?" I arched a brow. "Pinapatawag na po kayo ni Ma'am Escueta sa court." sambit niya bago siya umalis. My jaw suddenly dropped. s**t bakit ko pa inintay yung lalakeng yon. Sabay kami ni Aubrey na pumunta sa court. Tumakbo na kami papunta roon dahil napakalayo ng room namin dito. Sana at the very first place hindi na ako umasang susunduin ako sa room, I look so desperate. Remember bawal mastress ang mga magaganda, I fix my poise to revitalize my aura. "Deanna hindi mo ba binasa yung letter? Diba dapat andito na ng 7:15." sigaw niya sakin halos umalingangaw ang boses niya sa court dahilan upang pagtinginan kami ng mga estudaynte na nasa loob. "Ma'am akala ko po kasi..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko when she cut me off and told me to sit on the bleacher beside Rocco who is already standing there. "Ang tagal mo." he said casually at siya pa talaga ang may ganang sabihin sakin 'yon. Liars go to hell sinusumpa ko, nagsinungling siya sa akin!!! Grrr bakit ko ba pinoproblema 'yon. "Akala ko kasi susunduin mo ako." irap ko sa kanya habang nagpapaypay, ang init ng hulab sa court parang free experience sa impyerno sa init ng klima ngayon. "Kaya nag-intay ka?" tanong niya sakin pero hindi niya ako tinitingnan. "Kasi sabi mo." "Bakit ka naniwala as if namang kakaunin kita sa room niyo." bahagya siyang napatawa sa sinabi niya pero imbes na mainis ako na-attract ako sa side profile niya. Napanganga na kang ako sa features ng mga mukha niya. Bagay na bagay mamana ng magiging anak ko. I inhaled a large amount of breath to calm myself down. Darn it dapat nga hindi ko na siya inintay napagalitan pa tuloy ako ni Ma'am Escueta dapat lang pala ng magalit at mainis ako hehe. Hindi pa nagsisimula ang practice kasi nililinis pa yung court nung mga taga Student Council. Tinatawanan ko pa si Aubrey sa stage kasi mukhang pagod na pagod siyang magwalis. Meanwhile I heard some grade ten students cheering their yell inside their room, maybe the pilot section are already taking their tasks. Kung Emcee ako next week so hindi ko na kailangang sauluhin yung yell I guess. "Deanna! Rocco! Come here." sigaw ni Ma'am, pinagpagan ko muna ng bahagya ang aking palda bago bumaba, sumunod na rin si Rocco sa likod. Pinapunta kami ni Ma'am sa stage kaya umakyat na rin kami. "As what I've said yesterday, both of you will be the emcees next week so starting today I will prepare the two of you for the event. Since sanay na si Rocco dahil may ilang hosting na siya, Deanna ikaw na lang ang pagtutuunan ko ng pansin." pagpapaliwanag ni ma'am and I just nodded. Binigay samin ni mam yung folder kung saan nakasipit yung script at inabot niya na rin samin yung dalawang mic na hawak niya kanina. "Bago kayo magsalita siyempre may entrance muna kayo bago kayo makapunta diyan." pinababa kami ulit sa tapat ng hagdan, pinapagod niya ba kami? Minsan hindi ko rin maintindihan si Ma;am, nababano na ata char. Itinuro samin ni ma'am kung saan kami magmumula at pupwesto sa stage. "Rocco? Wag kang maunang maglakad, alalayan mo si Deanna pataas." so bumaba ulit kami nang mapansin ni Ma'am na nagmamadali si Rocco. Pagkababa namin para ulitin yung entrance, Rocco offer his right hand to me a sign that I should place my hand on his palm. Inalalayan niya ako pataas, hindi ko alam kung anong itsura ko habang naglalakad, para akong anak niya na sasabitan niya sa stage kaya hindi ako medyo kinilig sa part na 'yon lalo na at pasmado rin ang kamay niya, mukha talaga kaming mag-ama sa sobrang tangkad niya. "Nice, Rocco show your smile to the audience parang namang unang beses mo lang gawin 'to, well we will work on that tomorrow." Rocco just shook his head while Ma'am Escueta go upstairs to teach us the script. First she taught us the right pronunciation and the proper tone of our voices, she's having a hard time to me because Rocco's voice is already modulated so it takes a long period of time before I get the right sound. She let us read the script while using the microphone this time. "Bago kayo magsalita, tumingin muna kayo sa isa't-isa para magsabay kayo." sigaw ni ma'am mula sa baba nung marinig niyang hindi kami nagsabay sa first line. May part kasi sa script na sabay kami at yung iba naman ay solo. I think I am getting cold feet when he is about to look at me. I slowly glance at him and stares at his magnetic feline eyes. I could feel my hearbeat starting to flip-flop, I couldn't move s**t. I can't help but to stare at his damn good-looking aura. Wait nakalimutan na namin magsalita! "Napatagal naman ata ang pagtitigan niyo." Ma'am crossed her arms while looking in our place. I saw Rocco's slack jaw, maybe he was thinking that he gazed at me for a great period of time. I try not to laugh to his reaction but his eyes turned back at me and noticed that my cheeks dimpled and the corner of my eyes wrinkled, I couldn't hide it so I chuckled silently. Rocco looked pissed with his face buti na lang may kausap si Ma'am sa phone niya kaya hindi niya kami pansin. Ikaw ha gusto mo rin pala akong pagmasdan ng matagal. "I have an emergency meeting mga anak, so bukas na lang ulit. Keep practicing the script para hindi tayo mahirapan bukas." paalala ni Ma'am then she hurried off. Napansin kong nakababa na si Rocco sa stage kaya bumaba na rin ako, sinalubong ako ni Aubrey sa baba at alam kong mukhang lolokohin niya ako dahil sa nangyari kanina. "Ikaw ha, nakascore ka kay Rocco but in fairness hindi ko kayang tumitig sa kanya ng ganong kahaba feeling ko kusang bababa ang undies ko." bulong niya sa akin, napahawak ako sa bewang ko ng siniko niya ito. Nagulat na lang kami ng sumingit si Roja sa usapan namin kasama yung kaibigan niya, siya yung tinutukoy kong mataray at brat ng kapatid ni Rocco. Napaaga ata itong iaanak ng nanay niya kaya ganito attitude hindi fully-developed poor her talaga. I pity Roja haha. "As if namang tititigan ka niya." pagtataray ni Roja samin. Recess na kaya siguro sila nasa labas pero kailangan ba talaga nilang dito pa dumaan sa loob ng court. Magsasalita na sana si Aubrey ng pigilan ko siya para ako ang humarap kay Roja. "Naturingan kang matalino pero nakikisabat ka sa may usapan ng may usapan." tinarayan ko din siya akala mo hindi kita papatulan pasalamat ka kapatid ka ng crush ko kung hindi nahigit ko na yang buhok mo. Parang dinemenyo si Roja nung kaibigan niya na parang may binulong itong masama kaya sumimangot ang mukha nito. Nasa akto nang lalapit na siya sa amin ni Aubrey pero pumagitna agad si Rocco. "Roja please." suway niya sa kapatid niya. Papalag pa rin sana si Roja pero hinawakan ito nung kaibigan niya. CJ? That is his name, I saw his ID. "Fine" she raised her two hands, before she get going inirapan niya muna ako. "I apologize for that." he said it in monotone. I just shook my head, he is now wearing a jersey mukhang may practice sila ngayon, siyempre isa siya sa representative ng basketball team ng grade namin kaya din siguro matindi ang training nila kasi sila yung defending champion. Umalis na rin siya sa harapan namin kasama yung CJ. Kinwento ni Aubrey lahat ng nangyari kay Iyah nang makapasok na kami sa room at tawang-tawa ito sa nangyari samin kanina. "Kung ako kasama mo Deanna baka napatulan ko na si Roja." pagmamayabang niya. "Iwas issue tayo ngayon mainit-init pa rin ang section natin sa school, remember the last fight?" tanong ko sa kanya at napatakip siya ng bibig. Last year lang naman napaaway kami sa pilot class ng Grade 8, klase yon nina Roja currently. Hindi naman namin intensyon yon sila kasi sila ang nanguna dahil may bumastos noon sa muse namin pero nagtransfer na siya ng school last year din. Pero pagdating sa Guidance Office, kami ang pinalabas na may kasalanan kasi daw bakit daw pa namin pinatulan. Porket pilot class hindi na kami pwedeng lumaban kahit naaagrabyado na kami, kaya ganon na lang namin kamuhian ang ang mga pilot class ng each grade level though gusto namin ni Iyah na mapapunta sa klase nila even once. "By the way mabait yung Sophie yung nagturo samin kanina." siguro yung tinutukoy ni Iyah ay yung pumunta samin kahapon. "Paano mo nasabi?" tanong ni Aubrey. "Oh baka naman sinasaniban ka na naman ng pagkatibo mo." dagdag ni niya. Natawa ako don kasi may pagkaboyish nga si Iyah pero kailanman hindi naman siya totally naattract sa babae siguro naiinsecure lang siya. Natapos ang afternoon class namin na wala na naman akong natutunan, I don't know but I have this weird personality na kapag may test, napasa naman ako kahit wala akong kopya ng lectures. Napahiya rin si Iyah kanina sa klase dahil hindi siya nakasagot sa daily recitation sa Science kaya maaga siyang umuwi dahil binigyan siya ni Ma'am ng project para mabawi yung points. Sinipag kami ni Aubrey maglinis ngayon ng room kaya tinulungan namin yung cleaners. Nagfloor wax din sila, hindi ako kasama dahil inaasthma ako sa amoy non. Nang matapos kaming maglinis pinwesto na namin yung mga upuan kung saan sila nakahilera. "Deanna, Andeng parito muna kayo." tawag samin ni Sir Noel sa pintuan. Nagkatinginan kami ni Andeng, nagtaka kami kung bakit kami tinawag ni Sir. Wala naman akong ginawang masama ah bakit niya ako kailangang kausapin. "I saw your improvement in class, your scores are getting higher kaya napagusapan naming mga subject teachers na...ilipat kayo sa pilot class, are you willing to go there?" kompronta niya sa amin. Napaawang ang bibig ni Andeng habang ako nagpoprocess pa yung mga sinabi ni sir sa utak ko until it finally sinked in to my brain. Lilipat ako sa pilot class?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD