Chapter 5

1160 Words
Cane pov Nagising ako dahil sa ingay ngunit hindi ko muna minulat ang aking mga mata at nakinig lang sa mga nag-uusap. "Ano doc kamusta ang lagay niya?" Tanong ng ama ko, nagulat pa ako ng marinig ko iyon sa paraan na nag-aalala ito. I almost taunt myself kailan ba nag-alala ito sa'kin? Pero teka ano ba ang nangyari I remember that I said I would marry Kaino pero pagkatapos no'n ay wala na akong maalala saka bakit may doktor? "She's okay now, she just need to rest, but mister I would be honest to you your daughter suffer from PTSD or post traumatic stress disorder. Where in it is a mental health condition that's triggered by a terrifying event  either experiencing it or witnessing it. Symptoms may include flashbacks, nightmares and severe anxiety, as well as uncontrollable thoughts about the event. Pero sa nakikita ko malala na ang trauma ng anak n'yo, as I check her nakita ko ang mga peklat sa pulso nito hindi man masyado halata ngunit napansin ko, maybe your daughter had already tried to commit suicide. Kaya para maiwasan na gawin niya iyon muli please try to avoid from talking about that traumatic event or the person and things that can make her remember it." Para akong nauupos na kandila dahil sa narinig ko ngayon alam na nila that I act like a brave revel but I am miserable, at baka nga masaya na ito dahil nasasaktan na rin ako. Ilang taon akong hindi pinatahimik ng mga bangungot at sumpong na nangyayari sa'kin minsan hindi ko mapigilan na saktan ang sarili ko dahil sa sobrang sakit. I also wish to die ngunit kapag sinusubukan ko sa huli nakikita ko pa rin ang sarili ko na nasa hospital at humihinga pa rin. "So my chance bang gumaling pa siya d-doc?" Narinig kong tanong ni Kaino, tiyak na gusto nitong lumala ako at ng tuluyan na nito maangkin ang lahat ng pag-aari ng ama ko, ayy hindi pala ama pala nito. "Pero hindi ko naman ito napansin-" Napahinto ang magaling kong ama ng agad na nagsalita ang doctor. "Have you observe that in the past your daughter had this Negative feelings about herself or other people, or Inability to experience positive emotions or Feeling emotionally numb and cold?" Namayani ang katahimikan sa buong kwarto I want to scream, plsease don't talk anymore tama na! Ayoko na marinig. Yes I am cold ni hindi ko na nga maramdaman at makilala ang sarili ko, I am a trash kaya bakit pa nila gustong malaman ang kondisyon ko?! "So again mister Richeliu please avoid making her remember the traumatic event at oo nga pala Hindi na ako magtatagal sapagkat may iba pa akong appointments." "Ahmmm thank you Doc." Sabi ni Kaino at nakarinig ako ng mga yapak at pagbukas at sara ng pinto ng kwartong kinalalagyan ko. "Tito, what really happened to Cane? Ang sabi n'yo siya ang dahilan ng pagkamatay ni tita pero bakit---" "She was five when she saw the horrific event where her mother was killed and rape infront of her. I blame her dahil hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko she's there pero bakit hindi man lang niya naligtas ang ina niya?!" I felt my tears fell from my eyes dahil sa bawat salita nito bumabalik muli ang mga alaala, again I want to shout at him to stop pero hindi ko kaya, oo ako na ang walang kwentang anak! "But tito s-she's just a five year old girl paano mo masasabi na kaya niyang protektahan ang ina niya kung sa edad na 'yon ay tiyak na wala pa siyang kaalam-alam?! Tito akala ko may rason kayo na katanggap-tanggap kaya sa'yo ako pumanig but why?! Why are you neglecting your own child?!" Nagulat ako sa narinig kong pahayag ni Kaino, bakit niya ba ako pinagtatanggol? Akala ko ba galit siya, is he planning for something? May naisip na naman ba itong bagong paraan para saktan ako? "Kaino! Akala mo ba Masayang mawalan ng asawa dagdag pang nakikita mo na lumalaki ang anak mo na kawangis nito? Alam mo ba ang sakit na kapag nakikita mo ang anak mo ay nakikita mo rin kung paano nawala sa'yo ang mahal mo? Hindi mo alam Kaino! Wala kang alam because that child of mine is the reason of all my suffering at wala akong pakealam kung may sakit siya!" Naninikip ang dibdib ko sanay man ako na marinig ito lagi mula sa sarili kong ama ay hindi pa rin maialis sa akin ang masaktan nakakatawa lang na akala ko'y nagawa ko nang kalimutan kung paano masaktan pero bakit sa bawat masasakit na salita galing sa sarili kong ama ay parang punyal na sumusugat sa puso ko. "Tito she's still your child, sa tingin mo ba magugustuhan ni tita na tratratuhin mo ng ganiyan si Cane?" Sigaw ni Kaino and f**k! he really knew how to act as if he cares. pero kilala ko ang lalaking 'to wala pa rin itong pakealam sa nararamdaman ko. "Alam kong tulad ko ay nadisappoint din si Lisa sa anak niya! Dahil duwag si Cane and she will never be my child! Wala akong anak na duwag!" Nagpabalik-balik ang sinabi nito sa utak ko siguro nga duwag talaga ako, I've been brave and act as if I'm okay pero sa huli lumalabas pa rin ang kahinaan ko, hindi naman talaga ako matapang dahil tinatago ko lang ang tunay kong personality sa maskarang ako mismo ang bumuo, in this way I can act as if  I am a woman who has no problems in life. Pero paano ko ba mapapanatili ang maskarang ito kung patuloy akong hinahabol ng kahapon. "But-" proprotesta sana si Kaino ngunit pinatigil na ito ng ama ko. "Stop! Marry her and make her suffer. Tandaan mo kompaniya ang makukuha mo kapag nagawa mo ang nasa plano natin!" Parang gumuho ang mundo ko, tama nga ako he really plan to hurt me, at kompaniya ang kapalit? I want to laugh and cry he was desperate to kill me in pain. "Yes tito." Sa sinabi nito ay parang bumalik sa aking isip ang sinabi nito noon sa'kin  "Sorry miss pero hindi ako pumapatol sa tulad mong boring. " I am right he will never protect me because he will always remain my enemy not just in business but also in the heart of my own father. "Don't pity her son halika na." Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya agad na minulat ko ang aking mga mata at napatingin sa kisame. "Don't pity her son halika na." "Don't pity her son halika na.." Son? And who am I? Ohh I forgot I am always the stranger and enemy to them.  Hindi pa ba sapat ang sakit? Kulang pa ba? Kung namatay ba ako noon magagalit pa rin ba sa'kin ang aking ama? Kung papatawarin niya naman ako sa paraang 'yon sana namatay na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD