Imbes na ituloy ang pagpasok sa building ay mas pinili kong bumalik sa sasakyan ko at muli itong pinatakbo ng sobrang bilis. Tuloy-tuloy naman ang paglabas ng luha sa mga mata ko habang nagmamaneho. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Ang sakit, sobra. Parang may matalas na dagger ang bumaon sa puso ko dahil sa sobrang sakit. That message from Michelle, para akong pinagsasaksak ng matulis na patalim. Spencer got her pregnant? This is probably the most painful news I have received in my entire life. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakahinto sa may bridge at nagsisigaw na parang nababaliw na. I didn't even care about the cars passing by as long as I let out my anger by shouting loudly. Ang cellphone ni Spencer ay walang pagdadalawang isip kong itinapon sa dagat at sinabayan ng m