Kabanata 6

2300 Words
HININTAY kong pagbuksan ako ni Manong Boy ng pinto ng kotse bago bumaba. May dalawang buwan na nito akong ipinagmamaneho at wala naman akong mairereklamo sa trabaho ng matanda. Kung gaano ito kahinahon sa pagsasalita ay ganoon din kaingat sa kalye. Tinapik ko ito nang marahan sa balikat at nagpasalamat bago pumasok sa bahay. Tulad ng karaniwan kong nadadatnan kapag uuwi, nakatayo na sa porch si Emma at nag-aabang sa pagpasok ko. Nakangiti ito nang batiin ako pero, kagaya pa rin ng dati, hindi komportable ang pakiramdam ko sa tuwing titingin sa akin ang babae. Pagpasok ko ay kasunod ko na agad ito. “Sasabihan ko ang katulong na maghain na para makakain ka na.” “I’m not hungry. Magpapahinga na lang ako.” Dumerecho na ako sa hagdan. Alam kong nakasunod pa rin si Emma. Napailing ako. It’s not that I don’t like her presence, pero ang madalas na pakikialam nito ang inaayawan ko. Kung hindi lang malaki ang tiwala rito ng fiancee ko na si Noelle, baka noon ko pa ito pinaalis sa trabaho. “Sir, nakausap ko pala kanina si Ma’am Noelle. Nagbilin siya sa akin na kung darating kayo ay-” “Emma,” I cut her off as I turned to face her. Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy. “Look. Hindi mo kailangang i-report sa akin ang lahat ng pinag-uusapan ninyo. Noelle’s my fiancee. I’m sure you know that we’re talking. Kung anuman ang gusto niyang iparating sa akin ay sasabihin din niya oras na magkausap kami,” mahinahong paliwanag ko. “Okay. I understand, Sir. May ipag-uutos ba kayo? Are you sure you don’t want to eat?” “Wala akong iuutos at hindi ako kakain. Doon ka na lang sa kusina, Emma. Tatawagin kita kapag may kailangan ako.” Hindi na ito umimik. Tumalikod na ako at nagpatuloy sa pag-akyat. Pagpasok ko sa kwarto ay saktong tumatawag via video call si Noelle. Sinagot ko ang tawag niya. Lumabas agad sa screen ang magandang mukha ng fiancee ko. “Hi, baby!” bungad niya na nakangiti. Her smile’s refreshing. I consider myself lucky dahil bukod sa magandang mukha ay wala rin akong maipintas sa ugali ni Noelle. Kahit sinong lalake ay posible talagang magkagusto sa kaniya. Kaya naman may mga sandaling nanghihinayang ako dahil hindi ko na maalala kung anong naramdaman ko nang unang beses ko siyang makita. “How’s your day? You look tired, baby,” puna niya habang pinagmamasdan ako. Nasa Spain na ulit si Noelle dahil sa trabaho niya, and it’s been two months already since we last saw each other. She told me that we were together in Madrid last year and we’re supposed to go back to the country for our wedding when something happened. Nagkaroon daw ng trouble sa labas ng isang night club na madalas naming puntahan at nadamay ako. Isang baseball bat ang humampas sa ulo ko na naging dahilan kaya ako na-comatose ng halos anim na buwan. Nang magising ay wala na akong maalala. The doctor said I have dissociative amnesia. Noong una ay hindi ko matanggap na kahit sarili kong pangalan ay hindi ko na matandaan. I was always causing trouble in the hospital at si Noelle ang palaging sumasalo ng galit at paninigaw ko. She was there for me at my darkness and during the times that I didn’t want anyone around me. She endured everything and chose to stay on my side. Madilim man ang tingin ko sa mundo dahil sa pagkawala ng aking mga alaala, nagpapasalamat ako na nariyan si Noelle. Siya ang nagsilbing ilaw ko sa daan. And now, I am living my life like a normal person. Hindi ko iniisip na may kulang o nawawala sa akin. “Baka naman sinasagad mo ang pagtatrabaho? Alalahanin mong hindi ka pa lubos na magaling.” She has been my personal nurse, nasa malapit man siya o nasa malayo. At isa sa mga lagi niyang bilin sa akin ay hindi ko raw dapat ipaalam sa ibang tao ang totoo kong kondisyon. Sang-ayon ako roon. And that’s the main reason why I am avoiding to be asked about something personal. Sa ganitong kalagayan ko, mahirap sa akin ang magtiwala sa iba maliban kay Noelle. Ayokong gamitin ng ilan ang sitwasyon ko para sa pansarili nilang hangarin. Pero aaminin kong may isang parte ko ang gustong magsisi dahil nagtayo agad ako ng pader sa pagitan ko at ng mga tao sa aking paligid. "Baby, h'wag mong aabusuhin ang katawan mo. Take your doctor's advice seriously. Ingatan mo ang sarili mo. H'wag mong kalimutan na ikaw lang ang meron ako." We both don’t have families. Ang sabi niya ay sa isang orphanage sa Batangas ako lumaki habang siya ay dalaga na nang maulila sa mga magulang. Base sa kwento ni Noelle, seven years ago nang una kaming magkita sa Singapore kung saan siya dating nagtrabaho as caregiver habang nag-aaral ng nursing sa gabi. Ako naman daw noon ay isang supervisor sa malaking food manufacturing company. Nang makatapos sa pag-aaral at magkaroon ng lisensiya ay nag-decide si Noelle na pumunta sa Madrid upang doon na magtrabaho bilang nurse. Nanatili naman daw ako sa Singapore ng may dalawang taon pa bago ako tumungo sa Spain para magkasama na kaming dalawa. Doon na rin daw ako nag-propose sa kaniya ng kasal. Isang buntung-hininga ang pinakawalan ko bago ko sinundan ang sinasabi ni Noelle. “Don’t worry. Lagi kong sinusunod ang bilin n'yo ng doktor. I was just busy the whole day that’s why I look tired. I had several meetings with customers, newly- hired employees and with Mr. Candelaria. Binisita ko rin kanina ang magiging warehouse ng Buena-Can sa Cavite.” Pagkabanggit ko noon ay biglang lumutang sa isip ko ang mukha ng bago kong empleyado. Naalala ko kung paano niya pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman sa mga paa kanina. Naalala ko rin ang unang beses na nadatnan ko siya sa aking opisina. Naalala ko pati ang gabi na nakita ko siya sa restaurant na may kasamang lalake. Sumagi rin sa isip ko ang mga personal na impormasyon na nabasa ko sa mga papeles ni Ysolde Aguilar. She is a young widow raising a nine-year old kid alone and I don't understand why I am so affected. "Kaya pala hindi mo na ako nagawang tawagan kanina." Boses ni Noelle ang umuntag sa akin. I realized that I was being busy remembering someone else's face while I am in a conversation with my fiancee. I exhaled as I vanished that image away from my mind. Itinuon kong mabuti ang paningin ko kay Noelle. Sinundot ako ng guilt nang makita ang inosenteng ngiti niya. “I-I’m sorry about that...” Umiling siya. “It’s okay. I understand. Kumain ka na ba?” maalalahanin pa ring tanong niya. “Yes. Kumain ako bago umuwi.” Ang bahay na iyon na inuuwian ko mula nang bumalik sa Pilipinas ay kami raw mismo ni Noelle ang bumili. Pangarap daw naming pareho na makapagpundar muna ng sariling bahay bago magpakasal. At dahil parehong walang pamilya ay madali raw sa amin ang makaipon ng pera at doon nga nanggaling ang ginastos sa pag-acquire ng property at ang capital na ginagamit ko ngayon sa pagsisimula ng sarili kong kompaniya. "Matutulog ka na ba? I just had lunch out with my friends. Dadaan lang ako sa ospital bago umuwi sa apartment." “Actually, plano kong matulog na pagkarating dahil maaga akong papasok sa office bukas. Can I call you tomorrow?” “Sure, baby. Magpahinga ka na. Just don’t forget to take your medicine before you sleep.” “I will. Take care.” She smiled. "I love you, baby.” Tumango ako. “I love you, too.” -------------------------------------------------------------------------------------------------------- Alas siete pa lang ng umaga ay nasa opisina na ako. Nagpa-deliver na lang ako roon ng almusal bandang alas ocho at pagkatapos kumain ay itinuloy ko na agad ang ginagawa ko. Kinse minutos bago mag-alas nueve. Nakatayo ako sa tabi ng bintana sa loob ng aking opisina nang mapadako ang tingin ko sa ibaba ng building. Mula sa kinaroroonan ko ay natanaw ko ang paglabas ni Ysolde sa kapaparada pa lang na kotse sa parking space ng gusali. Noong una ko siyang makita, inakala kong disente lang magbihis, subalit gipit sa pera si Ysolde. Naghahanap kasi siya ng trabaho na kahit magkano lang ang sweldo ay ayos na kaya ganoon agad ang naisip ko. I also thought she was a single mother who was unfortunately abandoned by the father of her child. Nagkamali ako ng aking mga inakala. After studying her personal information and background, sa tingin ko ay hindi naman talaga hikahos sa buhay si Ysolde. Nang mawala siya sa paningin ko ay bumalik na ulit ako sa aking mesa. Nakatutok ang paningin ko sa screen ng laptop, pero ang isip ko ay nasa mga bagay na may kinalaman sa aking empleyado. Ysolde was a former school administrator and teacher. Ayon sa records ay dating architect ang nasira niyang asawa. Siguro kahit paano ay may naiwan ang lalake na sapat para mabuhay silang mag-ina nang maayos. Or maybe the woman just wanted to work to make her own income. Sa panahon kasi ngayon, mas marami na ang mga babaeng financially independent. One of them is my fiancee, Noelle. And of course, there’s Ysolde who is widowed in such a young age. Naiisip kaya nito na mag-asawa ulit? Sa pagkakatanda ko ay halos dalawang taon na mula nang mamatay ang asawa nito. Maybe that's why she's going on a date. Siguro ay bukas na ulit si Ysolde sa pakikipagrelasyon sa iba. I exhaled soundly. Heto na naman ako. Naglalakbay na naman ang isip ko patungkol sa mga taong wala namang kaugnayan sa personal kong buhay. I never want to think that I am attracted to my new employee. Maybe I am just curious about how Ysolde manages her life without someone on her side. Kumpara kasi sa buhay at kasalukuyan kong pinagdadaanan, masasabi kong maswerte ako dahil may isang taong nakaalalay sa akin. Kaya nga kahit hindi ko makapa sa dibdib ko ang pagmamahal na dapat ay nararamdaman ko para kay Noelle, hindi man lang sumagi sa aking isip na iwan siya. Isa pa, naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko. Ni minsan nga ay hindi niya ako pinilit na alalahanin ang nakaraan namin dahil para kay Noelle, mas importante na magkasama kami kaysa sa mga alaala ko na nawala. ----------------------------------------------------------------------------------------- Lumipas ang mga oras at halos nasa loob lang ako ng opisina ko sa buong maghapon. Sa sobrang dami ng kailangan kong tutukan ay halos malimutan ko ang pagkain. Mabuti na lang at tinawagan ako kanina ni Noelle. Alas kwatro pasado naman ng hapon nang ipatawag ko si Ysolde. Kahapon pa dapat namin pinag-usapan ang tungkol sa resulta ng chemical test sa wine niya, pero dahil sa dami ng trabaho ay isinantabi ko na lang muna ang tungkol doon. “Is your decision final?" Halos makita ko ang pagsasalubong ng aking mga kilay dahil sa sagot ni Ysolde. "Ibig sabihin ay wala ka nang gagawin pagkatapos nating mapatunayan na pinagbalakan ka nang masama ng siraulong ka-date mo?” dagdag ko pa. “No, Mr. Buencamino, hindi sa ganoon. In fact, I am planning to talk to my former instructor. Gusto ko lang bigyan siya ng babala para hindi niya maisip na gawin ang ginawa niya sa akin sa ibang babae. Hindi dahil sa wala akong pakialam kaya ayoko nang dalhin ito sa demandahan. Ayoko na lang palakihin pa ang bagay na ito. Iniiwasan ko rin na makarating sa mga magulang at sa mga kapatid ko ang nangyari at lalo na sa anak ko. Ayokong mag-alala pa sila sa akin. Intindihan mo sana ang pasya ko.” Ilang saglit kong pinag-isipan ang paliwanag niya bago banayad na nagbuntung-hininga. “Fine. Hahayaan kita sa desisyon mo, Miss Aguilar. But let me just give you a piece of advice: Kung naghahanap ka ng ipapalit sa asawa mo, tiyakin mo sanang seseryosohin ka ng lalake at hindi isang bagay lang ang habol sa’yo. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.” Nakita ko kung paano naghalo ang pagkadismaya at pagkailang sa magandang mukha ni Ysolde. Banayad siyang umiling bago sumagot. “A-akala ko ba, hindi pwedeng mag-usap tungkol sa mga personal na bagay sa loob ng opisina mo?” “That’s right. And I don’t have any desire of talking about your personal life. What I am trying to do is giving you an advice as your boss. Hindi mo na siguro kailangang kwestiyonin o masamain ang sinabi ko dahil para rin naman ‘yon sa kapakanan mo.” I heard her sigh. Tahimik na tumayo si Ysolde at walang anumang reaksiyon nang humarap sa akin. “Thank you for your concern, Mr. Buencamino. Kung wala ka nang sasabihin, babalik na ako sa trabaho.” Tumango ako bilang sagot. Kasabay ng pagtalikod ni Ysolde ay niyuko ko muli ang binabasa kong dokumento. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsasara ng pinto ng aking opisina tanda na nakalabas na si Ysolde. Nag-angat ulit ako ng mukha. Nagbuga ako ng hangin sabay tapon ng hawak kong papeles sa ibabaw ng mesa. Ilang minuto ang pinalipas ko bago ko naisip na kunin ang aking cellphone upang tawagan si Noelle. She answered my call after two rings. “Yes, baby? Akala ko busy ka?” Huminga ako nang malalim bago sumagot. “I am. Bigla lang… bigla kitang na-miss kaya ako tumawag.” Narinig ko ang hagikhik ni Noelle mula sa kabilang linya. “I miss you, too. Don’t worry, baby. I’ll be coming home, soon...” Sumandal ako at pumikit. Itinuon ko ang aking pandinig sa sinasabi ni Noelle, pero habang ginagawa ko iyon ay itinataboy ko rin sa isip ko ang mukha naman ng ibang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD