Kabanata 4

2426 Words
“ANONG pinagsasabi ng taong ‘yan?” manghang tanong ni Chef Roman at tumingin sa akin. “Do you know him?” Hindi ako nakasagot. Mistulang niyayanig ang katawan ko dahil sa tindi ng aking kaba. I saw Xavi smirked and then he looked at me. Natigilan naman ako dahil sa galit na nakita ko sa mga mata niya. Sa kalituhan ay hindi ko na namalayan na nakuha na niya sa kamay ko ang wine glass. I gaped. “A-anong ginagawa mo?” gulat na tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Lumingon siya at kumaway, “Brod, halika rito!” Ang waiter na naka-assign sa aming mesa ang tinawag niya. Lalo naman akong nalito. Lumapit ang waiter sa amin. “Yes, Sir?” Inabot ni Xavi ang wine glass sa serbidor. “Kapag ininom mo ‘yan, may malaki kang tip sa akin.” Natulala ang waiter. Tingin ko nga ay namutla ito at napatingin kay Chef Roman. Tumayo na ang kasama ko at galit na hinarap si Xavi. “Sino ka ba, pare? Bakit ginugulo mo kami ng date ko?” Nagusot ang noo ko sa tinuran ng instructor, subalit wala na akong oras para itama ang sinabi nito dahil mas natuon ang pansin ko sa madilim na mukha ni Xavi. “Hindi ko kayo ginugulo. I just happened to see you putting something in her glass.” Natawa si Chef Roman. “What? Are you inventing things?” Umismid si Xavi at nilingon ang waiter. “Call your manager. I want to report this incident and request to conduct chemical test procedures in this wine.” Tumingin sa akin si Xavi. Speechless pa rin ako. “This is ridiculous! I think we better leave tutal ay nasira na rin ang dinner namin dahil sa’yo,” sabi ni Chef Roman at tumingin sa waiter. “Kunin mo ang bill namin, bilis!” “Not so fast,” kontra ni Xavi at lumingon sa waiter. “Call your manager so we can talk about this issue. At kung hindi ka pa kikilos ngayon, siguradong mawawalan ka ng trabaho.” “S-Sir?” anang waiter at tumingin kay Chef Roman na parang nagpapasaklolo. Napaawang ang bibig ko sa sobrang kalituhan. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa gitna ng pagtatalo. Napansin ko rin ang ibang customers na napapatingin na sa aming mesa. We’re attracting everyone’s attention and it’s embarrassing. Dinampot ko ang bag ko at tumayo. Hindi na ako nagsalita. Umalis ako sa mesa at naglakad nang mabilis palabas ng kainan. Narinig ko pang tinawag ako ni Chef Roman pero, hindi na ako lumingon. Derecho lang ako sa paglakad sa tabi ng kalsada. Hindi ko alam kung totoo ang bintang ni Xavi sa instructor ko pero, nagsisisi akong sumama pa ako na mag-dinner dito. It would be the first and last time. Nasayang na ang oras ko, nabulabog pa ngayon ang isip ko dahil nakita ko na naman ang kamukha ni Alistaire. Para silang kambal. Nakakabaliw isipin na halos iisa ang mukha nila. “Taxi!” sigaw ko sa parating na sasakyan. Malayo-layo na ako sa restaurant kaya hindi ko alam kung nakalabas na rin ba si Chef Roman. Huminto ang sasakyan sa tapat ko. Agad kong binuksan ang pinto sa back seat subalit isang braso ang humarang sa akin at malakas na nagsara ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. My heart pounded madly at the sight of Xavi Buencamino. “Sa susunod na pasahero ka na lang, brod! Salamat!” wika ni Xavi sa driver at tinapik ang bubong ng sasakyan. Umandar din kaagad ang taxi. Naiwan akong natutulala sa harap ng lalakeng kawangis ni Alistaire. “I saved you. Hindi ka man lang ba magpapasalamat?” Naghagilap pa ako ng isasagot. “F-for what?" He smirked. Dismayado lang siyang umiling at hindi na nilinaw ang naunang tanong. "Bakit hindi ka na bumalik? I waited for you the next day. Buong araw akong nakaantabay sa pinto dahil sinabi mong babalik ka. Sinayang mo ang oras ko.” I startled for a moment. Kagaya rin kasi siya ni Ali na ayaw ng nasasayang ang oras. "Akala ko ba naghahanap ka ng trabaho?" Nakadama ako ng guilt. The man really thought that I was there for the job posting. At posibleng naghintay nga siya na bumalik ako. “I-I’m sorry. M-may… importante kasi akong inasikaso...” rason ko. Kung sa ibang pagkakataon, baka hindi ko na gustuhing umalis sa harapan ni Xavi. Kahit anong saway kasi ang gawin ko sa aking sarili, si Alistaire pa rin ang nakikita ko kapag titingin ako sa mukha niya- sa mga mata, sa ilong, sa mga labi. Marahan akong humugot ng hangin. Hindi na siya ulit kumibo kaya akala ko ay nagkaintindihan na kami. “Mauna na’ko sa’yo,” paalam ko. Akma akong aalis nang hawakan niya ako sa braso. My jaws slightly fell. Matagal nang wala si Ali at wala akong natandaang ibang lalakeng humawak sa braso ko sa nagdaang isang taon. Tiningnan ko siya at alam kong halata ang gulat sa aking mukha. Binitiwan niya agad ako. Tumikhim siya nang isang beses at muling nagsalita. “Hihintayin kita bukas.” Para akong nabingi sandali. “A-ano? Bakit?” “Have you forgotten that I already hired you? Ibig sabihin, empleyado na kita. Wala pa lang pormal na kontrata kang pinirmahan pero, maayos ang usapan natin bago ka umalis ng office ko.” Umiling ako. “M-may nakita na akong ibang mapapasukan…” “Saan? Sa kwarto ng mga lalakeng idine-date mo?” Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa aking ulo dahil sa sinabi niya. Nagtagis ang mga ngipin ko sa malinaw na pambabastos niya. “H’wag kang magsalita ng ganiyan, Mr. Buencamino. Hindi mo ako kilala,” mariing wika ko at akma na ulit aalis pero, sa ikalawang pagkakataon ay hinawakan niya ulit ako. Pumiksi ako pero, hindi naalis ang kamay niya sa aking braso. “Fine. Pero may utang na loob ka na sa akin, Miss Aguilar. Imagine kung hindi ko nakita ang ginawa ng ka-date mo, baka ngayon ay nasa sasakyan ka na niya, walang malay at walang kaalam-alam sa balak niyang gawin. Anong mukha ang ihaharap mo sa anak mo pag-uwi? Hmm?” Nagusot ang noo ko. Gusto kong mangilabot sa sinabi niya pero, hindi ko pa rin mapagdesisyonan kung dapat ba akong maniwala. I narrowed my eyes at him. “Talaga bang may nakita kang ginawa ng kasama ko?” Umismid si Xavi. “I’ve already talked to an authority who would conduct the chemical test. Kung duda ka, puntahan mo na lang ako bukas sa opisina ko. Pero oras na mapatunayan kong hindi ako nag-iimbento lang ng kwento, magsisimula ka na agad ng trabaho sa akin.” “Bakit kailangan kong magtrabaho sa’yo? Anong kinalaman no’n sa nangyari?” “Because you owe me a lot and that’s how I want to be compensated.” Natahimik ako. Ilang sandali pa kaming nagtitigan ni Xavi bago niya ako unti-unting binitiwan. He exhaled. Sa tingin ko ay may gusto pa siyang sabihin, but he just chose to dismiss it in the end. Tinalikuran na niya ako. Walang imik kong pinanood ang palayo niyang bulto. Naiwan ako roon na binubulabog ng malakas na t***k ng aking puso at naguguluhan. --------------------------------------------------- Hindi agad ako pinatulog ng pag-aalala sa mga nangyari. Nakahiga ako subalit mulat pa rin at nakatitig sa kisame. Xavi Buencamino. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi ako makapaniwala na may nakilala akong kamukhang-kamukha ni Alistaire. Gusto ko nang pagdudahan ang sarili kong paningin. Baka dinadaya lang ako ng imahinasyon ko. Bumangon ako at tumayo. Tinungo ko ang closet at binuksan ang malaking drawer sa ibaba. Doon ko itinago ang wedding photo album namin ni Alistaire. Kasama rin doon ang mga lumang album na galing pa sa mansyon ng mga Aguilar sa Bukidnon. Sa pagkakatanda ko ay may mga pictures si Ali noong nasa kolehiyo na nakasuot ng salamin. Inisa-isa ko ang mga album at hinanap ang picture. Hindi nagtagal ay nakita ko iyon. Sumipa ang puso ko nang mapagmasdan muli ang imahe ni Alistaire. He was about twenty in that photo. Nakasalamin at dahil wala siyang balbas noong college, mas kahawig niya roon si Xavi Buencamino. Nang gabing iyon ay nakatulugan ko ang pagtitig sa picture ni Alistaire. Nagising ako na nasa tabi ko ang lumang litrato at imbes na ibalik ko sa album na pinagkuhanan ko ay naisip kong ilagay na lang sa aking wallet. Napangiti ako sabay haplos sa picture ng aking asawa. “Mahal ko… miss na miss na kita…” Pinigilan ko ang pag-uulap ng mga mata ko at iningiti na lang ang lungkot at pangungulila rito. Ilang sandali ko pang pinagmasdan ang larawan bago ako nagpasyang maligo at gumayak. “I thought you don’t have classes during Thursday?” tanong sa akin ni Alfonso nang kumakain na kami ng umagahan. Napansin kasi agad niya na nakabihis ako. “May iba akong lalakarin ngayong araw, anak. Nalimutan ko ring dumaan kagabi sa supermarket para sa pagkain ni Nugget kaya ngayon na lang ako bibili.” Ang alaga niyang poodle ang tinutukoy ko. “All right,” matipid na sagot ng anak ko at nagpatuloy na sa pagkain. Pinagmasdan ko siya. Noong mas bata pa ang aking kambal, kamukhang-kamukha nila ang tatay nila. But growing up, nagiging combination na namin ni Alistaire ang wangis ni Alfonso. Pero ang gawi at personalidad nito, parang nakukuha niya sa tatay niya. May pagka-suplado at halatang naiirita sa tuwing naiistorbo. “Bye, anak!” Humalik ako sa magkabilang pisngi ni Alfonso. “O, h’wag mong kakalimutan mag-video call kina Lola at Lolo. Pati sa Lolo Tatay mo. Mag-message ka rin kay Daddy Jowell at Tito Sandro.” “I’ll do it, ‘Nay. You don’t have to remind me.” Napangiti ako. Hindi na lang ako nagsalita pa. Sumakay na ako ng kotse at nagmaneho palabas ng gate. Treinta minutos pa bago mag-alas nueve ng umaga. Nagmasid muna ako sa paligid ng gusali. Tanda ko ang itim na kotse na binabaan ni Xavi noong una ko siyang nakita. Wala pa iyon sa parking space kaya malamang na hindi pa dumarating sa office nito ang lalake. Isinukbit ko ang aking bag. Dinampot ko ang envelop kung saan ko inilagay ang ilan kong papeles - resume, birth certificate, ToR at tig-iisang photo copy ng government identification cards. Bumaba ako ng kotse at ini-lock iyon pagkatapos. Naglakad na ako patungo sa building. Inakyat ko ang dating hagdan at nilakad ang pasilyo papunta sa opisina. I was expecting that I would find a closed door pero, nagulat ako nang bumukas ang pinto mula sa loob at sumungaw ang mukha ni Xavi. Natigilan na naman ako. Pero ang maganda rito ay hindi ko na iniisip na siya si Alistaire. Tinanggap na marahil ng utak ko na ibang tao ang may-ari ng mukhang iyon. “Good morning." Walang kangiti-ngiting bati niya. Bahagya akong tumango. "Good morning." "Akala ko hindi ka na naman darating. Come in.” Umatras pa siya nang bahagya para bigyan ako ng daraanan. Ikinalma ko ang sarili ko habang dumadaan sa harapan ni Xavi. He was just a few inches apart from me. Nasamyo ko ang panlalakeng pabango niya. Pagpasok ko ay napalinga ako sa paligid. Malayo na iyon sa dating silid na nakita ko. Mukhang opisina na talaga ang lugar pero, napansin kong wala pang tao maliban sa amin ng may-ari. Napapitlag ako nang sumarado na ang pinto. Tumingin ako kay Xavi na nilampasan ako habang nagsasalita. “Dito tayo sa loob mag-usap. I-o-orient muna kita sa kompaniya ko at sa magiging trabaho mo.” Isang logistics company ang sinisimulang patakbuhin ni Xavi Buencamino at mga produkto ng food manufacturing company na nasa Thailand ang iha-handle ng kompaniya niya. Sa isang inuupahang warehouse pansamantalang iimbak ang mga produkto at mula naman doon ay ita-transport ang lahat ng iyon sa iba't ibang lugar sa Luzon na mayroong branch ang ilan sa mga sikat na supermarket. Logistics, warehousing and distribution. Napakalayo noon sa industriyang kinabibilangan ni Alistaire noong buhay pa ito. They are really two different people. “I will introduce you to my partner Mr. Candelaria. Kasama ko siyang mag-dinner kagabi pero, nauna na siyang umalis bago pa ako lumapit sa mesa n’yo.” Nag-angat ako ng ulo at pinanood si Xavi na naka-de kwartro sa kaniyang office chair habang binubuklat isa-isa ang mga hawak na folder. Hindi ko sinundan ang sinabi niya. Itinuloy ko na lang ang pagbasa sa kopya ng kontrata na iniabot niya sa akin. “By the way, bukas pa lalabas ang resulta ng chemical test kaya bukas mo na pirmahan ang kontrata mo.” Ibinagsak niya sa mesa ang mga folder. Nag-angat ulit ako ng mukha at tiningnan siya. He continued, “But for me, it’s not necessary because I am positive with the result. Gago ang ka-date mo kagabi, Miss Aguilar. Gusto ka niyang maisahan. Sa susunod, h’wag kang basta magtitiwala sa mga sinasamahan mo.” Dinampot niya ang ballpen at pinaglaruan sa mga daliri. “Thank you for your advice but I think it’s none of your business,” mahinanong sabi ko. Natigilan siya sandali. Pero pagkatapos ay nagkibit na ng balikat at nakalabing tumango. “You have a point there, Miss Aguilar. Sa tingin ko, hindi ako nagkamali sa pag-hire sa’yo. What I need in my business is pure professionalism from professional workers. Maybe we should set some of the company rules.” Nagusot ang noo ko. “Ikaw ang boss dito, Mr. Buencamino. You set your company rules. Susunod na lang ako.” “Fine. Unahin na natin ito: No personal questions." Natigilan ako at napakurap. Nagpatuloy si Xavi. "Ibig sabihin, ang pwede lang nating pag-usapan sa loob ng opisinang ito ay tungkol sa trabaho at wala nang iba. Is it clear to you?” Hindi agad ako nakasagot. Parang may isang bahagi ko ang tutol sa patakaran na iyon. It's a part of me that wishes to know him better and it's also the same part of me that fears to know him further. Hindi ko alam kung bakit. "Miss Aguilar... I think you're having problems with the number one rule." Nakataas ang mga kilay na sabi ng lalake. Umiling ako. "No, of course not. I-I understand. Okay sa akin 'yon." Naalala ko bigla si Ali at ang number one rule niya sa aming relasyon noon- ayaw ni Ali na maglilihim ako sa kaniya. And here's the man who looked almost exactly like him. Pero hindi interesado sa kahit anong tungkol sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD