Tahimik lang ako sa biyahe habang nakapikit at nagpapanggap na nakatulog na. Ngayon ay tahimik na ang paligid ko ay parang muling bumalik ulit sa dibdib ko ang sakit na dulot ni Spencer at ng Michelle na 'yon. Kaya naman para hindi mahalatang umiiyak ako ay nagpanggap na lang ako tulong habang nakaupo sa loob ng sasakyan at nakatigilid ang ulo. Pero kahit nakapikit ako ay ramdam ko pa rin ang bagal ng takbo ng sasakyan na para na lang pagong sa sobrang hina. Hindi ko alam kung hindi lang ba marunong itong si Axle magmaneho ng kotse or sadyang iniingatan niya lang na magising ako, pero kung gano'n nga, tunay siyang gentleman kahit na may pagkamanyakis kung minsan. Makalipas ang halos dalawang oras na biyahe ay nang sa wakas huminto na rin ang sasakyan at namatay na ang makina nito, hangg