“So? Are you finally introducing her to us?”
Kahit ilang dipa pa ang layo ko sa kanila ay dinig na dinig ko ang pangangantyaw kay Gelo ng isa sa mga malalapit naming kaibigan na si Architect Sven Dela Torre.
Sven is my Senior in the prestigious school that I attended to. He’s two years ahead and he was my brother’s classmate. Agad na umarko ang kilay ko matapos masuri ang kabuuan n’ya. He looked really different now after almost a year of staying in England huh? Ang alam ko ay brokenhearted s’ya bago umalis ng bansa kaya siguro nagpa-gwapo ng todo ang loko para pagsisihan ng ex-girlfriend n’yang si Engineer Mijares ang ginawa nitong pag-urong sa kasal nila!
Tsk! This cunning bastard!
Gelo just got back from England too and he is staying for good! That’s why we will celebrate their comeback! Este! Sila lang pala dapat. Sampid lang ako dito dahil may kailangan akong hilingin na pabor kay Gelo at kung hindi ngayon ay hindi ko alam kung saan pa s’ya mahahagilap dahil masyadong busy ang isang iyan sa babae n’ya!
“Oh! What a strange coincidence!” I dramatically exclaimed as I marched my way in front of their table. Nasa isang modernized bistro type kami na pagmamay-ari ng isa sa mga matalik kong kaibigan. Kaya naman nang ipaalam n’ya sa akin kung kasama ako ngayon sa mga magcecelebrate dito sa bistro na nirentahan ni Gelo ng isang gabi ay agad na nagpunta ako kahit na hindi naman nila ako iniinvite!
Oh well… sa tingin ko ay kaya sila magsosolo ay puro lalaki ang imbitado at karamihan sa kanila ay matatalik na kaibigan ni Gelo na karamihan ay mga sikat na artista at ang iba naman ay mga businessman.
Kunot na kunot ang noo ni Gelo gano’n din si Sven habang hindi makapaniwalang tinitingnan ako. Ngumiti ako ng todo sa kanila. “I didn’t expect that I would meet you two here! Grabe talaga ang liit ng mundo ‘no? Akalain n’yong dito pa tayo magkikita-kita ngayong gabi?” I casually said. Nagkatinginan sila pero si Gelo ang unang nakabawi sa pagkabigla.
“What do you think you are doing here, Siobeh?” tanong n’ya na mukhang hindi naniniwala sa palusot kong mere and strange coincidence!
“Wait! I didn’t go here knowing that you guys are here,” kalmadong palusot ko habang pabalik-balik ang tingin sa kanila. “What do you guys take me for? A party crasher?” nanunumbat pa na sabi ko at humalukipkip na parang balewala lang ang iniisip nila. “Napadaan lang talaga ako dito dahil ito ang pinakamalapit na bistro sa Axis–”
“But this place is not open for public tonight, Siob,” putol ni Sven sa sinasabi ko kaya gano’n na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang maalalang nirentahan nga pala ni Gelo ang buong bistro kaya literal na sarado ito para sa ibang tao lalo na sa mga hindi invited ngayong gabi! Napasinghap ako at hindi tuloy nakasagot.
What can I possibly reason out in times like this anyway? Bukod sa buking na ako ay parehong hindi ko malilinlang ang dalawang ito!
Narinig kong bumuntonghininga si Gelo at saka nakadekwatrong tiningnan ako ng seryoso. Napalunok ako nang masalubong ang mukhang nang-iinterogate n’yang mga mata. Gelo is the silent but deadly type! A man of few words! A very observant and I sometimes think that he is able to read someone’s mind! And right this very moment, I think he knew what I am up to!
“I think I know why you’re here,” sabi n’ya na mukhang siguradong sigurado sa sinasabi. I swallowed hard as I tried to relax and calm down while dealing with his knowing stares!
“Why? What brought her here, Gelo?” narinig kong usisa ni Sven na mukhang naiintriga na rin. Napasinghap ako at halos mapapalo na sa noo nang may maisip na siguradong magpapawala ng pagdududa nila sa akin lalong-lalo na si Gelo!
“Okay fine! I went here because I need to tell you something really important, Gelo!” sabi ko at pinanood kung paano kumunot ang noo n’ya.
I think he will buy my excuse! I really think so!
“About what?” tanong n’ya, nakakunot pa rin ang noo pero agad na umangat ang tingin nang tumunog ang chime ng pinto ng bistro na tanda na mayroong paparating.
“I can’t stay for long, Vaughan. Euri couldn’t sleep without me…” narinig kong sabi ng isa sa mga dumating na panigurado ay si Triton Aldana. Just the tone of his voice can make every girls turned to his direction!
Nakita kong tumayo si Sven at kinawayan ang mga bagong dating.
“Vaughan! Triton…” he uttered while calling them. Nakita ko rin si Gelo na kumaway sa mga bisita bago mabilis na binalik ang tingin sa akin.
“If it’s about business, Siob, we can set another time to discuss it. This is an all boys hangout. You see? Girls aren’t allowed as per their wives’ orders,” paliwanag n’ya kaya hindi na ako nakipagtalo dahil alam kong seryoso si Gelo sa sinasabi n’ya. Tumango ako at tumayo na para makaalis. Bumati sina Vaughan at Triton sa akin na halata ang pagtataka sa mga mukha dahil siguro ako lang ang nag-iisang babae doon.
“She just dropped by ‘coz she’s in the area,” I heard Gelo reasoned out and then guided them to their seats. Ilang mga lalaki pa ang dumating ng sunod-sunod bago ako tuluyang makalabas sa bistro. Bumuntonghininga ako nang tuluyang makalabas.
“Cheer up, Siobeh!” pag-aalo ko sa sarili at napatingala sa langit. The sky is full of stars. Ibig sabihin ay magiging maganda ang panahon buong gabi.
Napailing-iling ako. This is supposedly a perfect night to meet him. Sayang talaga!
Napalinga pa ako sa loob ng bistro at nakitang nagsisimula na silang mag-inuman. Pairap na inalis ko ang tingin sa loob at naisip na baka hindi darating ang Liam na ‘yon. Balak ko lang naman sanang hintayin s’ya at masilayan sa personal pero mukhang malabo ‘yon ngayong gabi. I can’t believe that I was kicked out and I lost my chance to meet him! Tsk!
“Well… this is not the only time that I will meet you, Liam baby!” I blurted out my frustrations in the sky. Pati ang inosenteng kalangitan ay nadamay pa tuloy sa badtrip ko. I sighed and tried to dial Mitchy’s number. She’s probably still in Axis right now. Magpapasundo na lang siguro ako dito at yayayain s’yang pumarty para mawala ang frustrations ko. I immediately sent her a text message and informed her where I am.
Nakatutok ako sa phone ko habang naglalakad palapit sa intersection at hinahanap ang number ni Mitchy para tawagan na s’ya para siguradong matatanggap n’ya ang text ko nang bigla akong mabangga sa kung anong matigas. Pero agad ko ring napagtanto na tao ang nakabangga ko dahil amoy na amoy ko ang panlalaki na pabango na panigurado ay nagmumula sa kanya. Nakatalikod s’ya sa gawi ko at nakasuot ng kulay itim na leather jacket kaya hindi ko talaga s’ya mapapansin lalo at medyo madilim ang bahaging ‘yon ng gilid ng bistro.
“Pwede ba? You don’t own this street!” iritado kong reklamo sa kanya dahil sa tigas ng braso n’ya ay halos manakit ang balikat kong tumama doon kaya napatingin ako sa balikat kong kahit na hindi ko tingnan ay alam kong mamumula at baka nga magkaroon pa ng pasa!
“You were the one who didn’t look at where you are going,” sabi ng isang baritonong boses kaya inis na nag-angat ako ng tingin dahil nakita kong nilingon na n’ya ako.
Handa na sana akong talakan s’ya dahil boses na boses pa lang ay halatang may pagka-arogante na pero agad na napatigil ako nang unti-unting mamukhaan ang lalaking nasa harapan ko lalo pa at may sasakyang tumigil sa gilid at tumama ang ilaw sa mukha n’ya.
Nabitin ang gagawin n’ya sanang paghithit sa sigarilyo dahil nasilaw sa liwanag. Napalunok ako at agad na natulala sa mukha n’ya partikular na sa bandang labi n’ya na pulang-pula lalo at kakatapos n’ya lang kagatin ang ibaba dahil mukhang naging iritado dahil sa nangyaring pagkasilaw.
Ilang piping mura yata ang nasambit ko sa utak nang magsalubong ang mga kilay n’ya at matitigan ng todo ang mukha n'ya habang pinapanood s'yang pinagpapatuloy ang paninigarilyo bago tuluyang itinapon ‘yon sa gilid at tinapakan.
“Oh my God!” napasapo ako sa bibig habang tinatanaw ang lalaki na naglalakad papasok sa bistro! Kung hindi pa bumusina ang sasakyan sa gilid ko ay hindi ko pa aalisin ang tingin kay Liam na panigurado ay nakapasok na sa loob!
“Ma’am? Okay ka lang?”
Boses ni Mitchy ang narinig ko kaya agad na napatingin ako sa kanya na bakas ang pagtataka sa mukha. Mabagal na umiling ako.
“I’m not okay, Mitchy…” wala sa sariling sambit ko. “I think I’m in love…” madamdaming sambit ko pa habang dinadama ang sobrang bilis na t***k ng puso ko.
If this isn’t love at first sight, I don’t know what it is!