Third POV HINDI maalis-alis ang ngiti ni Axle habang bitbit ang isang maleta papasok sa loob ng kanyang inuupahang bahay. Akala niya ay biro lang ni Shen nang sabihin nito sa kanya na babalik ito sa kanyang bahay para makitira ng isang linggo, pero totoo nga ang sinabi nito dahil katunayan ay nasa kanya na ang maleta nito. Iyon nga lang ay umalis din agad ito dahil may importante pa raw na pupuntahan at baka mamaya pa sa gabi ang balik. Pero pabor iyon sa kanya dahil balak niya itong surpresahin mamaya pagbalik nito. Nang maitabi niya ang dalang maleta ay agad niyang tinawagan ang kanyang mga kaibigan para papuntahin sa kanyang inuupahan at patulungin para sa ihahanda niyang dinner surprise mamaya. Wala pang dalawang oras ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga ito; sina Cullen, Ares, Dash