Chapter 11 Andrei's Point of View "P're ano 'tong ginagawa mo?" parang nagigiba ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang sinasabi ko iyon. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. May Ibinulong siya sa akin. Lalo akong kinilig. I was so afraid Now I realize Love is never wrong And so it never dies Ramdam ko ang init ng kaniyang labi sa aking tainga. Kinikilabutan ako sa higpit ng kapit niya sa akin. Tumitigil ang inog ng mundo ko sa tamis ng kaniyang mga sinasabi. Lyrics lang naman man iyon ng kanta, iba pa din para sa akin ang paraan ng pagpapahayag niya. Hindi ko alam kung pinasasakay niya ako, kung biro lang para sa kaniya ang mga narinig kong iyon ngunit ang tulad kong may kakaiba nang nararamdaman, napakalaki ng epekto niyon sa akin. Sabihin mang para sa kaniya, wala lang ang m