Prologue
MAYBELLE
“Nasaan ka na ba kase?” inis na tanong ko sa magaling kong pinsan. Ang usapan kasi namin, magkikita kami dito sa park ng 10am, pero 11am na, wala pa sya. Lagi na lang sya ganito, sasabi-sabihan nya ko na wag male-late pero sya naman lagi yung late.
“Malapit na” sagot nya sakin.
“Malapit nang ano? Malapit nang umalis ng bahay?”
“Di no!”
“Eh ano?”
“Malapit nang matapos maligo”
“ANO?!!!!!” sigaw ko dito.
“Chos lang parrot! Makasigaw ka naman wagas! Mga 10 minutes nandyan na ko, na-traffic lang ako!”
“Sa susunod KLARISSE, wag na wag kang magsasabi ng oras kung hindi mo naman kayang sumunod!” inis na sabi ko.
“Eto naman, minsan lang naman to”
“Minsan? Eh halos araw-araw ginagawa mo sakin to ah!”
“Ang OA, hindi naman, every other day lang.”
“Bahala ka na nga sa buhay mo! Bilisan mo na lang dyan.”
“Oo na. Magsight-seeing ka na lang muna dyan” narinig kong sabi nito bago ko pindutin yung ‘end call’.
Wow ha! Sight-seeing? Ano namang makikita ko sa park na to? Mga yaya na inaalagaan yung mga alaga nila? O kaya sila inday at koya na nagdadate? Eh baka lalo akong mastress pag pinanood ko yung lampungan nila. *sigh*
Naiinis na umupo na lang ako sa isang bench don. Naku kang Klarisse ka! Pasalamat ka takot ako sa kasadistahan mo! Kung nde, baka kanina pa ko umalis dito!
Nakakainis lang kase, may surprise daw sya para kay JT mamaya at ngpapatulong mag-ayos sakin, 2 years na daw kasi sila, magcecelebrate lang ng anniversary dito pa sa park na to, ang chipipay at ang kuripot talaga ni Klang. Pano ba naman last year, may surprise din syang chemberlu chulalu kay JT, pero wag ka, isaw lang at kwek kwek yung pinakain nya sa girlfriend nya, at eto pa, ang plano ni JT non mag-disneyland sila o kaya universal studios, kasi nga naman daw, 1st year anniversary nila, ayun si Klang na kuripot, sa Enchanted Kingdom na lang dinala si JT.
Natigil lang ako sa pagmumuni-muni nang may lumapit saking isang magandang babae, pero guys, mas maganda pa rin ako, hindi naman sa pagmamayabang ha!
“Miss, is this seat taken?” tanong nya sakin habang nakaturo sa tabi ko.
Harujosko, inglisera si ate, at isa pa, hindi ba nya nakikita na mag-isa lang ako? Ano to, may katabi akong imbisibol?
Tsk, sabi ng mentor ko non, pag tinanong ka ng english, sagutin mo din ng english, sign daw kasi yun ng respect. At dahil marespeto kong tao, kailangan kong mag-english ngayon.
“Nope. I’m all by myself anymore” panggagaya ko dun sa paborito kong kanta nung bata ako.
Napangiti naman sya bago umupo sa tabi ko.
“Thanks” sabi pa nya.
Tumango lang ako sa kanya dahil ayoko nang humaba yung usapan namin. Baka mapaenglish ako ng bongga dito tapos bigla na lang akong maubusan ng dugo.
Tumingin-tingin na lang ako sa paligid ko habang hinihintay yung 10 minutes DAW na sabi ng pinsan ko kanina. Pero naman, 15 mins na yung nakakalipas o, wala pa rin sya.
Nanlaki yung mata ko nang mapansin na medyo nagmmake out sila inday at koya dun sa may puno. Iniwas ko agad yung mata ko sa malalaswang taong yon at napatingin sa magandang katabi ko na MAS maganda naman ako.
Napatingin din sya sakin sabay ngiti. Ngumiti lang din ako sa kanya. Ayoko nga kasing magsalita, ayokong umingles!
“Hi, my name’s Clarence, but you can call me Rence” pakilala nya sakin.
“Maybelle” maikling sagot ko. Sana mapansin nya na wala ako sa mood makipag-usap sa kanya diba?
“Oh, I like your name, it’s pretty cool” nakangiting sabi nya.
“Thanks!” o diba paiklian lang ng sagot no?
“Are you from here? I mean from this city?” tanong pa nya.
Naku naman, ayaw tumigil o!
“Yes” sana lang talaga lahat ng tanong nya answerable ng yes or no! hahaha!
“Cool. So, are you waiting for someone, like your date or something?”
Si ate o, ayaw talaga kong tigilan ng mga tanong. FC to!
“Yeah, I’m waiting for my cousin” hoo! Tama yung sagot ko o! Buti na lang nakinig ako sa turo ni Mrs. Punungbayan nung grade 5 ako, kahit papano, nakakasagot naman ako ng english, chos!
“Oh I see.”
Tumango-tango lang ako sa kanya. Siguro naman tapos na yung pagtatanong nya no?
Nagulat ako nang bigla syang sumeryoso at biglang nagkwento.
“Know what, this is not the first time I’ve been to this park. Well my childhood friends and I used to visit this park almost every day. We would play and goof around till we're tired. We love this place so much.” Kwento nya na parang inaalala lang lahat ng mga pinaggagagawa nila nung bata pa sila nung mga kaibigan nya.
“Ah” yun lang yung nasabi ko. Eh hindi ko nga masyadong naintindihan yung kwento nya eh, saka ayokong magcomment, english dapat eh. Hindi naman nya maiintindihan kung tatagalugin ko sya.
“Yeah, up until college days.” Sabi pa nya.
Tumango-tango lang ako. Bigyan ko kaya sya ng piso tapos hanap sya ng ibang kausap? Di ko talaga sya feel kausapin eh. Nakakanosebleed kase!
“I’m sorry, am I making you feel uncomfortable? Did your mom tell you not to talk to strangers when you were a kid?” nakangiting tanong nya.
Napangiti naman ako sa kanya. May sense of humor naman pala tong si ate, englishera nga lang.
“Nah, it’s just that I’m so annoyed right now. Uh, my cousin and I agreed yesterday to meet here at 10am but it’s almost 12nn and she’s still not here. She’s always like that! Making me wait for her for hours! Tsk!” OMG! English yon! Malapit na kong maubusan! Ilang words din yon! Tissue please, tissue! Dudugo na yung ilong ko!
“Oh I see. That’s not nice”
“I know right!” maarteng sabi ko.
Napatawa naman sya sa reaction ko.
“Ang kulit ng mukha mo” natatawang sabi nya.
Bigla namang nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi nya. Anak ng tatlong tokwa naman o! Halos magkandabulol bulol at magkanta ubos-ubos yung dugo ko tapos marunong naman pala syang magtagalog! Linshak na babae to o!
“M-marunong kang magtagalog?”
“Oo naman.”
“Eh diba porenjer ka?”
“No! Pinay ako, well, half British pala, since British yung dad ko, pero dito ko lumaki sa Pinas. Diba kakasabi ko nga lang na lagi kami dito sa park na to nung mga friends ko mula nung bata kami hanggang nung nasa college na kami” Oo nga naman Maybelle, bakit kasi shushunga-shunga ka! Bat hindi mo agad naisip yun! Kaya ka nasasabihan ng slow eh.
“Eh bakit ka english ng english?”
“Wala lang, sanay lang ako” natatawang sabi nya.
“Nakakaloka ka! Muntik na kong maubusan ng dugo sayo!”
“Sorry, ahm, and bakit ka naman mauubusan ng dugo?” tanong nya. Noon biglang tumunog yung phone nya. Sinagot nya ito at pagkatapos ay humarap sakin. “Oh I have to go na.” paalam nya sakin.
Kalowka, bat kailangan pang magpaalam, di naman kami friends no! duh!
“Kthanksbye” sabi ko sa kanya.
Nakakastress sya, pinahirapan pa nya kong mag-english eh nagtatagalog naman pala sya. Ugh! Sarap batukan eh. Nako, pasalamat sya at ako yung nakausap nya at hindi si Klarisse, dahil kung si Klang yung nasa katayuan ko ngayon, may konyat sya don!
Nagulat ako nang maramdaman na may humalik sa pisngi ko. Nakangiting mukha ni Clarence yung nalingunan ko.
“Thanks Maybelle. Salamat sa pakikinig” yun lang at tumayo na to at lumakad palayo.
Naiiling na sinundan ko lang sya ng tingin. Napahawak na lang ako sa pisngi ko na hinalikan nya.
Ang weird nung babaeng yon, FC na, basta-basta pa nanghahalik. Ano to, ginagawa nya din sa ibang tao na kakakilala nya lang? Psh!
“Hoy! Bat ka nakatulala dyan?” rinig kong sabi ni Klarisse.
Inis na humarap ako sa kanya.
“Kasalanan mo lahat to! Bwisit kang Klarisse ka!” mataray na sabi ko sa kanya sabay walk-out!
Kung hindi kasi sya na-late, eh di sana hindi ko makikilala yung babaeng yon, sana hindi ako nanosebleed at sana hindi ako nanakawan ng halik sa pisngi! Tsk!