Practice

1754 Words
After lunch ay bumalik ako sa opisina ko sa Axis para asikasuhin ang mga dapat kong asikasuhin para sa pagpunta sa party mamaya. Ayaw ko namang iasa lahat kay Mitchy ang mga trabaho dito sa ilang araw kong hindi pagpasok. I don’t want her to suffer anymore because of me. S’ya na nga ang papapuntahin ko sa seminar na sinet ni Daddy pagkatapos ay iiwan ko pa s’ya ng maraming trabaho! “Tinatanong pala ni Chairman kung anong pinagkakaabalahan mo sa ngayon, Ma’am,” narinig kong sabi ni Mitchy nang ilapag n’ya sa table ko ang mga initial drawings na ginawa ko at balak na ipakita sa huling kliyente namin ngayong araw. Kumunot ang noo ko at saka nag-angat ng tingin sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na nananahimik nga si Daddy at hindi man lang pinapaalala sa akin ang gagawin kong pagpapakilala sa kanya kay Liam. Maybe he was still thinking that I am not really serious about what I’ve said? Iniisip pa rin ba n’yang wala talaga akong boyfriend at dinahilan ko lang na meron para tumigil na s’ya sa kaka-set up sa akin sa iba’t-ibang lalaki? Oh well… kung ganon ay mas lalong dapat ay bilisan ko na ang kilos para ipakita sa kanya na seryoso ako na gusto kong tigilan na n’ya ang pagpili kung sino ang magiging asawa ko! Wala sa sariling napatingin ako sa oras at saka agad na naisip na hindi nga pala alam ng Liam na ‘yon ang number ko kaya paano n’ya akong tatawagan tungkol sa naging pag-uusap nila ng may-ari ng restaurant? “Tsaka, Ma’am…” sambit pa ni Mitchy kaya saglit na natigil ang pag-iisip ko at napatingin ulit sa kanya. Nakita kong tumingin muna s’ya sa paligid bago muling nagsalita kaya kumunot ang noo ko. “Bakit ka ba bumubulong?” tanong ko bago sinulyapan ang dalawang trainee na nasa table sa di kalayuan sa amin. “Apat lang naman tayo dito,” komento ko pa. Umiling s’ya at saka mas humilig palapit sa table ko para magsalita. “Mukhang pinapasundan ka ni Chairman,” mahinang bulong n’ya kaya napasinghap ako at agad na napaisip kung anu-ano at saan ako nagpunta nitong mga nakaraang araw. “S-sigurado ka?” tanong ko at nagsimulang kabahan. Baka mamaya ay alam na n’yang hindi ko talaga boyfriend si Liam dahil hindi naman n’ya kami nakikitang magkasama. Sunod-sunod na tumango si Mitchy kaya lalo akong naging kabado! God! Kung hindi madadala sa mabuting usapan ay pwede naman sigurong daanin na sa Santong paspasan ang Liam na ‘yon bago pa ako mahuli ni Daddy! “Oo, Ma’am. Sina Belyn at Christine ang napagtanungan ng tao na kinuha ni Chairman para sundan ka. Mabuti na lang at nasabi nilang dalawa na pumunta ka sa LEF para makipag-usap kay Engineer Liam!” bulalas ni Mitchy kaya ganon na lang ang pagkalma ng sistema ko. Sunod-sunod na tumango ako bago nag-utos sa kanya na i-treat ang dalawa sa pantry sa baba at hangga’t maaari ay turuan ng mga sasabihin sa susunod na may magtatanong ulit sa kanila. Hindi na tuloy ako mapakali habang nagpapalipas ng oras para hintayin ang pagdating ng huling kliyente namin para sa araw na ‘yon. Bandang alas dos ay dumating ang kliyente at halos abutin yata kami ng kulang dalawang oras sa meeting na ‘yon dahil masyado itong mabusisi sa detalye ng designs na gusto para sa itatayong bahay. According to the client, his wife was quite a perfectionist. That's why the whole time we were discussing the chosen designs for their house, he was also talking to her. Kung alam ko lang na hassle pa ang ganon ay sana pinasama ko na rin ang asawa n’ya kung nasa asawa rin naman pala nito ang desisyon. “Thank you so much for your time, Architect Pareñas. See you again when you already finalized the designs,” pormal pero nakangiting sambit pa nito bago tuluyang lumabas sa opisina ko. “Ma’am, ice coffee?” alok agad ni Mitchy nang nakaalis ang kliyente. Tumango lang ako at saka napatingin ulit sa oras. Dalawang oras na lang ay oras na para pumunta kami sa Bukidnon kaya dapat sana ay nagpapahinga na ako pero hindi ko talaga makalimutan ang sinabi ni Mitchy kanina na pinapasundan ako ni Daddy! Buong akala ko ay maayos ang naging usapan namin noong nakaraan na binibigyan n’ya ako ng isang linggo para iharap sa kanya si Liam. I was too relaxed to think that he was just sitting there and waiting for me to introduce my boyfriend! Nakalimutan ko na masyadong wais ang Daddy ko para basta na lang n’ya akong hayaan sa kung ano ang gusto ko. Well… siguro ay mas lalong dapat ko pang galingan at bilisan ang pakikipaglapit sa Liam na ‘yon para hindi maisip ni Daddy na hindi totoo ang sinabi ko na boyfriend ko s’ya! “Salamat, Mitchy. See you when I see you!” nagmamadaling paalam ko matapos mapangalahati ang ice coffee na hinanda n’ya para sa akin. I am planning to personally go to LEF to talk to Liam about his current project. Kabababa ko lang sa sasakyan ko ay may napansin na agad akong kakaiba. I was feeling strange that’s why I didn’t totally let my guards down while walking towards the LEF’s lift. Pasimpleng kinuha ko ang phone ko dahil ramdam na ramdam ko talagang may nakabuntot sa akin. I opened my phone’s camera and used it as a mirror to check if my hunch was right. Pigil na pigil ang pagsinghap ko nang masigurado kong mayroon ngang isang lalaking nakasunod sa akin. He was wearing a usual black shirt and pants. Kung titingnan ay para lang s’yang isa sa mga empleyado ng LEF kaya nang nakita kong naglakad s’ya palapit sa akin at mukhang sasakay din sa elevator ay agad na umayos ako ng tayo at pakanta-kanta pa habang sinisilip at inaayos ang buhok habang nakaharap sa phone ko. Nang tumunog ang elevator at bumukas ay nauna na ako sa paghakbang. Sumunod ang lalaki sa akin at pinakiramdaman ko pa kung pipindot s’ya kung saang floor s’ya bababa. Nang makita kong hindi s’ya pumindot ay mas lalo kong nakumpirma ang kutob ko. Damn it! That old cunning man wouldn’t leave his beautiful daughter alone huh?! Pumindot ako sa floor kung nasaan ang opisina ni Liam at hindi pa nakuntento ay sinubukan kong i-dial ang number n’ya kahit hindi ako sigurado kung active pa ba ang number n’ya na nakuha ni Mitchy sa sistem ng LEF! Tatlong ring lang ay sinagot n’ya ang tawag kaya ganon na lang ang pagsinghap ko nang mabosesan s’ya sa kabilang linya. “Hello?” his baritone voice immediately echoed in my ears. Muntik pa akong hindi makapagsalita pero agad kong naisip ang lalaking kasama ko ngayon sa elevator kaya tumikhim ako at saka agad na pinasigla ang boses. “Hi, baby ko! Are you busy?” masiglang bati ko kay Liam sa kabilang linya. Hindi s’ya nagsalita kaya agad na napatingin ako sa lalaki sa tabi ko na pasimpleng sumulyap sa akin! “Anyway, I am on my way to your office now. See you in a bit? I miss you so much!” tuloy-tuloy na sabi ko pa at saka umaktong kilig na kilig habang napapatingin sa lalaking katabi ko na alam kong nakikinig at pasimpleng nagmamasid sa akin. “Who the hell is this?” sa wakas ay tanong ni Liam matapos ang ilang sandaling pananahimik sa kabilang linya. Bumungisngis ako imbes na sagutin ang tanong n’ya. “Oh, really? You missed me too? Oh my gosh, baby! ‘Wag mo ‘kong pakiligin! Ano ka ba?” bulalas ko at saka umaktong kilig na kilig! Gumalaw ang lalaki sa tabi ko at saka dumukot ng kung ano sa bulsa. Kitang-kita ko ang ginawa n’yang paglabas sa phone n’ya at pagpindot doon kaya napangisi ako at mas lalong ginalingan ang pag-arte. “Are you drunk or just simply losing your mind?” narinig ko pa kung paano tumaas ang boses ni Liam bago walang sabi-sabing pinutol ang tawag! Gosh! You don’t hang up on your future girlfriend, Liam baby! Nang makita kong nakatingin ang lalaki sa akin ay mas pinagbuti ko pa ang pag-arte. “Sige na, baby. I love you too! Alam ko namang hindi mo ibaba itong tawag hangga’t hindi ako sumasagot sa ‘I love you’ mo!” kilig na kilig na sambit ko at saka dinala pa ang phone sa tapat ng bibig at saka umaktong hahalik sa screen. “Mwaahh! Bye! See you in a bit!” paalam ko at saka kunwari ay pinutol ang tawag na kanina pa putol! Ilang sandali lang ay tumunog ang elevator sa floor kung nasaan ang opisina ni Liam. Bumaba ako at pinakiramdaman kung bababa rin ang lalaki pero nanatili s’ya sa loob kaya mabilis ang mga hakbang na naglakad ako palapit sa opisina ni Liam at hindi na nag-abalang kumatok dahil sa sobrang kabang nararamdaman! Ang iritadong mga mata at magkasalubong na mga kilay ni Liam ang agad na sumalubong sa akin pagpasok na pagpasok ko sa opisina n’ya. “Don’t you know how to knock?!” iritadong bulalas n’ya at sita sa akin habang lumalapit para mas lalong sitahin ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko s’yang sinalubong ng yakap. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin ang nangyari. My Dad really came this far and hired men to follow me! Mukhang ganon na talaga s’ya ka-desperadong ipakasal ako kay Noah dahil ngayon n’ya lang ako pinasundan ng ganito! Nang marealized ko ang ginawa ko ay agad na napabitaw ako ng yakap kay Liam na ngayon ko lang napagtanto na hindi pala nakagalaw simula ng yakapin ko! Tumingala ako at nasalubong ang bahagyang namimilog na chinito n’yang mga mata! “Just… What the hell are you doing right now, Architect Pareñas?!” gigil na gigil at iritadong sita n’ya sa akin. Halos mapapikit pa ako dahil sa lakas ng pagkakasabi n’ya no’n! “Ahh!” sabi ko at agad na nag-isip kung paano makakawala sa sitwasyon. “This is how people in England usually greet each other, right?” sambit ko kaya mas lalong naging iritado ang mga mata n’ya sa akin. “Pupunta kasi ako doon kaya nagpapractice na ‘ko! Right! Practice lang!” nakangiwing palusot ko at agad na bumitaw sa kanya nang makita ko ang ginawa n’yang unti-unting pagpikit ng mariin at pagsalo sa noo kasabay ng pagmumura ng mariin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD