chapter 4

2005 Words
Cane pov. Nagagalit ako sa sitwasyon ko ngayon lalo pa't kaharap ko ang amang tinuring ako bilang isang basura. Pagkatapos niya kasi kaming makita sa hindi kanais-nais na tagpo ay hinayaan niya kaming magbihis at pinababa sa sala. Napakagat ako ng ibabang labi dahil Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang dali ko lang magpadala sa pang-aakit ng lalakeng nasa tabi ko, I am stupid! Kasi hinayaan kong mawala at malunod sa emosyon at pagnanasa na hindi ko alam kung paano ko naramdaman "Ano ang plano n'yo?" Malamig na saad ni Mr. Richeliu napangisi ako sa sinabi nito anong sinasabi niyang plano? Walang dapat na gawin, its just s*x and I know there's something in here, they are trying to trap me at hindi ko iyon hahayaan, nakakagulat nga lang na sumulpot ang ama ko sa oras pang may nagaganap sa'min at sa bawat tinginan nila ay alam kong may nagaganap na plano. "What do you mean old man? Ayy alam ko na kung ano! You and this man is planning to trap me in this web that you both made. Dapat nga kayo ang magsabi, ano ba ang plano n'yo?" Tiningnan ko sila ng mapang-uyam kasi anong karapatan nilang paglaruan ako at pagkaisahan? "So alam mo pala Cane kung anong nangyayari? Pero paano ba 'yan wala kang choice kundi sumunod ngayon." Sabi ng Mr. Richeliu, I gritted my teeth and look at them with rage. Hindi man lang sila tumanggi bagkus inamin agad nito na sila ang may pakana kaya nangyari ang mga ito, na lahat ay gawain nila para makulong at matalian ako nila. "And I told you na kailanman hindi ako susunod!" Galit na usal ko at nakipagtagisan ng tingin sa matandang kaharap ko, lintik lang ano ba akala niya sa akin? Manika na nabibigay lang kung kani-kanino? "We have an agreement remember?! You will handle the company and you need to make sure na hindi ka matatalo kay Kaino pero ilang taon na ang lumipas pero pumapangalawa ka lang sa kaniya kaya tuparin mo na ang napag-usapan natin." Napatiim bagang ako sa sinabi nito sabi ko na nga ba. This is all part of the plan they are trying to lock me in this f*****g hell hole. "I never say yes REMEMBER?! At 'di ba ginawa mo 'yang agreement na 'yan sa anak mo? Kaya bakit nasali ako riyan 'di ba nga hindi mo ako anak? " Tatayo na sana ako pero hinawakan ako sa braso ni Kaino at pinigilan akong tumayo kanina pa ito hindi nagsasalita at bakit ngayon lang ito umimik. Ahh oo nga pala nasisiyahan ito sa napapanood nito. How I was treated as a product ready to give a way by my own father, gustong-gusto nito ang nangyayari at baka nga pinagtatawanan na ako nito. "Respect your dad Cane! Hindi kana ba nahiya?!" Mariing saad ni Kaino kaya tiningnan ko ito gamit ang nagyeyelo kong tingin. My dad? Kailan pa? He is not my dad! Baka ama niya? Dahil siya naman talaga ang gusto ng ama ko 'di ba? kaya edi sila magsama. kailanman hindi ko nakuha ang respeto na nararapat bilang ako ay isang anak pero ngayon gusto niyang respetuhin ko itong matandang 'to bilang ama ko? "Wala akong ama! Nawala ito kasabay nang pagkawala ng ina ko at 'yang kaharap natin ay ama mo lang dahil umpisa pa lang ay ikaw naman ang gusto niyan!" Napabaling ang mukha ko ng maramdaman ko ang isang malakas na sampal, napatulala ako sandali saka nilingon kung sino man ang gumawa no'n and it's no other than my father. Ramdam ko ang hapdi at ang pagtulo ng kung ano sa gilid ng aking labi. Itinaas ko ang daliri ko at pinunasan ang gilid ng labi ko at ng tingnan ko kung ano 'yon ay hindi ko mapigilan na ngumisi because it's blood. Isang likidong naging bahagi ng pang-araw araw kong buhay. Dugo na lagi kong nakikita, dugo na minsan hindi ako kinikilala. I am no one but blood is my friend na laging gumugulo sa buhay ko. But blood is a traitor, kahit pamilya ay traydor, kahit pamilya at kahit ang dugong dumadaloy sa katawan mo ay hindi mapagkakatiwalaan. "Cane?" Sinubukan hawakan ni Kaino ang mukha ko pero iniwasan ko ito at tiningnan ang ama ko na hanggang ngayon ay nag-iigting ang panga sa galit. "Did I hit a nerve MR. RICHELIU? Bakit ba ako ang pinipilit mong magpakasal diyan sa anak mo? Diba dapat huwag ako dahil noon pa man tinatawag mo ko bilang salot sa pamilya mo at sa buhay mo gugustuhin mo pa bang mapasali pa akong muli sa pamilya mo? Tinakwil mo na nga ako pero ngayon pinapabalik mo ako?" Parang may gustong kumawalang emosyon sa puso ko. Matagal ko iyong tinikis pero ngayon parang gusto nitong lumabas. 'Yon ay ang sakit, sakit na ang nag-iisa ko sanang pamilya ay hindi man lang ako matanggap dahil lamang sa nangyari noon. "Tama na Cane." Mariing saad ni Kaino ngunit hindi ko ito pinakinggan. Sino ba siya para sabihan akong tama na? sino ba siya para patigilin ako sa pagsasalita? "Akala mo ikaw lang! Iniisip ko rin na ako ang salot! Kung hindi lang sana ako bata noon sana nakatulong ako kay mama kung sana hindi ako tumakbo ng sinabi niyang tumakbo ako at lumaban na lang ako para sabay kaming namatay hindi sana ako ngayon nagdudusa. Sana namatay na lang din ako! Sana ako na lang ang andoon hindi si mama. Alam mo Sawa na ako magmalimos ng pagmamahal sawa na ko na may sakit na dinadamdam! Gusto mo kong maghirap?! Pwes matagal na kong nahihirapan habang pinagmamasdan ang ama ko na mas masaya pa kasama ang ibang anak kaysa sa tunay na nangggaling sa dugo't laman nito!" Nakatingin lang sila sa'kin na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. Minsan lang ako magsalita, Minsan kasi susubukan ko rin na ilabas 'tong sakit na nararamdaman ko kasi ang hirap magpanggap. "Sinubukan kong bumawi sinubakan kong tuparin ang lahat ng gusto n'yo! Pero ni hindi ko narinig na sabihin mong proud ka sa'kin. Ni minsan wala akong narinig na mahal mo rin ako na namimiss mo rin ako bilang isang anak at ano? Gusto mo akong madusa? Kaya gumagawa kayo ng plano 'di ba? Sige ibibigay ko ang gusto mo! Kung pwede nga patayin mo na ako pero oo nga pala gusto mo muna akong makita na nasasaktan sige pagbibigyan kita sana hiningi mo na lang hindi gumawa pa kayo ng ganitong plano. ibibigay ko naman kasi noon pa gusto ko rin parusahan ang sarili ko." Tiningnan ko sila ng deretso sa mga mata hanggang sa matapang kong hinarap ang ama ko. I glared at him before smirking "I'LL MARRY HIM I HOPE YOU ARE HAPPY." Pagkatapos ko iyong sabihin ay lumakad na ako papunta sa pinanggalingan namin kaninang kwarto iniwan ko silang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Nanghihina at naginginig ang mga tuhod ko dahil sa mga nangyari ngayong araw na ito. Napahawak pa ako sa aking dibdib ng maramdaman ko ang sakit doon at tila may kung anong likido rin na dumadaloy mula sa aking mga mata kaya nagulat ako dahil sa haba na ng taon na lumipas ngayon lang uli ngayon lang ako muling umiyak at wala pa ring pinagbago sila pa rin ang rason nito. Pagdating ko sa kwarto agad na napaupo ako sa kama. Nakakatawa lang na hinayaan ng sarili kong ama na kidnappin ako at gamitin ng lalake na ni hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko para akong bagay na gusto niyang kontrolin. Hindi ko alam kung bakit Parang may sariling isip ang mga mata ko at patuloy lang sa pagluha. Napapangiti naman ako dahil tila hinuhugasan nito ang maskarang meron ako, maskarang kahit ako mismo ay hindi alam paano ko matatanggal. Paano ko nga ba matatanggal itong walang kaemo-emosyon na maskarang meron ako? "Princess gusto ko paglaki mo gawin mo ang lahat ng gusto mo hindi kita pipilitin sa ano mang ayaw mo kung saan ka masaya ay roon ka dapat." Nakangiting itinaas ko ang laruan kong baril at iniharap dito iyon kaya natawa ito "Papa gusto ko paglaki ko magiging alagad ako ng batas proprotektahan ko ang lahat ng tao syempre pati kayo ni mama." Tumango ito at masayang-masaya ako nitong pinapanood. "Naku kayong mag-ama talaga at ikaw little ball of my happiness hindi ko hahayaan na hahawak ka ng baril. Naku aatekihin ako sa puso habang tinitingnan ang anak kong inilalagay ang buhay sa bingit ng kamatayan." Nagpout ako sa sinabi ni mama habang ito naman ay nakangiti lang habang nilalapag ang mga pagkain sa mesa. "Naku oo nga naman princess pero gusto ko abutin mo ang pangarap mo at andito lang kami susuporta sa'yo dahil love na love ka namin, 'Di ba mahal?" Lumapit si mama sa amin at niyakap kami. "Syempre mahal na mahal ka namin.." The memories are keeps on playing in my mind those are the happy moments. Ngunit agad na nawala ang ngiti ko na nakapaskil sa aking labi ng bigla itong napalitan ng bangungot. "b***h! f**k you! Ahh! This is great!" thos scenes that makes me feel pain. Hinawakan ko ang ulo ko at pinukpok iyon.  "T-ama na.. t-ama na..." Gusto ko matapos na ang sakit ayoko na marinig ang mga ingay na iyon natatakot ako parang babalik ulit sila parang gagawin nila ulit at hindi ko na kaya panoorin na maganap iyon dahil sobrang sakit. "G-greg p-please.. tama na." Para akong mamamatay sa sakit habang pinapanood lang ang mga nangyayari. He hurt my mom and treat her like a rug! Blood are dripping from her wounds. I promise to protect my family but here I am watching how they hurt her! Tila sa dilim ay nakulong ako at kita ko ang lahat na tila nanonood ako ng sine. Bawat mga tawa, bawat hiyaw ng ina ko ay rinig ko.  I want to run and save her. I really want to pero parang bumalik ako sa pagiging paslit at nagsumiksik ako sa gilid takot na makita ako, nagtatago na parang isang mahinang nilalang na ano mang oras ay mahuhuli at mapagdidiskitahan "Pare dalian mo ako naman." Sinuntok-suntok ko ang binti ko dahil sumasakit ang puso ko dahil sa mga alalang nagsasabing kasalanan ko ang lahat I could have save her but I didn't.  "No! Please.. t-tama na tama na!" May mga bulong sa isip ko telling me na wala akong silbi, dahil hinayaan ko sila! na napakaduwag ko. "Hey Cane! Look at me!" Rinig kong may nagsasalita ngunit hindi ko maintindihan para akong nakakulong sa isang bangungot. "Cane! Anak!" Napaatras ako at napailing-iling.  "No! Huwag itigil n'yo na!! Mama! M-Mama!!" "T-Tama na Greg."  Nagmakaawa ang ina ko pero walang nakinig para silang bingi, bakit ba kay hirap pakinggan ang iba bakit kay hirap humingi ng awa? Bakit kay hirap para sa ibang ituring kang tao at hindi hayop? "Cane?! Hear me my queen." May humawak sa'kin ngunit para akong napapaso at pilit na kumawala rito. I hate those touch na tila tutulungan ako nito, pero hindi lahat sila hindi ako matulungan gaya ko hindi ko rin matulungan sarili ko at ang ina ko. Pipilitin lang nilang kunin ang tiwala ko pipilitin akong paniwalain. No! Baka gawin niya rin sa'kin! Sasaktan niya rin ako. "P-lease.. Stop A-ayoko na." Nanghihina na talaga ako dahil sa Sobrang sakit na nararamdaman ko. 'Run'  Napasabunot ako sa sarili kong buhok, kailan ba ito titigil? Kailan ba sila titigil? "A-anak calm down." Naluluhang napatingin ako sa taong nasa harap ko. Malabo ang nakikita ko ngunit sinubukan ko itong abutin. "P-please.. Stop them.. Magagalit ang papa ko.. p-please Help her..Tulungan mo ang mama ko parang awa mo na.." Hindi ko na narinig ang tugon nito dahil hindi ko na   nakayanan at ginupo na ako ng dilim ngunit bago 'yon narinig ko pang may sumigaw. "P-please.. save her.." Huli kong sambit bago nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD