Shen's POV AKALA ko ay didiretso kami agad sa Boracay ni Axle, pero nanatili pa kami ng tatlong gabi sa yate na pinahiram lang sa kanya ni Yael. Talagang napakabait ng boss niya dahil bukod sa pinayagan na siyang magbakasyon ay pinahiram pa siya ng yate at pinautang pa ng malaking halaga ng pera. Akala ko nga ako ang gagastos sa lahat, pero hindi siya pumayag na ako ang gagastos dahil dapat daw ay lalaki, kaya siya na lang at wag na raw akong maglabas ng pera kahit piso. Umangal pa ako nung una dahil baka mabaon siya sa utang, pero sinabi naman niya agad na ako ang magbabayad kung sakaling hindi niya kayang bayaran ng mag-isa. Nakakatawa sa totoo lang, pero at the same time ay napapangiti na lang ako sa kanyang mga desisyon at pa-surprise, pagdating kasi namin sa yate ay may dinner surpri