“THANK you again, Mrs. Paragas. Hindi na po ako magtatagal dahil kailangan ko pang bumiyahe pabalik sa Maynila. Siguradong naghihintay na sa akin ang anak ko.”
“No problem and thank you as well, Mrs. Aguilar. Rest assured that this house will be well taken care of.”
Ngumiti ako at minsan pang nilibot ng tingin ang bahay na iyon sa Laguna. Ito ang una kong naipundar mula nang makabangon ako. Bagaman mahigit sa kalahati ng kabuuang halaga na ginastos ko sa bahay ay galing sa iniwang pera sa akin ni Daddy, maraming pagod at hirap din ang ginugol ko para tuluyang mapasakin ang property. Mabigat sa dibdib ko ang desisyon na ibenta ito pero, kailangan. Wala na rin namang dahilan para panatilihin ko sa aking pangalan ang bahay. Matagal-tagal na mula nnag umalis sa village na ito ang kapatid kong si Jowell pagkatapos na ma-assign ang trabaho sa Cebu City.
“Itinuloy mo pala talaga ang plano mo. Sariling pundar mo ang bahay, Solde. Kailangan ba talagang pati iyon ay mawala?” wika ni Jowell mula sa kabilang linya. Nasa biyahe na ako pabalik ng Maynila at kasalukuyang binabagtas ng aking sasakyan ang EDSA.
“This is what’s best for me and Alf, Jowell. Habang nasa pangalan ko ang bahay, lagi akong magkakaron ng dahilan para umuwi roon. This decision will benefit me and my son.”
“Bakit kasi hindi na lang kayo umuwi sa Bukidnon kay Tita Menchu? O kaya dumito na rin kayo sa Cebu para magkakasama na ulit tayo? Mas magkakaroon ka pa ng pagkakataong makapagsimula nang panibago.”
“Jowell, may sarili ka nang pamilya. Ayoko naman na may makiagaw pa ng atensiyon mo lalo na ngayon na dalawa na ang anak ninyo ni Danna. Don’t worry about us. We’re fine. Kapag gusto kong lumipat na rin ng lugar, magsasabi ako sa'yo."
Narinig ko ang malalim na buntunghininga ni Jowell bago ito muling nagsalita. “Nahihiya ako sa’yo, Solde. Hindi mo siguro maiisip ibenta ang bahay mo kung hindi nawala sa atin ang pre-school at kung hindi ako umalis.”
“Jowell… I’ve told you many times that it’s not your fault. Hindi mo iyon ginusto. Alisin mo sa isip mo na kasalanan mo ang mga nangyari dahil ang totoo… ako ang may pagkukulang kaya nawala sa atin ang pre-school.”
“Mas hindi ko yata matatanggap na ikaw ang may pagkukulang, Solde. You were under a condition that no one wishes to go through. Ako ang mas responsable sa ating dalawa dahil ibinilin mo sa akin ang eskwelahan.”
“Here we go again. Alam mo, isipin na lang natin na hindi lahat ng bagay… nakatakdang manatili sa atin nang pang habangbuhay…” wika ko at humugot nang malalim na paghinga bago nagpatuloy. “At h’wag mong kalilimutan na pera mo ang ginamit natin para maipundar ang pre-school. Ikaw ang totoong nawalan kung tutuusin. I just co-managed it with you. Panahon at pagod lang ang puhunan ko sa pre-school.”
“Kaya nga ako nahihiya sa’yo dahil mas malaki ang hirap mo sa eskwelahan kesa sa akin.”
“Yes, but think just what happened? Umalis kami at iniwan kitang mag-isang nagpapatakbo ng eskwelahan.”
“You had a valid reason for leaving then, Solde. Para sa pagpapagamot ni Alonzo. Kahit sinong magulang, iiwan ang lahat para unahin ang kapakanan ng anak niya.”
“Tama ka. Pero tama na ang paninisi mo sa sarili at h’wag mo nang isipin kung ano ang mga... n-nawala. This is life. Pagtuunan na lang natin ng pansin kung ano ang meron pa tayo.”
Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan ni Jowell bago siya nagpaalam. He hasn’t changed. Nagkapamilya na siya pero, lagi pa rin niya akong inaalala. Lagi niyang iniisip ang bilin sa kaniya ni Daddy. I am blessed for having him as a brother. At bagaman malayo rin si Kuya Sandro na sa ibang bansa na nagtatrabaho, silang mga kapatid ko ang totoong kakampi at takbuhan ko sa lahat ng oras.
Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko pa ang teacher na si Miss Almeda sa terrace kausap ang kasambahay ko na si Harlene. Base sa orasan ay tapos na ang klase nila ni Alfonso. I decided to put my son in home school dahil sobrang nadala na ako sa mga nangyari noon. Sandali muna kaming nagkwentuhan ng guro at pagkatapos ay nagpaalam na rin ito. Ipinahatid ko ito kay Harlene sa gate at saka ako dumirecho sa loob ng bahay. Naroon si Alfonso sa living room hawak ang tablet niya. Binitiwan niya ang gadget at agad na tumayo nang makita ako.
“Hi, anak!” nakangiting bati ko at sinalubong siya ng yakap. Aaminin kong hanggang ngayon ay nagi-guilty ako sa nangyari sa kaniya noong pitong taon pa lang siya.
“Kumusta ang maghapon mo?” tanong ko nang pakawalan siya.
“It’s fine, Nanay,” sagot niya na walang kangiti-ngiti. “Ang sabi ni Ate Harlene, umuwi ka raw sa Laguna? Have you sold our house? Does it mean that we’re not going back to Lolo’s hometown?”
Nagbuntung-hininga muna ako bago sumagot. “Napag-usapan na natin ito, hindi ba? I’ve told you the reasons and you agreed with it.” Bago ako nagdesisyon tungkol sa bagay na iyon ay kinausap ko muna si Alfonso. Sa gulang na siyam na taon, masasabi kong matalino siya kaysa sa edad niya at nakakaintindi na ng mga bagay-bagay.
Hindi na kumibo si Alfonso. Gayunman ay ramdam ko ang lungkot niya ngayong wala na sa amin ang bahay. Maybe we need to talk about it again.
“Anyway, I bought something for you. Here!” Ipinakita ko sa kaniya ang kahon ng ice cream na binili ko sa nadaanang grocery store.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay sa akin ng anak ko bago kinuha ang aking dala. “Thanks.”
“You’re welcome. I’ll just change my clothes at pagkatapos, ipaglalagay kita ng ice cream sa cone.”
“It’s okay. I can do it by myself. I’ll just ask for Ate Harlene’s assistance in the kitchen.”
Napangiti ako. “Sige, anak. Nakalimutan kong big boy na pala ang baby ko.”
Kinagabihan ay tumawag ako kay Nanay para kumustahin sila ni Don Benedicto. Mahigit isang taon na mula nang dumanas ng stroke ang matanda at base sa mga kwento ni Nanay ay bumubuti na rin ito kahit paano. Malaking bagay talaga ang tuloy-tuloy na therapy dito.
“Good luck on your interview, tomorrow!” wika sa akin ni Nanay nang banggitin ko ang tungkol sa appointment ko kinabukasan. Nang magdesisyon akong magbago ng karera ay naisip kong mag-enrol sa isang culinary school. Bata pa ay pangarap ko nang maging guro at natupad ko naman iyon pero, sa ngayon ay hindi ko na muna gustong bumalik sa pagtuturo.
“Thank you, ‘Nay. Tatawag na lang po ulit ako sa inyo para mabalitaan kayo. Pakikumusta na lang din ako kay Papa.”
“Sure, anak. Ako na ang bahalang magparating kay Benedict. Ihalik mo na lang din ako sa apo ko.”
"Sige po," nakangiting sagot ko.
Maaga akong bumangon kinabukasan para siyang maghanda ng aming almusal. Ala una pa ng hapon ang interview ko sa may-ari ng culinary school. Pagkatapos kumain ay naisipan kong ayusin muna ang ilang halaman na binili ko bago ako umalis ng Bay, Laguna kahapon.
Alas ocho pa lang ay umalis na ako ng bahay. Bago ako dumirecho sa aking appointment ay dumaan muna ako sa paborito kong flower shop at pagkatapos ay sumakay na ulit ako at nagmaneho palayo. Pagdating sa lugar ay ipinarada ko ang kotse sa ilalim ng punong akasya. Nagsuot ako ng sunglasses bago bumaba. Mula sa backseat ay kinuha ko ang dalawang basket ng flower arrangement at pagkatapos i-lock ang kotse ay nilakad ko ang berdeng damuhan. Huminto ako at inilapag sa ibabaw ng dalawang magkatabing lapida ang mga basket ng bulaklak.
Tatlong buwan pa lang mula nang mailipat doon mula sa isang pribadong sementeryo sa Laguna ang mga labi. Nagtanggal muna ako ng salamin upang mapagmasdan nang mabuti ang mga pangalang nakaukit sa mga lapida.
Alonzo Pelayo Aguilar.
Alistaire Albano Aguilar.
Dalawang taong mahal na mahal ko subalit, pinabayaan ko. Dalawang taong mahal na mahal ko subalit, wala akong nagawa para mapanatili sa tabi ko. Dalawang taong mahal na mahal ko na magkasunod na kinuha sa akin. Dalawang taong mahal na mahal ko subalit, sandaling panahon ko lang nakasama at imposible nang makita ko ulit at mayakap.
This has been my life after losing my son and my husband. Malungkot pero, nagpapakatatag. Nagpapasalamat ako na nariyan si Alfonso. Siguro kung pati siya ay tuluyang hindi naibalik sa akin, malamang na hindi na ako nakabangon mula sa matinding depression na halos sumira na ng aking katinuan. Dahil kay Alfonso, may dahilan ako para mabuhay. May dahilan para hindi ako sumuko. At nangangako akong magiging matapang ako para sa kaniya.
My eyes sting. Aaminin kong may sandaling pinanghihinaan pa rin ako ng loob. May pagkakataon pang nahihiling ko na sana ay hindi ko na lang nakilala si Alistaire - ang Sir Ali ng buhay ko. But I know it’s unfair to wish otherwise dahil sigurado akong hindi naman ginusto ni Ali na iwan akong nag-iisa. Isa pa, kahit kailan at kahit sa anupaman, hindi ko ipagpapalit ang mga panahong nakasama ko siya. Sa kaniya ko naramdaman ang halaga ko bilang tao. Bilang babae. Bilang asawa. Bilang isang ina. At sa kabila ng malaking agwat ng estado ng aming buhay, hindi siya nangimi na ipakita kung gaano niya ako kamahal.
Our love was so beautiful na inakala kong wala nang katapusan. Pero tama nga na walang permanente sa mundo. Ang lahat pwedeng magbago sa isang iglap lang. Mawawala ang mga bagay na meron ka nang hindi mo inaasahan.
Mahal na mahal ko si Ali. Kaya naman sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kaniya. Bakit hindi? Kung sa mga panahong dapat ay ang pagmamahal niya ang kinapitan ko, mas pinili ko pang sarilinin ang lungkot at pighati na parang hindi siya parte ng buhay ko. It was all my fault. Kaya tama lang siguro na danasin ko ito dahil kasalanan ko naman ang lahat. Marahil ay ito ang nararapat sa akin. Tama lang na masaktan ako ng ganito dahil sinaktan ko rin si Ali. I deserved this pain - this endless pain. Dahil alam ko na habangbuhay ko nang pagsisisihan na nawala sa akin si Alistaire.
Tumakas ang hikbi sa aking lalamunan. Naupo ako sa damuhan at muling pinagmasdana ng mga pangalan sa dalawang lapidang nasa aking harapan.
“I-I’m sorry...” sambit ko na agad sinundan ng pagdaloy ng aking mga luha. Ramdam ko ang panlalaki ng lalamunan ko dahil sa matinding emosyon. “P-patawarin n’yo ako… A-Alonzo… anak ko… K-kung maaga ko lang sanang tinanggap ang naging kapalaran mo… hindi sana nahirapan ang tatay mo na pagpasensiyahan at unawain ako…” Walang humpay ang pagbukal ng mga luha ko habang sinasabi iyon. I know this pain will not stop. Makakasanayan ko siguro pero, kahit ilang taon pa ang lumipas, mananatiling ganito kasakit ang katotohanang wala na sila sa piling ko.
“Patawarin mo rin ako, Ali… N-nalimutan ko kung ano ka sa buhay ko. Nalimutan kong kabiyak ka ng puso ko at kung nasasaktan ako noon, nasasaktan ka rin. I was blinded by my own pain after losing our son…so… I- I wasn’t able to see yours and forgot that you were also hurting. S-sarili ko lang ang inisip ko, Ali… I’m so so sorry….”
“A-Alistaire… M-mahal ko, m-miss na miss na kita… Miss na miss na kita kung alam mo lang! Kung may magagawa lang ako para makita ka ulit kahit sandali, gagawin ko. I just want to say sorry to you, Ali. Sasabihin ko rin na mahal kita at hinding-hindi ka mapapalitan ng kahit na sino sa puso ko…"
“A-Ali… Ali…miss na miss na kita...”
Hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Paulit-ulit ko pang sinambit ang mga kataga kahit alam ko na kahit kailan, hindi na ako maririnig pa ni Alistaire. Paulit-ulit kong binigkas ang pangalan niya habang sa isip ko ay unti-unting nanumbalik ang mga masasakit na alaala na siyang simula ng mapait na pagtatapos ng aming pagsasama…