KINABUKASAN ay maagang nagtungo si Tristan sa opisina niya. Gusto niya kasing maagang makauwi bago pumunta sa tagpuan nila ni Fred. Agad siyang binati ng kaniyang sekretary/confidant na si Paulo. "Make me a coffee please." Turan dito bago pumasok sa opisina. Naroroon na ang mga pipermahang mga papeles. Mabuti na iyong lalaki ang sekretarya pala walang masyadong problema. Total ay efficient naman itong tromabaho. Ilang minutos ay pumasok na ito dala ang kape niya. "Thanks..." Paaalis na ito nang tawaging ito. "Yes sir.." "Call the other office. I want bookkeeper Carissa Marie Fernandez in my office. ASAP." Iyon lang at tinuloy na ang pagbabasa ng ilang papeles sa desk. Sa tuwing natatapos basahin ang bawat papeles sa harapan ay napapangiti sa pinaplano. Well, hindi na nga mahirap ang