Sven called me that night to inform me that Liam agreed to come to the party. Muntik na tuloy akong hindi makatulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga gagawin ko habang nandoon kami.
I really didn’t care about the party. Ni pangalan nga ng celebrant ay hindi ko alam at hindi ko man lang naitanong kay Jen!
And if rapport is the only thing that I need to establish for going there, kayang-kaya ko naman ‘yon dahil sanay naman akong makipag-socialize!
I woke up early the next morning to pack some of my things. Ang sabi ni Jen ay dalawang araw at isang gabi lang naman kami sa Bukidnon pero depende pa raw kung magpapasya ang celebrant na i-extend ang pananatili namin doon dahil bukod sa fishery ay may balak na ipagawa na golf course ang matandang VIP sa probinsya nito kaya malamang ay hihingi ng suggestions sa mga engineers at architects na dadalo sa birthday nito.
Before lunch nang pumunta ako sa LEF dahil tinawagan ako ni Mitchy para ipaalam na naka-set ng alas onse ng umaga ang appointment ko kay Liam. Kanina pa maluwang ang ngisi ko dahil sa ginawa n’yang mabilis na pag-accept sa appointment na kinuha ko.
Hmm… mukhang natakot ma-harass ng di-oras!
Nang nasa floor na ako ng opisina ni Liam ay pumihit ako para puntahan muna si Sven at personal na tanungin kung anong oras ang alis namin ni Liam papunta sa Bukidnon. Kagabi ay binanggit n’yang hindi pa raw settled ang schedule ni Liam ngayong araw kaya ngayon ko pa lang malalaman kung anong oras kami aalis dito sa Manila.
Tatlong katok at hindi ko na hinintay ang pagsagot n’ya at tuloy-tuloy na pumasok na ako sa opisina n’ya.
“Hi– oh…”
Napatigil ako agad sa paghakbang papasok sa opisina ni Sven nang makita kong nakasandal si Jen sa table n’ya habang s’ya naman ay nasa harapan nito at nakatukod ang dalawang palad sa gilid ng table. Kahit na nakatalikod silang dalawa sa akin ay hindi naman ako manhid para hindi makuha ang ginagawa nila.
Sabay pa silang napatingin sa akin at umayos ng tayo. Papalit-palit na tiningnan ko sila bago ko nakitang tinulak ni Jen si Sven sa dibdib at hinawi ang braso para magkaroon sila ng distansya. Pigil na pigil ang ngisi ko pero hindi ko talaga mapigilang manliit ang mga mata dahil sa bilis ng development ng paglalandian ng dalawang ito!
“S-Siob…” halos sabay pa nilang sambit na parehong pulang-pula ang mga pisngi dahil sa hindi sinasadyang eksena na nadatnan ko!
“You forgot to lock the door so I came in,” sabi ko na hindi mapigilan ang panunukso sa tinig.
“Siob, it’s not what–”
“Uh-huh…” mabilis na pigil ko sa sasabihin sana ni Jen at saka umiling sa kanilang dalawa. “Wala akong nakita,” sambit ko pa at saka pinatunog ang dalawang daliri sa harapan ng mukha ko. Kunot ang noong napatingin silang dalawa sa akin na mukhang nagtataka sa kung ano ang ginawa ko. “Ah! I just snapped my fingers to remove my recent memories including what I saw earlier,” nakangising sambit ko at saka umiling sa kanila. “Anyway, bakit nga pala ako nandito? Hmm…” sabi ko at saka kunwari ay nag-isip. “Ah! I went here to ask what time our flight to Bukidnon will be?” sa wakas ay sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa pero si Sven ang unang nakabawi at sumagot sa akin.
“You’re scheduled to go there later at five in the afternoon,” sagot n’ya at muling sinulyapan si Jen bago nagpatuloy. “Gelo told me that his Dad already informed the pilot that you are going to use the helicopter going there,” dagdag n’ya pa kaya namamanghang napatingin ako sa kanya.
“Helicopter?” hindi makapaniwalang bulalas ko. “We are going to travel via helicopter?!” ulit ko pa kaya kumunot ang noo ni Sven.
“Yeah. Busy kasi si Liam hanggang ngayong umaga kaya mamayang hapon lang s’ya pwede,” paliwanag n’ya pa. Umiling ako.
“It’s okay, Sven. Mas okay nga ‘yon para mas mabilis ang byahe namin,” sabi ko at saka nginitian s’ya. Mas lalo lang tuloy akong na-excite dahil sa sinabi n’ya at agad na nagpaalam na sa kanila. “By the way, mauuna na ako. I have an appointment before lunch,” paalam ko at nginitian din si Jen na mukhang hiyang-hiya pa rin sa akin. Tumalikod na ako at binuksan ulit ang pinto pero muling hinarap pa sila bago tuluyang makalabas ng opisina ni Sven. “Continue what you’re doing before I come here. Ayaw kong magkaroon ng indigestion mamaya dahil baka may sumumpa sa akin,” nakangising biro ko at saka tumingin sa doorknob ng pinto. “I will lock the door for you two…” nakangising sabi ko pa bago tuluyang sinara ang pinto at naglakad patungo sa opisina ni Liam.
“Sana all may kahalikan before lunch!” natatawang sambit ko pa nang maalala ang eksenang nadatnan sa opisina ni Sven.
Three knocks before I have decided to enter Liam's office. Napatingin pa ako sa paligid at nakitang wala s’yang kasamang apprenctice doon kaya agad na tumaas ang kilay ko.
Don’t tell me nilayasan na naman s’ya ng apprentice n’ya?
“Sit down…”
Muntik pa akong magulat nang bumukas ang isang pinto sa loob ng opisina n’ya at lumabas si Liam mula doon. Hindi ko na naman maiwasang magtitili sa isip nang makita ang ayos n’ya.
He was just wearing a plain dark blue polo and a white pants but his aura was screaming arrogance and elegance at the same time!
Kahit na mukhang natural na sa kanya ang pagkunot ng noo ay hindi pa rin ‘yon nakabawas sa lakas ng dating na taglay n’ya. Kung ang malalapit n’yang kaibigan na sina Gelo at Sven ay parehong maputi, itong si Liam ay moreno na mas lalong nagpapalakas ng dating n’ya. His skin color is complimenting his facial features which is giving him a totally masculine look! Kahit ang tunog ng boses n’ya ay lalaking-lalaki.
“I said, sit down,” mas mariing utos n’ya nang makitang hindi ako agad na nakakilos dahil sa ginawang panunuri ng tingin sa kabuuan n’ya. Umayos ako ng tayo at saka pinapormal ang mukha. I can’t get intimidated by him.
Baka mamaya ay makalimutan ko pa ang sadya ko dito at magaya ko pa ang ginawa nina Sven at Jen kanina!
I tilted my head to totally ditch that thought in my head. Muntik pa akong mapamaang nang makita ang couch na tinuro n’ya na ang pagitan ay halos tatlong dipa ko na yata ang layo sa isa’t-isa!
Prenteng nakaupo na s’ya sa kabila at nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Tumaas ang kilay n’ya habang nakatingin sa akin. “Aren’t you going to sit? Five minutes have passed already,” sambit n’ya pa na mukhang tantyadong-tantyado pa yata ang oras na inilaan n’ya para sa appointment na ito!
Halos umikot na ang mga mata ko at padabog na naglakad palapit sa sofa na katapat ng inuupuan n’ya.
Holyshit! Ngayon lang ako nagkaroon ng ka-meeting na daig pa ang contaminated ng virus dahil sobra kung maka-implement ng social distancing!
Gigil na nanliit ang mga mata ko nang sa wakas ay maka-upo at saka natanaw s’yang pinagmamasdan ako. Hindi ko alam kung imagination ko lang ‘yon pero parang nakita ko ang ngisi n’ya sa akin kaya agad na nakaisip ako ng kalokohan para naman makaganti sa pambu bwisit sa akin ng lalaking ito.
Social distancing ba kamo? Fine! Let’s get it on!
Agad na umayos ako ng upo at saka nagsimulang magsalita para pag-usapan ang sadya ko sa kanya.
“I guess you are already aware about the failings of the designs of the current project you are doing, right? Let me discuss to you further about that,” sabi ko na sadyang hininaan ang pinakahuling pangungusap kaya kitang-kita ko ang pagkunot ng noo n’ya na halatang hindi narinig ang sinabi ko dahil sa layo ng pagitan namin.
“Pardon?” tanong n’ya kaya pinigilan ko ang sariling mapangisi.
Ano ka ngayon ha?
“Let me discuss to you about the designs that I wanna add up to that project,” sagot ko na lalong hininaan ang pagsasalita kaya lalong nagsalubong ang mga kilay n’ya at saka umalis sa pagkakasandal sa sofa para mapakinggang mabuti ang sinasabi ko. Hindi ko pinansin ang nakita kong pagtaas n’ya ng kamay para patigilin ako sa pagsasalita at saka tuloy-tuloy pa rin na nagsalita. “The location of that restaurant would be more perfect if you will take advantage of the views outside…”
Nakita kong hindi na s’ya nakatiis at s’ya na mismo ang tumayo at humakbang palapit sa gawi ko para lang marinig ang sinasabi ko. Nang makita kong nasa mismong harapan ko na s’ya ay tiningala ko s’ya at saka hindi na napigilang taasan ng kilay.
“Why are you standing there, Engr. Acosta?” tanong ko at saka ngumisi nang makitang kumunot ang noo n’ya. “Did you just fail to follow your 3 meters rule?” pasimpleng pang-aasar ko pa kaya kitang-kita ko ang pagsasalubong ng malalago n’yang kilay.
“I am just standing here because I couldn’t hear you,” paliwanag n’ya na salubong na ang mga kilay. “Stop twisting my words and just get to your damn point! I've got a lot of things I need to sort out today!” mukhang iritado ng paliwanag n’ya kaya hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha n’ya.
Ngayon lang yata ako nakakita ng lalaking halos sumisigaw na at lahat at iritado pero ang gwapo pa rin! Gosh, Siob! Nababaliw ka na talaga porke’t ilang taon ka ng walang kiss man lang!
Tumikhim ako at saka ipinagpatuloy na ang sinasabi pero panay ang kontra n’ya sa sinasabi ko at sinasabing hindi priority ng may-ari ang views sa labas kundi ang whole interior lang ng restaurant.
“They wanted to reduce the cost of the whole building. Sa tingin mo maglalabas pa sila ng budget para lang sa additional designs na sinasabi mo?” paangil n’yang sagot kaya hindi ko naiwasang tumayo na rin kaya hindi nakaligtas sa paningin ko ang ginawa n’yang pagsimangot dahil sa ginawa kong paglapit sa kanya.
“This is why I am trying to negotiate with you. I want you to hear the whole plan first so that you can directly tell it to the owner. Maaaring gastos lang ang additional designs na sinasabi ko para sa exterior designs ng buong restaurant sa ngayon, but in the long run, it will be beneficial to them. I’m telling you–”
Itinaas n’ya ang isang kamay n’ya at saka umatras ng konti palayo sa akin.
“I got it! I got your point, Architect Pareñas. And I will ask the owner about it but don’t expect that he will say yes to your proposed designs,” nakairap na sagot n’ya kaya hindi ko na naman maiwasang asarin pa s’ya lalo. Nanliliit ang mga matang naglakad ulit ako palapit sa kanya kaya gano’n na lang ang pag-iwas n’ya sa akin kaya lalo akong natatawa! “Just… stay there. I can hear you from here,” reklamo n’ya kaya kagat ang ibabang labing tumigil ako sa paglapit at tumango.
“Make sure to inform me within this day,” mahinang-mahina at halos bulong na lang na sabi ko kaya kumunot ng todo ang noo n’ya.
“Pardon?” tanong na naman n’ya kaya tumitig ako sa kanya at saka bumuntong hininga.
“Ang sabi ko…” sambit ko at nagsimulang humakbang na naman palapit sa kanya. Hindi s’ya nagtangkang umatras at mukhang gusto talagang marinig ang sinabi ko kaya mas lalo pa akong lumapit sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ginawa n’yang mabagal na paglunok nang tuluyang makalapit ako sa kanya. “Inform me within this day,” bulong ko na tumingkyad pa para bumulong sa kanya. He immediately stepped back while looking at me, annoyed! Ngumisi ako at tinaasan s’ya ng kilay.
“Do you really have to whisper that to me, Architect Pareñas?!” iritado n’yang sita dahil sa ginawa ko. Nakahawak s’ya sa tenga n’ya na binulungan ko at masama ang tingin sa akin. Nakahalukipkip na tiningnan ko lang s’ya bago sumagot.
“Your repeated pardons irritates me so much so I made sure you won’t make me repeat myself again,” nakataas ang kilay na paliwanag ko. Yumuko ako para pulutin ang bag ko bago s’ya muling hinarap. “See you later then?” paalam ko pa at saka sinubukang abutin ang tenga n’ya pero iritadong iniwas n’ya ‘yon sa akin kaya natatawang iniwanan ko na s’ya doon.