Third POV NASA loob na ng kanyang opisina si Axle at nakasandal ng upo sa kanyang swivel chair habang pinapaikot-ikot pa sa kanyang daliri ang hawak na ballpen. Hindi mawala-wala ang kanyang ngiti habang iniisip ang mga pangyayari sa kanilang dalawa ni Shen, pero tuwing pumapasok sa isip niya ang pambabastos ng mga lalaking 'yun ay kumukulo ang dugo niya. Talagang ang kakapal ng mukha ng mga kamag-anak nito at nakuha pa silang ipa-barangay ni Shen kanina. Gusto siyang pagbayarin ng mga ito sa pagpapagamot sa mga lalaki pero syempre humindi siya at hindi pumirma sa barangay. Nung una ay umangal pa ang kapitan at kinampihan ang mga nabugbog na lalaki, pero nang kausapin niya ito ng palihim ay parang naging maamong tupa na biglang bumait. Kaya naman ang nangyari ay imbes na nagbayad sa mga l