Kabanata 2

2782 Words
“WE’VE done everything we can, Mr. And Mrs. Aguilar. Pero hindi na po talaga nagre-respond sa kahit anong gamot ang katawan ng anak n’yo. This is the saddest thing to say but I have to be honest with you. Alonzo is leaving anytime, soon. I am very sorry.” Natulala na lang ako pagkatapos na marinig ang sinabi ng doktor. Alam ko naman na darating ang panahon na ito pero, hindi ko pa rin lubos maisip na ganoon lang kabilis ang lahat. “Solde…halika na sa loob…” wika ni Alistaire na nasa tabi ko at niyayakap ako. Parang hindi ko siya narinig. Naiwan pa rin sa isip ko ang mga sinabi ng doktor. Hindi iyon matanggap ng isip ko. Lalong hindi matanggap ng dibdib ko. Wala pang isang taon mula nang ma-diagnosed ang sakit ni Alonzo at masasabi kong ginawa naman namin ang lahat. Ang bilis naman! Ang bilis-bilis at kahit anong paghahanda ng kalooban ang ginawa ko sa loob ng nagdaang mga buwan ay hindi ko pa rin matanggap na iiwan na ako ng anak ko. Ang tapang-tapang pa ni Alonzo. Sa kabila ng pinagdaanan niya, hindi ko siya narinig na dumaing ng pagsuko. Bakit ngayon ay sasabihin ng doktor na wala nang pag-asa? Napaka-unfair naman. Magpi-pitong taong gulang pa lang si Alonzo ko. Ang bata pa ng aking anak. Hindi ko na ba talaga makikita ang pagbibinata niya? “Solde…” anas ni Ali na hinawakan ako sa pisngi at pilit pinatingin sa kaniya. “Solde… tanggapin na natin nang maluwag sa dibdib. Can’t you see? Nahihirapan na rin si Alonzo na lumaban. Pero wala tayong magawa para tulungan siya.” “A-ayoko…” mariing iling ko kasabay ng sunod-sunod na pag-agos ng mga luha sa pisngi ko. “Ayoko… ayoko, Ali… A-ayokong mawala ang anak ko… m-mahal na mahal ko ang anak ko… Ayoko, Ali… Ayoko…” nagpapanic na sagot ko habang paulit-ulit na umiiling. “Oh, Solde…” Niyakap ako ng mahigpit ni Ali habang umiiyak akong tumanaw sa pinto ng kwarto kung saan naroon Si Alonzo. Walang nangyari sa mga pagtangis at pagtutol ko. Halos isang oras lang pagkatapos kaming tapatin ng doktor ay tuluyang bumitiw si Alonzo at iniwan kami. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko napigilan ang pagpalahaw habang niyayakap ko ang walang buhay na katawan ng aking anak. Iniuwi namin si Alonzo sa Laguna at doon na siya inilibing pagkatapos ng dalawang araw. Wala na akong luhang mailabas sa sandaling iyon. Hinang-hina ang pakiramdam ko at tila babagsak anumang oras. Nakakalakad ako subalit, ang mga binti at paa ko ay parang hindi ko na maramdaman. At sa kabila ng lahat ng payo at pagpapalakas ng loob na ginawa sa akin ng mga tao sa paligid ko, tanging hinagpis ang nangingibabaw sa akin. Sakit at dalamhati ng isang ina na nawalan ng anak. ---------------------------------------------------------------- “Bakit gising ka pa?” bungad ni Alistaire pagpasok niya sa aming silid. Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa headboard. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa ulo. “Hindi kasi ako makatulog." He sat on the bed and looked at me. Alas nueve pasado na, pero sanay na akong ganoong oras siya lagi umuuwi galing sa trabaho. "Gutom ka ba? Ipaghahain muna kita." “Hindi na. Kumain ako bago umalis ng office.” May kabubukas lang siyang opisina sa Los Baños. Plano na niya na magtayo ng sariling firm pagkatapos ng project niya sa Turkey, subalit napaaga ang uwi niya dahil sa na-diagnose na sakit ni Alonzo. Ngayon pa lang siya ulit nagsisimulang tumanggap ng mga bagong proyekto. “Ikaw, kumain ka na ba?” Hinawakan niya ako sa pisngi at matamang pinagmasdan. Alam kong malaki na ang inihulog ng katawan ko mula pa nang magkasakit si Alonzo. Hindi pa rin ako nakakabalik sa pagtuturo dahil lalo ko lang nami-miss ang anak ko kapag nakikita ko ang mga estudyante ng pre-school. Tumango ako sabay iwas ng tingin. Dumulas ang kamay ni Ali sa pisngi ko. Narinig ko ang pagbuntung-hininga niya. “By the way, kailangan kong umuwi ng Bukidnon. May problema sa company ni Papa at gusto kong alamin kung ano talaga ang nangyari.” Nag-angat ako ng mukha para tumango. Gustuhin ko mang itanong kung anong klaseng problema iyon ay mas pinili kong manahimik na lang. “You can come with me if you want. Magandang pagkakataon din ‘yon para malibang ka. Isasama rin natin si Alf.” “Ayoko, Ali,” iling ko. “Ikaw na lang. Okay naman ako na maiwan dito kasama si Alf.” “Are you sure? Baka magtagal ako ro’n. Maybe a week or two. At sa isang bukas na ang plano kong pag-alis.” “It’s fine. Walang kaso sa akin kung uunahin mo ang company ng Papa mo. Hihintayin na lang kita.” Narinig ko ang marahang pagbuga niya ng hangin. “All right. Magbibihis na muna ako.” At pagkasabi noon ay tumayo na siya at pumasok sa walk-in closet para magpalit ng damit. Nakahiga na ako at naghihintay na dalawin ng antok nang tabihan ako ni Ali. Paghiga niya ay yumakap agad siya sa akin at sinimulan akong halikan. Pumikit ako at pilit na itinuon ang aking isip sa nais mangyari ni Ali. Tumugon ako sa mga halik niya ngunit ilang segundo pa lang ay huminto na ako at itinulak siya nang bahagya. Nagkatinginan kami ni Ali and he looked so disappointed. Napakurap ako at agad nagsabi ng rason. “M-masakit ang ulo ko. N-next time na lang.” Hindi niya ako pinilit. Tumango lang siya at hinalikan ako sa noo bago nahiga sa aking tabi at pumikit. I was left feeling guilty for denying him his needs kahit alam ko naman sa sarili ko na ginagawa ko ang lahat. Hindi ko nga lang kaya. Mula nang mawala si Alonzo, tatlong buwan na ang nagdadaan, naging ganito na ang pakiramdam ko. Every time Ali’s suggesting us to have s*x, nadidistorbo ako ng mga alalahanin na hindi ko kayang pangalanan. I don’t even know where they exactly coming from. Yes. Three months. We’ve been like this for three months at mabibilang sa mga daliri ko ang mga sandaling nagpaubaya ako kay Ali. During those times I know I wasn’t very responsive. Subalit dala ng pangangailangan ay binabalewala na lang ni Ali ang kalamigan ko. He would finish himself and after that he would kiss and hug me while saying sorry na parang siya pa ang may pagkukulang sa aming dalawa. ----------------------------------------------------------- “What you’re experiencing is an early sign of depression, Mrs. Aguilar,” seryosong wika ni Dr. Hernando, isang Psychologist. I decided to see an expert para masolusyonan na ang problema sa akin. Nakaalis na noon si Ali papuntang Bukidnon at walang siguradong araw kung kailan siya babalik. Isinalang muna ako sa assessment at evaluation at may ilang laboratory tests din na ginawa sa akin bago ako kinausap ng doktor. “Isa rin sa mga sintomas ng emotional stress ang kawalan ng gana sa s*x ng isang tao. I recommend that you undergo a series of therapy. Sa gayon, mababawasan ang struggle at anxiety mo at magkakaroon ka ng sapat na concentration para sa iba pang importanteng bagay.” Hindi na ako nagdalawang-isip. Nagpa-schedule na ako para sa gagawing therapy. Sa isang araw ang balik ko para sa unang session. Kinagabihan ay tumawag si Ali through video call. He explained to me the situation. Hindi biro ang problema sa kompaniya ng Papa niya kaya malamang na matagalan pa siya roon. “Gusto mo bang sumunod dito para magkakasama tayo?” “No. I’m okay here. I’ll just wait for you.” He sighed. “All right. I love you.” Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakasagot. “I love you.” Alam ko na hindi lang ang relasyon namin ni Alistaire ang apektado ng depresyon ko. May mga pagkakataon na nalilimutan kong may isa pa akong anak na kailangan ng aking atensiyon. “Nanay, can I go to the park?” tanong sa akin ni Alfonso nang lapitan ako. Nasa hardin ako at nagbabasa ng libro na inirekomenda sa akin ng therapist. “Sige, anak, magpasama ka kay Ate Monette,” tukoy ko sa aming kasambahay. “But I want you to come with me. Please?” Nakikiusap ang tono niya. I weaved a sigh. “Okay.” Tumayo na ako at bago lumabas ay nagpaalam muna kay Monette. Pagdating sa playground ay agad nagtatakbo si Alfonso. May dalawang bata akong nakitang gumagamit ng see-saw. Unang pinuntahan ng anak ko ang swing. Naalala kong madalas din namin silang ipasyal doon ng kakambal niya. I quickly set aside the thoughts. Tinutulungan ko pa ang sarili ko na makabangon sa lungkot. Naupo na ako sa bench at doon ipinagpatuloy ang pagbabasa. Habang nagbabasa ay sinusulyapan ko rin si Alfonso. Wala na siya sa swing at kita ko ang malapad na ngiti niya habang dumadausdos ang katawan sa slide. Itinuloy ko na ang pagbabasa. At nalibang akong masyado sa pagbabasa, nawala sa isip ko ang anak ko at pagtingin ko sa playground ay wala nang tao. Sinalakay agad ako ng kaba at takot. Tumayo ako at nagpalinga-linga sa paligid. Nakita ko ang ilang kabataan na sakay ng bisikleta palayo. Nabitiwan ko ang libro at agad nagtatakbo sa palaruan. Nilibot ko ang lugar. Hinanap kong maigi si Alfonso pero, hindi ko siya matagpuan. Nag-panic na ako. Nagsimula akong maghagilap ng mga taong dumadaan para itanong kung may nakitang bata pero, wala akong nakuhang maayos na sagot. Dali-dali na akong umuwi dahil baka nauna lang sa bahay si Alfonso. Baka hindi niya ako gustong istorbohin sa aking binabasa kaya nagpasyang umuna na pero, pagdating ko sa bahay ay nagtaka pa si Monette na mag-isa lang ako. Doon na ako natakot nang husto. -------------------------------------------------------------- Bumalik ng Maynila si Alistaire kinabukasan para tumulong sa paghahanap kay Alfonso. Siguro dahil sa sobrang guilt ay halos ayaw ko na rin siyang harapin. Kasalanan ko dahil pabaya akong ina. Pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat na magkaanak. Ilang presinto ang pinuntahan ni Alistaire para magtanong at magpatulong na rin sa mga awtoridad. Naglibot naman ako sa aming village dahil baka may nakapansin kay Alfonso. Inabot ng ilang araw ang aming paghahanap. Madilim na kung umuuwi ako at pagkakarating sa bahay ay wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak. “Solde, you have to eat. Ano bang gusto mo na pati ikaw magkasakit na rin?” Hindi ako lumingon nang sumagot. Nasa kama ako at nakatulala sa dingding ng aming kwarto. “Pabayaan mo na muna ako, Ali. Kakain ako kapag gusto ko.” “Kailan? Kapag malala ka na? Solde, tulungan mo naman ang sarili mo! Tulungan mo naman ako!” Hindi ako agad kumibo. Dahan-dahan kong nilingon si Alistaire na nakatayo sa gilid ng kama. “Bakit, Ali? Wala ba akong ginagawa? Tumutulong ako sa paghahanap sa anak ko-” “That’s not what I mean. Ang gusto kong gawin mo ay magpakatatag ka. Hindi ganito na pinaparusahan mo ang sarili mo. Pati ako pinaparusahan mo na rin.” “Iyon ba ang pakiramdam mo? Sorry, ha? Hindi ko naman gustong mangyari ito. Alam ko, Ali, kahit hindi ka magsalita, ako ang sinisisi mo sa pagkawala ni Alfonso. Iniisip mo siguro na wala akong kwentang ina.” “Hindi kita sinisisi, Solde, ano bang sinasabi mo?” “Imposible, Ali. Imposibleng hindi mo naisip na kasalanan ko ito. H’wag kang mag-alala. Tanggap ko naman na ako ang responsable sa pagkawala ng anak ko. Kaya kung ako sa’yo, pabayaan mo na lang ako. H’wag mo na akong intindihin, Ali dahil kaya ko pa ang sarili ko…” Umabot na ng isang linggo pero, hindi pa rin nakikita si Alfonso. Kahit sa pamilya ko ay wala na akong ganang makipag-usap. I listened to their advices pero walang sumisiksik sa utak ko. Lalo ring lumala ang sitwasyon sa pagitan namin ni Ali at halos hindi na kami nag-uusap nang maayos. Hinihintay ko na nga lang yata na sukuan ako ng lahat ng tao dahil mismong ako, sumuko na sa sarili ko. “Are you aware that you’re being selfish, Solde?” sumbat ni Ali sa akin nang madatnan niya akong nasa kwarto at walang balak lumabas. “Hindi mo man lang ba ako naiisip? Pinababayaan mo ang sarili mo na para bang wala na akong halaga sa’yo. Solde…kailangan kita…” I smirked. “A-ako? Kailangan mo? Ako ang nagdala ng mga kamalasan sa’yo, hindi ba? Sandaling kaligayahan lang pero, pagkatapos noon, wala nang tigil ang pagdating ng problema sa buhay natin. Dahil sa trabaho ko, hindi ko nasubaybayang mabuti ang mga anak ko. Hindi ko agad nakita na may problema kay Alonzo. At ngayon… si Alfonso naman.” Naupo siya sa harapan ko at pinagmasdan ako. Gaya ng dati ay nag-iwas ako ng tingin. “How many times did I tell you to not put the blame on yourself? Tulungan mo naman ang sarili mo, Solde. Isipin mo rin naman ako. Magkatuwang dapat tayo sa problema pero, dahil sa ginagawa mo, pakiramdam ko nag-iisa na lang ako.” Umiling ako. “Ayoko na, Ali….” Nag-init ang paligid ng mga mata ko at nagpatuloy sa pag-iling na para bang sa paraang iyon ay mababawasan ang pighati at pait na nasa dibdib ko. “Ayoko na, pagod na ako… Ayoko na! Tama na! Pabayaan mo na ako, Ali! Kasalanan ko ito! Ayoko na!” “Solde, don’t say that!” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at agad niyakap. “H’wag ka namang ganiyan! Akala ko ba matapang ka? Nagawa mo ngang isilang sila ng wala ako, hindi ba? Bakit ngayon ka pa magkakaganiyan kung kailan kailangan ka ng anak natin?” Umiling ako at pilit na kumawala sa mga braso niya. “Hindi mo alam ang nararamdaman ko,” iyak ko at nagpatuloy sa pagtulak sa kaniya. Nakalaya ako kay Ali. Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko. “A-akala mo ba madali? N-nanay ako, Ali! Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin ang gumising sa umaga at wala ni isang anak ang nakikita ko sa tabi ko! Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang mamatayan ng anak at pagkatapos ngayon ay nawawala pa ng isa!” Natahimik sandali si Alistaire. “Are you invalidating my feelings as a father?” marahang tanong niya dahilan para matigilan ako. Basang-basa ang mukha ko nang tingnan ko siya pabalik. Napaawang ang bibig ko at hindi nakasagot. Tumayo si Ali at dalawang-kamay na sinabunutan ang buhok. Pagkatapos ay nagpapalakad-lakad siya sa aming kwarto. Ramdam ko ang galit niya dahil sa bigat ng kaniyang mga hakbang. Napalunok ako sa umahong pag-aalala sa aking dibdib. Maya-maya ay huminto siya at hinarap ako. “Solde… baka nalilimutan mong magulang din nila ako,” mariing wika niya, kita ko ang pagtatagis ng mga pisngi niya sa tinitimping emosyon. “Sa akala mo ba hindi pa ako pinanghihinaan ng loob? Sa akala mo ba hindi ako umiiyak sa tuwing nag-iisa ako at walang magandang balita tungkol sa anak natin? Pinipilit ko lang magpakatatag dahil kailangan. Dahil iyon lang ang pwede kong gawin. Pinipili kong magpakatapang para sa’yo - para may makapitan ka. Pero anong ginagawa mo, ha? Binabalewala mo ako. Binabalewala mo na lang ako!” At pagkatapos niyang sabihin iyon ay iwinasiwas niya ang mga nasa ibabaw ng side board. Nagulantang ako sa ginawa niya. Lumikha ng ingay ang mga nagbagsakang displays at picture frame sa sahig. Hinarap niya ulit ako. Pulang-pula ang mukha ni Ali at taas-baba ang dibdib sa paghinga. “Anak ko rin sila, Solde!" sigaw sa akin ni Alistaire. "Kung gaano kasakit sa’yo ang mga nangyari, ganoon din sa akin! Nagpapakatatag lang ako para sa’yo, pero anong ginagawa mo, ha? Sinosolo mo ang lungkot! Sinosolo mo ang sakit na akala mo ikaw lang ang may karapatan makaramdam! Magulang din nila ako, Solde! Hindi ako kung sino lang! Ako ang ama ng mga anak mo at kung gaano mo sila kamahal, ganoon ko rin sila kamahal! H'wag mo namang kalimutan 'yan!” Pagkatapos ng mainit na pagtatalo namin ay umalis si Alistaire. Hindi siya umuwi sa gabing iyon at gising ako sa magdamag dahil sa paghihintay na bumalik siya. Lumipas pa ang isang araw at hindi pa rin umuuwi si Alistaire. Binalewala ko na iyon dahil dati na niyang ginawa na kapag may problema kami ay aalis siya at babalik lang kung kailan niya maisipan. Wala akong kaalam-alam na sa araw ng kinabukasan ay isang malagim na balita ang aking mabubungaran. Naaksidente raw si Alistaire. Nahulog sa bangin at sumabog ang sasakyan nito at doon sa driver’s seat ay natagpuan ang sunog na bangkay ng aking asawa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD