Chapter 19 Kyles's Point of View Naging mas mabilis pa sa inaasahan ko ang pagkakatuklas ni Anne ng tungkol sa amin ni Andrei. Iyon yung pinakahuling gusto kong mangyari, ang mahuli kami ni Anne. Hindi ako nakagalaw at hindi din ako nakapagsalita nang makita ko siya sa pintuan. Kaming tatlo ay mistulang bato ngunit. Galit na galit si Anne na lumapit sa amin. "Ano itong ginagawa ninyo? Anong kababuyan ito! Hayop kayo! Ambaboy-ambaboy ninyo!"sigaw niya. Ang luha sa kaniyang pisngi, ang talim ng kaniyang tingin at ang malakas na sampal niya sa amin ang tanging paraan niya para maibsan ang pagkagulat, galit at pagkalito. Wala sa amin ni Andrei ang sumagot. Ni hindi namin nagawang pigilan siya sa kaniyang pagsisisigaw at pagmumura. Hanggang sa napagod siya at umupo sa gilid ng kama. "Best