Worth

2293 Words
“So, how did it go, Mitchy?” Agad na nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng opisina ko dito sa Axis, ang tawag sa main branch ng L&P, the architectural firm owned by our family together with the Lopezes. Halos isang oras yata akong naghintay sa pagbabalik ni Mitchy dahil pinatawag s’ya ni Daddy kanina. At alam ko na ang ibig sabihin sa tuwing pinapatawag s’ya, oh well… iisa lang naman ang parating rason kung bakit s’ya pinapatawag. And that is to give her the portfolio of his next target. “So, sino na naman ang gusto ng Daddy kong i-date ko ngayon?” tinatamad na tanong ko at prenteng sumandal sa swivel chair ko. Halos wala pang dalawang linggo nang huling masermonan ako ng Daddy ko dahil sa ginawa ko sa recent prospect n’ya na sa sobrang bitter sa ginawa ko ay muntik pang i-pull out ang huling proposed project kasama ang Axis, kung saan ako ang Senior Architect. L&P Architecture has another branch aside from Axis and it’s called the Vertex, kung saan ang nagmamanage naman ay ang pinsan kong si Morianne, she’s also an Architect but she’s way younger than me. Mabilis ang kilos na sinarado n’ya ang pinto ng opisina ko at ngiting-ngiti na naglakad palapit sa table ko. Umangat ang kilay ko sa nakikitang excitement sa mga mata n’ya habang palapit sa akin at niyayakap ng mahigpit ang portfolio na dala-dala. Takang-taka ako dahil ngayon ko lang s’ya nakitang excited kahit na kagagaling lang sa opisina ni Daddy. Mitchy actually came from my Dad’s office. Dinala s’ya sa opisina ko para maging spy sa akin but she ended up being my friend and I’ve earned her loyalty over the years. At hindi alam ni Daddy ‘yon dahil nagrereport pa rin si Mitchy sa kanya eventually kung ano ang mga ganap sa akin. “Kilala mo ‘tong susunod na iseset-up ni Chairman sa’yo, Ma’am!” ngiting-ngiting sabi n’ya sabay abot sa akin ng portfolio na hawak. Kumunot ang noo ko. “Naku, Ma’am! Ayaw kong tulungan kang isabotahe ‘yan. Try mo kayang i-meet ng maayos ngayon? Malay mo naman s’ya na ang icing sa ibabaw ng cupcake mo!” kilig na kilig na bulalas n’ya pa kaya lalong umangat ang kilay ko at agad na binuksan ang portfolio na inabot n’ya. “Sus! Tigilan mo ako, Mitchy. You know that I don’t trust my Dad’s taste!” nakangiwing kontra ko sa sinabi n’ya. Nagkibit-balikat lang s’ya kaya napabilis ang pagbuklat ko sa binigay n’ya. Umikot ang mga mata ko nang tuluyang makita ‘yon at agad na ibinaba ang portfolio sa ibabaw ng table ko. Narinig kong bumungisngis si Mitchy. “Damn it. Why does it have to be that guy? Mukha ba akong naghahanap ng sakit ng ulo at isang notorious playboy ang gagawing asawa?” nakairap na bulalas ko habang muling sinusulyapan ng tingin ang profile ni Noah Williams. He’s my Filipino American classmate and his relatives owns one of the biggest Architectural and Engineering firm in the country. Hindi lang isang beses na nagkaroon na sila ng project with L&P and most of the projects are the biggest ones. Kung gaano kayaman ang pamilya namin ay halos triple ang yaman ng tyahin ni Noah na s’yang may-ari ng Emporium Inc., the biggest and the most powerful company in the real estate industry not just here in our country but also in the United States, kung saan nagmula ang angkan ng mga ito. Nakapangasawa s’ya ng isang Pinoy na isang former action star na halos kasing yaman din ng pamilya nito na karamihan naman ay mga celebrities ang angkan. Aside from being wealthy and influential, Dimple Williams, the Chairwoman of Emporium Inc. is also famous for being the generous and humble philanthropist. Hindi lang ilang libong charity ang natulungan na nito at dahil sikat pa rin ang asawa nitong si Luis Acosta kahit na matagal na itong nagretiro sa showbusiness, matunog na matunog pa rin ang pangalan nito dahil na rin sa impluwensya ng asawa nito. And this is probably the reason why my Dad wanted to get associated with them. Because the scope of their influence is wide and we needed that for our business. Well… it’s not as if bago pa ‘yon sa akin! Wala namang pinipiling hindi maimpluwensya ang Daddy ko pagdating sa paghahanap ng mapapangasawa ko. Napairap ako at ibinalik ang tingin kay Mitchy. “So, kailan ang sinabi ni Daddy para sa first date namin?” tanong ko. Saglit na nag-isip s’ya bago sumagot. “Wala akong sinabing specific date kung kailan ka available,” sagot n’ya kaya napataas ang kilay ko. Napangiti s’ya ng maluwang nang makuha ang nasa isip ko. “Yes, Ma’am Siobeh! Ikaw ang magdedecide kung kailan at saan ang date n’yo. Ang gentleman ni Noah hindi ba? Sobrang gwapo pa!” kinikilig na pahabol pa n’ya kaya napangiwi ako. “Gentleman ka d’yan!” nakangiwing bulalas ko. There’s no way that a certain Noah Williams will be gentle! Hell not! “He probably knows that this isn’t going to work kaya hindi rin s’ya gano’n ka-interesado na i-meet ako,” I said, as a matter of factly. Kilala ako ni Noah at kahit ilang beses na nagparamdam s’ya sa akin noong college kami ay palagi s’yang basted sa akin. Bukod kasi sa hindi magandang reputasyon n’ya pagdating sa mga babae ay madalas na laman din s’ya ng mga scandal hindi lang sa buong campus kundi pati na rin sa kung kani-kaninong elites. And that’s a major turn off for me. I am more interested in good guys or either someone that I can be tame. I want to be the one who’s handling the relationship this time. Noon kasi ay karamihan sa mga naka-date at naging boyfriend ko ay hinahayaan ko silang maghandle ng relationship. Ang sabi kasi ng mga kaibigan ko ay kung gusto kong tumagal ang mga magiging relationship ko, let the guy lead and decide most of the time. That way daw ay hindi sila magsasawa at mabo-boost pa ang ego nila. And most of my relationships with that kind of set-up failed big time! Halos ang iba nga ay hindi man lang tumagal ng tatlong buwan dahil sobrang nasasakal ako lalo na sa klase ng trabaho ko. Most of my colleagues are men because most of our employees here in Axis are Architects and Engineers. Kaya kapag nagsimula ng magselos sa mga katrabaho ko ay naiirita na ako. I like possesive guys actually but possessing over me all the time is not healthy at all. Gusto ko ng klase ng selos na parang nagpapa-cute lang, as if he was just trying to lowkey get my attention. Oh ‘di ba? Mas masarap pagselosin ‘yung gano’n. Lalo na kapag pakipot at pinagpipilitang hindi nagseselos pero selos na selos na pala! Cute! I wanna meet someone like that! Niligpit ko ang portfolio ni Noah sa table ko at nagcheck ng mga emails sa akin. Ilang sandali akong nagcheck at nagsimulang maging busy sa trabaho. Hapon na nang matapos ako sa lahat. Tumunog ang phone ko para sa isang chat notification galing sa kaibigan kong si Kier Angelo Lopez. He’s the son of my Dad’s business partner in L&P. He’s an Engineer and he’s currently in England and he is going back here in the Philippines real soon. Naghihikab na binuksan ko ang message n’ya sa akin. Kier Angelo Lopez: Hey, Shob! Did you check my recent tagged photos? That’s gonna be the design that I want for the resort’s lobby. Check that out and tell me your thoughts about it. Ngumuso ako at saka hindi na muna nag-abalang mag-reply sa message n’ya at agad na pinuntahan na ang profile n’ya para i-check ang sinasabi n’yang pictures. It was one of the resorts in England, I guess. Nagulat pa ako na halos ilang linggo na palang uploaded iyon pero kung hindi n’ya pa ako sinabihan ay hindi ko pa makikita. I’ve been really busy wrapping up the latest project I’ve had that I totally forgot about the upcoming project that I will be doing with LEF, Gelo’s Dad’s company. Ilang scroll pa ang ginawa ko at gano’n na lang ang pagka-impress ko sa design ng buong building. Whoa! Architects in England are really good huh? Nang nasa huling photo na ako ay napatigil ako sa pag-scroll nang may mahagip ang mga mata ko. It was a photo of Gelo in the resort’s lobby and he wasn’t alone in there. Nakatayo sa tabi n’ya ang isang lalaki na mukhang napilitan lang talaga na tumayo doon para magpapicture sa tabi n’ya. Umayos ako ng upo at agad na pumindot para i-zoom ang photo na ‘yon para itapat sa mukha ng lalaking katabi n’ya. The guy is tall. Even taller than Gelo! Napasinghap ako nang mapadako ang tingin sa mga braso n’ya. His muscles looked firm! Na lalong nadepina dahil naka-cross arms s’ya. He was wearing a black leather jacket that is rolled up to his elbows. Wala sa sariling umangat ang tip ng index finger ko sa gawi ng mga braso n’ya. Hmmm. Tingin pa lang, mukhang matigas na at mukhang kayang-kaya akong buhatin! Bumungisngis ako at umangat ang tingin sa mukha n’ya. Halos manuyo ang lalamunan ko nang mapako ang tingin sa mga mata n’yang mukhang hindi gagawa ng hindi ko magugustuhan sa kama. Agad na napasinghap ako at napailing-iling dahil sa biglaang naging takbo ng isip ko. Most of my fantasies in men are probably like him. Tall, not so dark and ruggedly handsome! No! Scratch that. He’s not just handsome. He’s extremely handsome! Sa sobrang gwapo n’ya ay kahit sa picture n’ya pa lang, nanunuyo na ang lalamunan ko! “Who the hell is this guy?” kunot ang noong bulong ko habang nakatitig pa rin sa picture n’ya. Ngayon ko lang kasi nakita ang lalaking ‘yon. He’s probably Gelo’s colleague in England? Kung titingnan kasi ay mukha s’yang Pinoy lalo na sa kulay ng balat. But his facial features was confusing the hell out of me. He doesn’t look pure Pinoy though! Alam kong may mga katrabaho din si Gelo na Pinoy na mga Engineers sa England pero kahit kailan ay hindi ko pa yata nakita ang isang ito. Maybe he’s not really a Filipino huh? Bago pa ako matuliro sa kakaisip ay agad na binalikan ko ang message ni Gelo. Halos mapatili na ako nang maabutang online pa s’ya. He doesn’t really spend too much time in social media and he’s not really the type who would actually chat! Napangiwi ako nang makitang halos wala kaming history ng conversation dito at ngayon pa lang ang unang beses na nagkausap through chat. Agad na nag-type ako ng message para sa kanya. Me: Who’s the guy beside you in the last pix? Napanguso ako nang ma-realized na ang layo ng reply ko sa talagang message n’ya sa akin. Hmmm. Bahala s’ya. Saka na ‘yang trabaho kapag nandito na s’ya. Dito muna tayo sa mas importante! Medyo nainis pa ako kay Gelo nang matagalan s’yang magreply sa message ko. Kung hindi ko lang talaga alam na masyadong busy ang isang ito ay kanina ko pa s’ya binaha ng chats! Kaya naman nang makita kong nagta-type na s’ya ng reply sa akin ay halos mahigit ko ang hininga dahil sa nararamdamang excitement. What the hell is this huh? What the hell is this? Bakit feeling ko magkaka-dyowa na ako ulit after two years of being hiatus in dating! Agad na napapaypay ako sa mukha nang makaramdam ng kilig dahil sumagi sa isip ko ang mukha ng lalaki. Kier Angelo Lopez: Who are you referring to? Liam? Mabilis na nag-reply ako nang mabasa ang reply n’ya. Liam? Holy shiz! Pangalan pa lang, gusto ko ng humirit ng extra rice kahit na oras ng coffee break pa lang ngayon! Me: Liam? Is that his name? Tanong ko at agad na nag-send ulit ng follow up message. Me: The guy who was wearing a black leather jacket with a white shirt underneath. Who was that? Nakita kong na-seen naman agad ‘yon ni Gelo at ilang sandali lang ay may reply na s’ya. Kier Angelo Lopez: Yeah. That’s Liam. Our Senior Engineer in LEF. He was here a few weeks ago for a business trip. Why did you ask? Do you know him? Agad na nagreply ako sa kanya. Me: Nothing, Gelo. He just looked like someone. Someone that I can spend the rest of my life with! Gusto ko sanang idagdag pero hindi ko na ginawa. I don’t want to creep Gelo out because of that! Napangisi ako at agad na tinawagan sa intercom si Mitchy. “Ma’am?” sagot n’ya kaagad at nakita ko pa ang paglingon n’ya sa akin mula sa glass window. “Can you find out who’s the current Senior Engineer of LEF?” sabi ko. “As much as possible, I want a complete details about him,” dagdag ko pa nang makitang nagpipindot na kaagad s’ya sa system para i-check ang mga employee doon. Nang mag-angat s’ya ng tingin sa akin ay kagat-labing pinakinggan ko ang sinabi n’ya. “Engineer Liam Acosta, 30 years old. ‘Yan lang ang information na nandito sa system, Ma’am,” sabi n’ya. Tumango-tango ako at agad na nagpasalamat bago ibinaba ang intercom. Ngiting-ngiti kong tinype ang pangalan n’ya sa search bar ng social media account ko at agad na nadismaya nang makitang nakaprivate ang halos lahat ng accounts n’ya! Hmm! Mukhang papahirapan pa akong maghanap nito ha? Nakangising tinitigan ko ulit ang picture n’ya na sinave at crop ko pa galing sa account ni Gelo. Hindi bale na! Mukhang worth it ka namang paghirapan, Liam baby!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD