Chapter 1

2655 Words
MAYBELLE “Hello Philippines and hello world!” nakangiting bati ko sa aking ina, ama, at nakatatandang kapatid. Napansin kong babatuhin ako ng unan ni Kuya kaya agad akong umiwas eh kaso mo, may kasunod pala, ayun sapul yung mukha ko. Nakakaiyak, sinasadista na ko ng kuya ko, sinasadista pa ko ng pinsan ko. This is such a crule, cruwel, crul, ano nga bang spelling non? Wag na nga lang, basta isa itong malupit na mundo. Malulupit sa mga kagaya kong magaganda at matatali--, maabilidad na lang! “Kuya naman eh! Masakit yon ha!” naiiyak na sabi ko. “Ang aga-aga kase yang pangit mong mukha yung nakikita ko, tapos ang aga-aga nakagown ka dyan!” natatawang sabi nito. Oops, alam kong magtatanong kayo kung bakit ako nakagown. Sabi kasi nung isa naming friend, may audition daw para sa PBB season 7. At dahil matagal ko nang pangarap maging artista, kailangan kong mag-audition ngayon. At dapat makapasok ako. Kaya nga umeffort akong magsuot ng gown eh. Kahit ang kati-kati nito. San naman kaya to nirentahan ni Tasing! At kung itatanong nyo din kung bakit hindi na lang ako humingi ng tulong kay Carlo, kay Jordan, at Justine, ay dahil yun sa pride ko, gusto ko sumikat ako dahil sa sarili kong pagsusumikap at hindi dahil may tumulong sakin. “Mengmeng, andito na sa baba yung mga kasama mo. Bumaba ka na dito” narinig kong tawag ni Mama. Eto namang si Mama, sinabi ko nang wag na wag na nya kong tatawaging Mengmeng eh, hindi na ko bata no, ang bantot nung pangalang yun eh! At dahil magiging artista na ko, mas gusto kong Belle or Bella na lang yung itawag nila sakin para mas may class naman. “Hoy Meng! Andun na daw yung mga kaibigan mong sila Tasing, Pining at Juling na kasingbaho mo yung mga pangalan.” Pang-aasar pa ni Kuya Ace. Opo mga kaibigan, may iba pa kong kaibigan bukod sa pinsan ko, friendly kasi ako, hindi tulad ni Klarisse na mas gusto pa ata magpakamongha sa bahay nila at titigan lang yung posters ni Jordan sa kwarto nya. Laging sinasabi ni Klang na tsismosa daw kaming magkakaibigan pero hindi po totoo yon. As in! Curious lang po kami sa mga bagay-bagay. “Ang sama mo Kuya! Palayaw lang naman namin yung mga yon, magaganda kaya yung totoong pangalan namin.” “Asus, san ba kayo pupunta? Hindi pa naman May ah!” “May?” “Eh mukha kasi kayong magflores de mayo eh.” Natatawa pang sabi ni to. “Ha ha ha, nakakatawa Kuya!” “Nakakatawa talaga, yang mga itsura nyo! San ba talaga yung punta nyo?” “Mag-aaudition kami para sa season 7 ng PBB.” Sukat don ay humagalpak sya ng pagkalakas-lakas, at naglulupasay pa sa sahig habang tumatawa. “Ano namang nakakatawa kuya?” tanong ko sa kanya. “Mag-aaudition kayo ng ganyan yung suot nyo?” sabi pa nito habang tumatawa pa rin. “Ano namang masama dito sa suot ko?” “WALA! Ang ganda-ganda nga eh” natatawang sabi pa rin nito. “Teka, kasama nyo ba si Klarisse sa pag-aaudition?” “Nope! At hindi nya alam to kaya please lang kuya, wag na wag mong makkwento to kay Klang dahil pagtatawanan nya ko ng bongga!” ”Papano ko naman masasabi sa kanya eh hindi naman kami nagkikita non? Mula ng magkalovelife eh hindi na natin mahagilap!” “Sinabi mo pa kuya! O sya sige aalis na kami, wish me luck na lang!” “Sigurado ka ba dyan? Papano kung may question and answer dyan?” tanong pa ni kuya na halatang nagpipigil ng tawa. “Wala ka bang tiwala sa talino ko kuya?” “M-meron, at sigurado kong dahil sa talino mong yan, magugustuhan ka ng mga judges don, malay mo, maging official housemate ka pa!” Iiling-iling na bumaba na lang ako para puntahan na yung mga kaibigan ko. Excited na ko para sa audition namin eh. Malay nyo naman eto na ang maging susi para sumikat ako at hindi na sumunod-sunod na lang sa gusto ng magaling kong kuya at pinsan. Pasasaan ba’t sila naman yung susunud-sunod sakin. Sabi nga sa isang movie na napanood ko ‘Bukas, luluhod din ang mga tala’. “Meng!” nakangiting salubong sakin ng mga kaibigan ko. Aray ko! Bat ba gustung-gusto nila yung pangalan na yon? “TASING, PINING, JULING, ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na Belle na lang or Bella yung itawag nyo sakin. Papano na lang kung magiging artista na ko, ganun pa rin yung tawag nyo?” naiiling na sabi ko sa kanila. “Belya? Hindi ba parang si Belya Plores ka non?” tanong ni Juling. Harujosko, maniniwala na talaga ko sa sinabi ni Klarisse na birds of the same feathers are all birds, with the same feathers! Ginawa pa kong kontrabida ng babaeng to. Hindi ko naman sinabing Belya eh, ang sabi ko Bela, para yung nasa movie na , twi, tway, twaylayt na lang para mas madaling isulat. “Juling, ang sabi ko Bella, hindi Beyla!” “Eh diba pareho lang yon?” “Magkaiba yon! Nilagyan mo ng letter Y yung sayo ungas!” batok dito ni Tasing. Ngumiti naman ako kay Tasing. Buti na lang talaga, merong medyo nakakainitindi sa mga kaibigan ko. “Ang sabi nya kase Bila! Hindi Bilya!” pabisayang sabi nito. Ok, binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Pero guys, hindi talaga ganyan magsalita yang babaeng yan, wala lang sigurong magawa sa buhay. “Tsk tsk tsk” rinig kong sabi ni Pining. Ayun, siguro naman etong isang to, tama na yung sasabihin na pangalan. “Mali naman ayo eh, ang sami nya, Mella! hinni Melya” naiiling na sabi nito. Oo nga pala, medyo may problema nga pala sa pananalita si Pining, pero wag kayo ha, mahal na mahal ko tong kaibigan ko na to. Sobrang bait kaya at supportive nito. Bigla kaming nakarinig ng malakas na tawa galing sa likod. Napasimangot ako nang makita kong naglulupasay don si Kuya Ace, bwisit na yon, nakikinig ng usapan ng may usapan! Agad kong hinila palabas yung mga kaibigan ko. “Magtataxi ba tayo?” tanong ko sa kanila. Wala naman kasi kaming sasakyan eh, kaya nga lagi na lang akong sumasabay kay Klarisse noon kase sya yung may tsekot. “Girls girls, wag kayong mag-alala, pinaghandaan ko tong audition natin na to kaya nagrent na agad ako ng pwede nating sakyan. “ nakangiting sabi samin ni Tasing. Namilog naman yung mata naming tatlo. “Wow, ang bongga mo talata Tasing! In fairview sayo ha, hindi ko inexpect na gagawin mo to!” “Syempre naman, ako pa?! Hindi naman ako papayag na nakagown tayo tapos magtataxi lang tayo, dapat grand entrance tayo don!” mayabang pang sabi nito. Napapalakpak naman yung dalawa pa naming kasama habang napayakap naman ako kay Tasing. Grabe, hindi ko talaga inexpect to. “O eto na pala eh” nakangiti pang sabi nito. Noon may tumigil sa harap namin na isang kotseng kulay itim. “Wow taray Tasing, ang ganda nito ah! Magkano mo to nirentahan?” sabi ko habang sinisipat-sipat yung sasakyan. Takang tumingin samin si Tasing. “Huh? Pinagsasasabi nyo dyan? Wag nyo ngang galawin yan at baka magalit pa satin yung driver nyan” sabi nito. “Eh diba eto yung sasakyan na nirentahan mo?” “Hindi yan no! Ayun” sabay turo nito sa gilid ng kotse. Sabay-sabay naman kaming lumingon nila Juling. “Yan?!!” sabay-sabay naming tanong. “”Ahuh, Mang Tunying at your service” sabi samin nung driver nung sasakyan. “Tricycle? Tricycle yung nirentahan mo?” mahinang tanong ko kay Tasing. “Oh yeah, buti nga binigay sakin ng mura ni Mang Tunying yan eh. 300+hopyang baboy keri na daw yon! At hatid-sundo pa tayo ha!” pagyayabang pa nito. Naiiling na pumasok na lang ako sa loob ng tricycle. Wala na rin naman akong magagawa eh. Sana pala sinabi ko na lang kay Klang. Baka sakaling napakiusapan ko pa yun na sya na lang yung sumama sakin. At least hindi ako nasstress ng ganito. Pero huli na ang lahat. Eto na, binabaybay na namin ang daan habang ang sakit sa tenga ng tunog ng tricycle na to. May sinasabi sakin si Juling pero hindi ko maintindihan dahil bukod sa ingay na kanina ko pa iniinda, hawak-hawak ko pa yung gown ko at yung buhok ko na kanina pa nililipad ng hangin. Himala na lang siguro kung dadating kami sa abs-cbn na hindi pa ko hagardo versoza! At tulad ng inaasahan ko, ang gulo na ng buhok kong inayos ko pa ng bongga! Nagparebond pa ko kahapon at natulog ako ng nakaupo para hindi magulo tong buhok ko tapos ganito lang yung mangyayari? Kasalanan lahat ni Tasing to eh! Dali-dali ko silang inutusan na pumila dahil pang number 3000+ na yata kami. Pagkakuha ko ng number ko, nagpaalam muna ako na pupunta sa restroom dahil kailangan ko pang ayusin tong buhok ko. Nasa may pinto na ko ng restroom nang biglang tumawag si Klarisse. “Nasan ka?” tanong nito. “Bakit?” “Nasaan ka nga?” “Kasama ko sila Tasing” “Punta ka dito sa bakeshop.” “At bakit? Di mo ba narinig yung sinabi ko? Kasama ko sila Tasing” “Parrot, alam kong wala namang kakwenta-kwenta yang pinaggagagawa nyo ng mga kaibigan mong yan kaya pumunta ka na dito!” “No!” “Sige na, ayokong magbantay dito sa bakeshop maghapon” “Bahala ka, busy ako, bye” Yun lang at pinindot ko na yung end call. Grabe, ang tamad talaga ng babaeng yon. Yun na nga lang yung gagawin nya, kinakatamaran pa nya. Naiiling na pumasok na lang ako sa restroom at nag-ayos. Grabe, ang tigas tuloy nitong buhok ko, papano ko aayusin to? “No Mom! I don’t wanna go home!” bigla akong may narinig na nagsalita out of nowhere. Huh? Parang familiar yung boses na yun ah! Paglingon ko sa likod ko, may nakalock na isang cubicle. Baka dun nanggagaling boses na naririnig ko. “He’ll just ask me to marry Carlo! For God’s sake Mom, I’m not inlove with him! ” narinig ko pang sabi nito. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos. Ano yun parang arranged marriage lang? Uso pa pala ngayon yon. Baka Chinese si Ateng nasa cubicle. Pero hindi naman sya boses Chinese. Iba yung pagkakaslang nya eh, chutchal! “No please, don’t tell him that I’m currently working here sa company ni Uncle, please mom. I’m begging you” parang naiiyak pang sabi nito. Taray, marunong pala syang magtagalog. Parang..Parang.. Argh! Bat ba hindi ko matandaan?! Kawawa naman tong si babaeng to, hindi man lang sya makakaranas ng ‘true love’ kung matutuloy yung sapilitang pagpapakasal ng magulang nya sa kanya sa lalaking hindi naman nya mahal. Oh well, kebs ko ba naman dito kay Ate. Basta ako, pag naging artista na ko, pipilitin kong mapalapit kay Coco Martin para kaming dalawa yung magkatuluyan. “Are you sure? Fine I believe you. Thanks Mom. I love you and I miss you so much, can’t wait to see you again” narinig ko pang sabi ni Ate. Pumasok agad ako sa isang cubicle nang maramdaman kong palabas na sya. Ayoko namang malaman nya na may nakikinig sa usapan nila ng nanay nya no. Nakakahiya kaya, baka isipin nya, tsismosa ako. Lumabas lang ako sa cubicle nang marinig kong nakalabas na sya sa restroom. Phew! That was close. Ermeyged, that was english! Tiningnan ko muna yung sarili ko sa harap ng salamin bago bumalik sa pila. “Grabe Maybelle, ang ganda mo talaga!” nakangiting sabi ko. O, walang basagan ng trip! Storya ko to kaya dapat maganda ko! Nakangiti akong bumalik sa pila. Napanganga naman yung mga kaibigan ko sa itsura ko. “Wow fresh na fresh ah” sabay-sabay na sabi nito. Nagkibit-balikat lang ako. “Oh well, ganyan talaga pag sadyang maganda ka lang” pa-humble na sabi ko sa kanila. Tumango-tango naman ang mga hitad. See? Umaagree sila? Ibig sabihin maganda talaga ko! Napatingin ako sa mga nasa unahan at nasa likod namin sa pila na nakatingin saming apat at mukhang pinagtatawanan pa kami. “Kanina pa sila ganyan” bulong sakin ni Juling. “Wag nyo na lang pansinin girls, inggit lang yang mga yan” nakangiting sabi ko. Oh well, ayoko namang masira yung araw at beauty ko dahil sa mga inggitera at mga inggitero na nakatingin samin ngayon. At isa pa, hindi naman ako palaaway na tao. Siguro kung kasama ko yung pinsan ko dito, napagsasampiga na nya lahat ng mga nagtatawang yan. Pero ako, nevah! Di ko gagawin yon. Nung nakakita nga ako ng shooting star kagabi, hiniling ko na sana magwakas na ang kasamaan sa mundong ibabaw, na sana mawala na ang mga ganid sa gobyerno, na umamin na si Napoles, na sana maayos na lahat ng daan dito sa Pilipinas para wala ng traffic, at higit sa lahat, world peace. “Grabe naman, halos tatlong oras na tayong nakapila ah!” reklamo ni Tasing. Oo nga, 7am pa lang nandito na kami nakapila, at ngayon malapit nang mag-10am nakapila pa rin kami. Baskil na nga yata ako o. Kanina pa ko paypay ng paypay dito, ubod ng init ba naman kasi nitong suot ko. Pero kebs! Tiis ganda lang mga day! Kailangan kong tiisin to dahil maganda naman yung magiging kapalit nito. Sisikat ako at magiging asawa si Coco Martin! “Nagugutom na ba kayo? May natira pa kasing hopyang baboy dito baka gusto nyo?” narinig ko pang tanong ni Tasing. Nag-agawan naman yung dalawang patay gutom naming kasama sa hopya nya. Ako? Ayokong kumain, kaya ko pa naman. Matitiis ko pa naman tong gutom na to. At hahayaan ko na lang munang kainin ng large intestines ko yung small intestines ko. “Huy Meng, ayaw mo talaga?” tanong ni Juling. Umiling lang ako sa kanya. Eto na naman po kami ng kaka-Meng nya! “Girls konting kembot na lang tayo na o!” masayang sabi ni Tasing. “Ye-ey!” sabi naman ni Pining. Bigla naman akong kinabahan. OMG this is it! Eto na yon o! Ang katuparan ng mga pangarap ko. I’m gonna be a star! Isa-isang pumasok sa audition room yung mga kaibigan ko. At isa-isa din silang lumabas na umiiling. Hala, grabe naman yung mga judges and critics sa loob. Ang gagaling kaya nitong mga kaibigan kong to. Tsk, papano na lang ako? Parang gusto ko na atang umatras ah! “Number 3015?” narinig kong tawag. Bigla akong kinabahan. Ang bilis ng t***k ng puso ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Number 3015!!” Imbes na pumunta sa audition room. Tumalikod na lang ako at lumakad papunta sa tricycle ni Mang Tunying. Hindi ko kaya. Hindi ko pala kaya. Parang nawala lahat sa isip ko lahat ng mga linyang pinraktis ko kanina. Biglang nablangko yung utak ko. Agad naman akong hinabol nung tatlo. “Anyare?” takang tanong nila. Naiiling na napaiyak na lang ako. Hindi ko rin kasi alam kung ano yung nangyari sakin, ang alam ko kase ready naman ako eh, pero nung narinig ko na yung number ko, biglang nawala lahat. Awang-awa naman akong niyakap ng tatlo kong kaibigan. Hindi ko alam kung dahil naaawa sila sa nangyari sakin o dahil gusto lang nila kong takpan dahil ang pangit-pangit ng itsura ko pag umiiyak ako. Wala na, wala na talagang pag-asang sumikat ako. Nakakalungkot lang talaga! Hay nako Maybelle dahil sa kaduwagan mo, habang buhay ka na lang magiging sidekick ni Klarisse. T_T
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD